Gab's POV
"Sir, sorry na po. Hindi ko na po uulitin. Nangangalay na po ang kili-kili ko. Kanina pa po ako rito."
Reklamo ko kay Sir Bitago habang nakataas ang dalawa kong kamay na nakaluhod sa harap ng table niya.
Pinaparusahan niya ako ngayon dahil sa ginawa kong pagsagot-sagot sa kanya kanina sa klase. Ang buong akala ko ay nakalimutan na niya ang ginawa ko dahil maghapon niya akong hindi hinanap.
Pero yun pala ay sinakto niya lang na sa after class ako ipapatawag para unlimited subscribe siya sa punishment na ipagagawa niya sa akin.
Tss... ang gulang talaga.
"Keep your mouth shut, Ms. Alcantara. Mabuti nga't yan lang ang punishment na ibinigay ko sa'yo. Kung iba ay baka na-suspend ka pa. Tsk. Una pa lang na dating mo rito , alam ko ng hindi ka gagawa ng maganda. Look at yourself. You are a female pero panlalaking uniform ang suot mo. You don't bother following school rules and ethics. Mabuti ng putulin na agad ang sungay mo bago pa humaba yan ."
"E, sir, hindi ko naman po kasalanan na panlalaking uniform ang suot ko ngayon. School Admin po ang may lapses rito. Tsaka wala naman po akong nilabag na school rules-----"
"Anong wala?! Pinagdabugan mo ang teacher mo! Against 'yon sa school rules! "
Naitikom ko ang aking bibig. "Sorry na nga po, di ba? "
Pero pwera biro, ang sakit na talaga ng mga braso't balikat ko.
Bakit ba ginaganito ako ni Sir?
Para 'yun lang ang ginawa ko grabe na ang parusang ibinibigay niya sa'kin samantalang yung iba...
Teka nga!
Oo nga pala!
Samantalang sila Yozac na nambu-bully pa ay wala lang sa kanila!!
Unfair!!!
"Tsaka bakit ako lang po ang pinaparusahan nyo? Hindi lang naman ako ang pasaway rito sa school, ah. Sila Yozac, Zayn at Jiro, nambu-bully pa, bakit hindi nyo pinapatawag? "
Nanlaki ang mata ni Sir kasunod ay nag-iwas ng tingin. Halatang nagi-guilty. "Muntik ko ng makalimutan, may gagawin nga pala ako." kunwari'y nagbukas ng laptop. "Sige na, tumayo ka na diyan. Tapos na ang punishment mo. Basta huwag mo ng uulitin okay? "
Ayon.
Ganyan tayo e. Kapag naiipit na ay mabilis pa sa alas kwatro kung umiwas sa issue.
Naku.. Mga style nyo Sir bulok.
"Talaga po?" ibinaba ko na ang kamay ko at tumayo na. "Thank you, Sir. Pangako ko po, hindi ko na po talaga uulitin. "
Inayos ko na ang gusot ng pants ko bago nagpaalam sa kanya. Pero bago ako tuluyang umalis ay naisipan ko pa siyang asarin.
"Sir, sila Yozac po ba, ipapatawag nyo rin ba? Kung gusto nyo po ako na lang po ang magsasabi ----"
"Hindi! Hindi na." madiing tanggi niya. "Wala akong kailangan sa kanila. Yung problema sa kanila, guidance councilor ang bahala roon." nagpunas siya ng kanyang pawis. "Don't mind them. Kami na ang bahala sa kanila. Sige na, you may go home. "
Lihim akong natuwa.
O, ano? Nagisa ka sa sarili mong mantika anoh?
Kabisadong kabisado ko na ang ganitong sistema Sir. Hindi lang sa teleserye 'to nangyayari. Pati sa reality ganoon rin.
Hayst. Kapag talaga mayaman at makapangyarihan ang gumagawa ng kabulastugan ay nagbubulag-bulagan ang paaralang tulad ng El-Saavedra na nakasamba sa mga donasyon na ibinibigay ng mga magulang ng nang-aapi.
BINABASA MO ANG
She Dated the Bad Boy
Novela Juvenil"May isang tao rito na dapat mong iwasan. He's the king of the campus, a cold, heartless bad boy. I heard galing rin siya sa school mo bago siya lumipat rito three years ago." "Ha? Sino?" "Yozac Del Queja." "Ano?! " The nerdy, loser Yozac Del Queja...