Gab's POV
"Kamusta ang sleepover mo sa pamilya ng mapapangasawa mo?"
"May schedule na ba ang pamamanhikan?"
Bungad na tanong sa'kin ng dalawang tsismosa kong roommate pagpasok ko ng kwarto. Kaylapad ng mga ngiti nila at talaga namang mapang-asar ang mga tingin.
Hindi ko na lamang pinansin ang mga sinabi nila bagkus ay sinabi ko na lamang ang mga plano kong paghahanda para sa darating na exams.
"Starting tomorrow after class may group study tayo ah. Magready kayo. And please walang tatakas." ani ko pag-kaupo ko sa kama.
"Ay, deadma? Wala man lang bang chika diyan tungkol sa nangyari kagabi?" si Ara. Hindi pa rin maawat!
"Ilang beses na silang nagshe-share ng kama, I wonder kung may nabuo na?"
Namilog ang mata ko! "Anong nabuo?! Walang nabuo, noh!!!"
Humalakhak si Venus. "Grabe ang defensive mo naman! What I mean is if may nabuo ng pagmamahalan! Ikaw naman! Masyado kang green minded. "
"Walang ganon! At tsaka para sabihin ko sa inyo, never pa kaming natulog ng magkatabi! Sa ibang kwarto ako natulog kagabi!"
Ang mga mahaderang 'to! Kung ano-anong tumatakbo sa isip. Kanunuod nila ng mga adult films 'yan eh!
"Bakit galit ka? Burst of regrets ba 'yan?"
"Tigilan mo na ko Ara, please!"
Ang dami ko ng iniisip, huwag na kayong dumagdag! Sa pangungunsumi pa lang kay Yozac , punong-puno na ang utak ko!
Tumawa na naman siya. "Okay!" itinaas ang dalawang kamay. "Ang init agad ng ulo mo. Binibiro ka lang naman namin."
"Pasensya na kayo, stress lang ako sa darating na examinations."
"Don't worry, hindi ka naman babagsak. Kami nga, hindi naman nag-aaral, palaging pasado."
"Oo, pasang-awa! "
At nagtawanan na naman ang dalawa.
Inirapan ko lang ang ginawa nila, pero aaminin ko nakakawalang stress na makita silang ganun.
"Pero kidding aside, about sa binanggit mong group study, game naman kami diyan kahit hindi kami mahilig mag-aral." ngumisi siya. "San ba tayo? Dito?, O Sa library?"
Isa pa iyon sa iniisip ko, nagdecide ako sa isang bagay na hindi sila kinukunsulta. Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag sinabi kong kasama sina Yozac sa group study namin at sa bahay pa nito mismo kami magre-review?
"Actually, may gusto akong sabihin sa inyo tungkol diyan. Pero sana huwag kayong magagalit sa akin, dahil uunahan ko na kayo, medyo nagdecide ako sa isang bagay na hindi muna ikinukunsulta sa inyo."
OA na natuptop ni Venus ang bibig niya. Si Ara naman ay kunwaring napasinghap. "Ohmo! Don't tell us ipinagbili mo na ang kaluluwa namin sa mga gwapong socialite?!!!"
Napailing ako, parang gusto kong matawa. Loka talaga ang dalawang 'to!
"Hindi noh! Ba't ko naman gagawin sa inyo 'yon?"
"O, eh kung hindi, ano nga?! "
"Dami mo pang pa-suspense! Sabihin mo na!"
"Oo na! Sasabihin na!" I took a deep breath. "Nagcommit ako kay Tita Lara, ang mama ni Yozac, na isasali natin si Yozac at ang dalawang barkada niya sa group study natin. Then doon sa bahay ng mga Del Queja ang venue. Pasensya na kayo, alam kong hindi niyo gusto ang grupo nila Yozac at maiintindihan ko kung magagalit kayo sa'kin, pero please sana huwag kayong magba-back out sa group study natin. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko kapag naiwan akong nag-aaral kasama ang tatlong iyon."
BINABASA MO ANG
She Dated the Bad Boy
Teen Fiction"May isang tao rito na dapat mong iwasan. He's the king of the campus, a cold, heartless bad boy. I heard galing rin siya sa school mo bago siya lumipat rito three years ago." "Ha? Sino?" "Yozac Del Queja." "Ano?! " The nerdy, loser Yozac Del Queja...