Chapter 2

413 17 0
                                    

Gab's POV

El-Saavedra Academy

Pagpasok ko sa school ay pinagtitinginan ako ng mga kababaihan. Nagbubulungan sila at tila kinikilig habang nakatingin sa akin. Sinipat ko ang itsura ko, sabay nasapo ko ang aking noo.

Oo nga pala. Nakasuot nga pala ako ng panlalaking uniform. Kung hindi ba naman kasi shunga rin ang admin ng school ay hindi ako mapipilitang suotin ang uniform na 'to.

--------------

Flashback

El-Saavedra Girl's Dormitory

"Ma, bakit po panlalaki ang uniform ko?"

Salubong ko agad pagkasagot ni mama sa tawag ko. Kabubukas ko pa lang ng box na lalagyan ng uniform at wala ng selyo iyon halatang may nauna ng nakakita maliban sa akin.

"Ha? Hindi ko alam."

"Ba't bukas na po 'to? "

"Ewan ko, baka pinakialaman na naman ng mga kuya mo. Sandali nga at itatawag ko sa admin. Aalamin ko kung ano ang nangyari. "

"Okay po. Salamat po. "

Makalipas ang ilang minuto matapos ang tawag...

"Nak."

"O, ma, ano pong sabi?"

"Pagtiyagan mo na 'yan! "

"Ha? Bakit po?"

"Nabu-bwiset ako! Sobrang nabu-bwiset ako! Kung di ba naman tanga 'yung mananahi. Ang akala raw nila ay lalaki ka dahil sa pangalan mo. Kaya ayon! Inilagay ka sa male profile at panlalaking uniform ang itinahi nila sa'yo! "  narinig ko ang tunog ng gigil niya sa kabilang linya.  "Ikaw naman kasi pagupit-gupit ka pa ng buhok mo! Yan tuloy, pati ibang tao nalilito na sa'yo! Bahala ka diyan! Kasalanan mo 'yan! "

Napabuntong hininga na lang ako.

Hay naku, umarangkada na naman ang bunganga ng dragon.

"Pasensya na po, Mama. Sige po, pagtatyagaan ko na lang po ito. "

"Dapat lang." nagbuntong hininga siya.  "Sa susunod na lang tayo magpagawa uli ng bago. Ngayong semester yan na muna ang gamitin mo. Sige na at marami pa akong ginagawa. Mag-iingat ka diyan. "

She Dated the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon