Gab's POV
Parang nagkakarerang kabayo ang nagtatakbuhan ngayon sa dibdib ko dahil sa lakas ng kabog nito. Pakiramdam ko ay sumikip rin ang aking paghinga at mas namayani ang panlalamig sa aking katawan.
Itinanong sa akin ni Yozac kung minahal ko siya noon.
Ang buong katotohanan na matagal ko ng itinago ay hinihingi na naman ng pagkakataon.
Sasabihin ko ba ang katotohanan sa kanya?
O papanatilihin ko na lamang ang kasinungalingan na alam niya dahil ang magiging sagot ko ay hindi naman na mahalaga ngayong kasalukuyan.
"Gaby... "
Napapitlag ako.
Anong isasagot ko?
"Bakit bigla mo namang naitanong 'yan? " nag-iwas ako ng tingin. "Ang tagal na 'non Yozac. Alam mo naman ang sagot sa tanong mo, di ba?"
Nilingon ko siyang muli.
Ang gwapo niyang mukha ay hindi kababakasan ng kahit na anong emosyon. Ang mga mata niyang nakatitig sa akin ay tila nagpapabatid na hindi siya sang ayon sa aking sinabi.
"You know what's worst about being lied to? Is to know the fact that you aren't worth enough to know the truth. "
"Bakit? Ano ba ang gusto mong sabihin ko?"
"'Yung totoo, Gaby!" I hear the pain in his voice. "Gusto kong sabihin mo sa'kin ang totoo."
Ngayon ay batid ko na ang pait at sakit sa kanyang mukha. Tila nangungusap ang kanyang mga mata na ipaalam ko na sa kanya ang matagal ko ng ipinagkait sa kanya.
Sa mga panahon na noo'y kami magkasama. Hindi ko siya nakakitaan ng negatibong emosyon, ngayon lang. Palagi niyang ipinapadama sa akin na masaya siya kapag kasama ako. Na ako lang ang nakikita niya. Na sa akin lang umiikot ang mundo niya.
Sino ba naman ang hindi mamahalin ang isang Yozac Del Queja?
"Oo, minahal kita. Minahal kita, Yozac." Napalunok ako. "Okay na ba? Kontento ka na?"
"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?"
"Dahil alam kong wala akong karapatang sabihin 'yon." Pakiramdam ko ay namumuo na ang luha ko. "Ikaw ang pinili kong bitawan, Yozac. Naduwag ako. Hindi kita kayang panindigan. Hindi kita kayang ipaglaban."
"Pero kahit na, dapat sinabi mo pa rin sa'kin ang tunay na nararamdaman mo. Sa lahat ng pagmamahal at debosyon na ibinuhos ko para sa'yo. I at least deserve to know the truth."
"Ano pa bang saysay na malaman mo ang totoo? Hindi na 'yon mahalaga."
"Well for me, Yes. Mahalaga 'yon sa'kin, Gaby. Because I should have stayed with you and fight with you kung nalaman ko ang totoo."
At ayon. Sa isang iglap. Tinunaw ng mga katagang iyon ang puso ko.
Alam na alam ko na may sinseridad sa sinabi niya. Kung siya ang Yozac 3 years ago ay siguradong hindi niya ako iiwan. Siguradong pipiliin niya ako at hinding hindi susukuan.
His love for me may be young and sudden but it was pure and genuine.
Pagmamahal na hindi ko nasuklian ng tama.
Sadyang nakakapanghinayang.
"Hindi kita deserve, Yozac."
Tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ko.
"No, Gaby." lumapit siya sa akin at marahang pinunasan ang aking luha. "You deserve me. I deserve you. At ako lang ang makakapagsabi kung para tayo sa isa't isa o hindi."
BINABASA MO ANG
She Dated the Bad Boy
Novela Juvenil"May isang tao rito na dapat mong iwasan. He's the king of the campus, a cold, heartless bad boy. I heard galing rin siya sa school mo bago siya lumipat rito three years ago." "Ha? Sino?" "Yozac Del Queja." "Ano?! " The nerdy, loser Yozac Del Queja...