Gab's POV
"Gab, sorry. Sorry talaga."
Paumanhin nina Denver at iba pang mga kasama ko sa sayaw. Ipinaliwanag na nila sa akin ang ginawa ni Brianna at nalaman ko na rin na wala silang kinalaman roon. Actually ay hindi naman ako galit sa kanila, alam ko naman na minanipula lamang sila ng malditang Blondinang 'yon kaya pumayag sila na isabutahe ako.
"Ayos lang, hindi naman ako galit sa inyo."
"Talaga? " nagliwanag ang mga mukha nila. "Salamat ha. The best ka talaga! "
"Thank you, Gab. Tsaka ang galing mo kanina. Ang galing nyo ni Cai."
"Salamat, pero mas maganda sana kung tayo ang nagperform kanina."
"Oo nga e. Si Brianna kasi napaka-atribida."
"Okay lang, better luck next time. Basta huwag na kayong magpapauto sa babayang 'yon para all is well tayo."
"Oo, hindi na talaga."
"Sige, Gab. Alis na kami, enjoy the event."
Tumango ako. "Oo, kayo rin."
Yun lang at umalis na sila. Siya namang paglapit sa akin ni Ara na bahagya pa akong niyugyog sa braso habang namumula ang mukha.
"Bruha ka!!! Kailan ka pa naging close kay Cai ha?! Bakit may pa-dance performance kayo na hindi namin alam ni Venus?!! Ang daya mo!"
Napangiti ako ng alanganin. "Biglaan lang ang nangyari tsaka kanina lang kami nagpractice. Si Brianna kasi may ginawa na namang kalokohan. Sinabutahe ako." At ikinuwento ko sa kanya ang ginawa ni Brianna.
"Ang babaeng 'yon!!! Kahit kailan talaga napaka-sama ng ugali!!! Mabuti na lang pala at narinig ni Cai, kung hindi mapapahiya tayo."
"Sinabi mo pa." speaking of Cai. Nagpromise nga pala ako sa kanya na ililibre ko siya ng kwek-kwek mamaya. Mabuti pang isama ko na rin sina Ara at Venus para naman makabawi ako sa kanila sa mga time na hindi ko sila nakasama noong busy ako sa pagpapractice. "Si Venus nga pala?"
"Nasa restroom, hindi pa makalabas dahil pinagtataguan yung jologs niyang manliligaw. Yaan mo pasunod na 'yon."
"Ah, mabuti naman. Yayayain ko kasi kayo na magstreet food mamaya kasama si Cai."
Bigla siyang tumili at hinampas-hampas ako. "Oh my God!!! Oh my God!!! Totoo ba 'yan? Hindi ba 'yan joke?!!" tumiling muli. "My God!! Ultimate dream ko 'to, Gab! Finally! Makakasama ko na rin si Cai at may chance pa akong makausap siya." sabay yakap sa akin. "Thank you! Thank you talaga! Hindi pa man ay kinikilig na ko! "
"Loka ka, huwag kang umarte ng ganyan mamaya, baka matakot sa'yo si Cai."
"Ano ka ba, siyempre pabebe tayo latur. Kunwari mahinhin. Hindi pwedeng ma-turn off si crush. " inilabas niya ang foundation niya at nagretouch. "Dapat pala sunduin na natin si Venus sa restroom para diretso na rin kaming makapag-retouch."
Tumawa ako. "Sige. Go lang kayo. Support lang ako."
"Dapat lang ano! May Yozac ka na, kaya ipaubaya mo na sa amin si Cairo!"
Bigla akong natigilan. Sa pagbanggit sa pangalan ni Yozac ay muli ko na namang naalala ang nangyari sa amin kanina sa dressing room maging ang di kapani-paniwalang mga salita na sinabi niya sa akin.
Flashback
"Anong sabi mo? You want me back?" natatawang sabi ko. Pero ang totoo ay nasapul rin ng bahagya ang marupok kong puso sa sinabi niya. "Okay ka lang? Hindi ka ba bangag? "
BINABASA MO ANG
She Dated the Bad Boy
Teen Fiction"May isang tao rito na dapat mong iwasan. He's the king of the campus, a cold, heartless bad boy. I heard galing rin siya sa school mo bago siya lumipat rito three years ago." "Ha? Sino?" "Yozac Del Queja." "Ano?! " The nerdy, loser Yozac Del Queja...