Chapter 4

370 16 2
                                    

Gab's POV

"Good morning, class."

"Good morning, Sir."

"Today, another promising student will be joining our class. She came from class B but she took the class A qualifying exam and pass. Her name is Brianna Arquides, let's give her a warm welcome."

Introduction ni Sir sa estudyanteng babaeng nakatayo sa unahan. Maganda siya at matangkad, na tantiya ko ay halos kasing taas ko lang. Mahaba ang kanyang blonde na buhok na bumagay sa kulay niyang pagkaputi-puti na animo papel ng bond paper.

Kinalabit ako ni Ara at inilapit ang mukha sa akin.

"Matinik mong karibal 'yan." bulong niya.

Nangunot ang noo ko. Hindi ko na-gets ang sinabi niya.

"I'm not following." ani ko.

"Tss.. " sabay nguso.  "Patay na patay 'yan kay Yozac. Palaging nakabuntot. Kaya nga kahit sa ibang section na siya napunta ay nagpumilit pa ring malipat rito." umiling siya.  "Grabe! Talagang walang di kayang bilhin ang pera."

"Uy. Sobra ka. Hindi mo ba narinig? Ang sabi ni Sir nakapasa raw siya sa qualifying exam."

"Tsk. Naniwala ka naman."

Ibinalik ko na ang tuon ko sa unahan ng magsalita si Brianna.

"Hi everyone! I'm Brianna, you can call me Bree. Nice meeting you all."

Binati ito ng halos lahat ng kalalakihan habang ang ibang kaklase naming babae ay tipid lang na nginitian ito.

Mukhang hindi siya gustuhin ng mga female students.

"It's a pleasure to have you here, Ms. Arquides. You may now take your seat." sabi ni Sir.

"Can I sit next to Yozac?"

"Ha?" napanganga ang guro.

Wala roon si Yozac pero ang desk nito ay nasa pinakadulong parte ng room, sa may bintana at wala ng bakanteng upuan malapit rito.

"There is no available seat next to him. But you can sit next to Ms. Alcantara. "

Paktay.

Sa dinami-rami na pwedeng may bakante e bakit na-timing pa na sa tabi ko talaga? 

"Ano ba yan, ang malas." inis na bulong ni Ara.

Lumapit na sa akin si Brianna at umupo sa katabing silya. 

"I thought you're a guy." tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa sabay lahad ng kamay sa akin.  "You must be new here. Nice to meet you."

Ginagap ko iyon.  "I'm Gab. Pleasure to meet you."

Matapos iyon ay nag-umpisa na ang klase.

Algebra ang first subject na talaga namang pinaka-hate ko dahil bobo ako sa Math. Sa buong time ng discussion ay patango-tango lang ako feeling naiintindihan ang dinadaldal ni Sir kahit ang totoo ay natutuyo na ang ulo ko sa mga x-y kineme na sumisipsip sa aking mumunting utak. Pansin ko rin na hindi ako nag-iisa dahil ganoon rin ang reaksyon ng iba kong kaklase.

Hayss..  bakit ba kailangan pa ng Math?

Hindi naman nagagamit ang mga X-Y chuchu sa real battle ng buhay.

"What did you say, Ms. Alcantara?" si Sir.

"Po? "

Hala.

Narinig ba niya ang iniisip ko?

"You said hindi mo kailangan ang Math, di ba? "

Ala.

She Dated the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon