Gab's POV
Kasalukuyang nag-re-review na kami sa library. Nasa bandang dulo kami naka-pwesto at medyo may kaliitan ang nakuha naming table. Full pack kasi ngayon ang silid aklatan dahil pre-midterms week ngayon. May mga ilang estudyante nga akong natanaw sa entrance na kakapasok pa lang pero lumabas rin agad dahil wala ng mauupuan.
"Napupuno rin pala ang library natin. Ang akala ko lulumutin na 'to dahil hindi nabibisita ng tao." biro ni Ara.
"Halatang hindi ka pumapasok ng library." sagot naman ni Zayn na hindi inaalis ang atensyon sa binabasa.
Napataas ang kilay ni Ara. "Asus... kung magsalita 'to parang palaging nakatambay rito."
"Hindi nga ako tumatambay rito but at least once in a while pumapasok ako."
"Pumapasok ka nga, nakikipag-make out ka lang naman." sagot ni Ara sabay ismid.
Nangunot ang noo ni Zayn. "At saan mo naman nakuha 'yan?"
"Sinabi sa akin ni Kayela." Ani ni Ara. Biglang nanlaki ang mata ni Zayn. Sabay napatingin sa amin. "Di ba, ex mo siya?" dugtong pa ni Ara.
"Ewan ko sa'yo Ara. Wala akong alam sa sinasabi mo. Mag-aral ka na lang nga! Puro ka tsismis."
"Hindi ako tsismosa. Sadyang denial ka lang. Hmp!"
"Quiet." saway ni Yozac. Ako naman ay napatingin sa kanya. Kasalukuyang magkaharap kami sa upuan.
"Pare, paturo naman rito." sabi ni Jiro sabay baba ng libro sa harap ni Yozac.
"That's solving for inequalities. " kinuha nito ang papel at ballpen at nag-umpisang mag-sulat. "2 parentheses x plus 2 parentheses less than or equal to x minus 5. First remove the parentheses, that will become 2x plus 4 less than or equal to x minus 5 then add negative 4 to each side. 2x plus 4 minus 4........ "
Habang mahinahon na nag-e-explain si Yozac ay hindi ko maiwasan na mapatitig sa kanya. Napaka-cool niyang tingnan habang seryoso siyang nagpapaliwanag kay Jiro. Kung makikita lamang siya ngayon ng ibang estudyante rito ay siguradong hahangaan siya ng mga ito imbis na katakutan. Napakagwapo rin niya sa suot niyang school uniform. Nagmumukha siyang campus royalty sa paningin ko.
"Gaby.. patulong naman ako rito. Paano ba ii-enterpret 'to?"
Bahagya pang nakabukas ang polo niya at maluwag rin ang pagkaka-tie ng kanyang kurbata. Kaya naman kitang kita ko ang bawat paghinga niya.
"Gaby?"
Hindi ko rin maiwasan na mapansin ang kanyang labi.
Bakit parang mas pumula ito ngayon? Ganito ba talaga kaganda ang labi ni Yozac?
"Gaby." sabay tapik.
Bigla akong natauhan. "Ha?" gulat kong sabi sabay lingon sa nagsalita.
"Venus." napalunok ako. Diyos ko, ano ba 'tong iniisip ko? "May sinasabi ka?"
"Kanina pa kita tinatawag. Bakit parang lutang ka? Ayos ka lang ba?" worried na tanong niya.
"O-oo, oo naman."
Hay naku, Gaby! Kung ano-ano kasing ini-imagine mo!
"Sigurado ka? Ba't ampula niyang pisngi mo?" sabay hawak sa mukha ko. "May sakit ka ba?"
Napansin kong nagtinginan na rin sa akin ang iba pa naming kasama sa table.
"Wala." iniwas ko ang mukha ko. "Wala. Mainit lang kasi rito. He-he." I took a deep breath. Kalma, Gaby. Kalma. "Ano nga uli 'yung sinasabi mo?"
BINABASA MO ANG
She Dated the Bad Boy
Teen Fiction"May isang tao rito na dapat mong iwasan. He's the king of the campus, a cold, heartless bad boy. I heard galing rin siya sa school mo bago siya lumipat rito three years ago." "Ha? Sino?" "Yozac Del Queja." "Ano?! " The nerdy, loser Yozac Del Queja...