CHAPTER 25

436 20 8
                                    

Yozac's POV

"Bakit ba kasi kasama pa ako?" tanong ko.

Nilingon ako ng bahagya ni Jiro, kasalukuyang nagmamaneho siya ng sasakyan habang patango-tango sa saliw ng musika na pumapainlanlan sa loob ng sasakyan.  Patungo kami ngayon sa bahay ng batchmate niyang si Kim para um-attend ng kanilang reunion.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit kasama pa ako e hindi naman ako almuni ng school nila.

"Kim's cousin Loren wants to meet you. Matagal ka na raw niyang ini-stalk sa instagram and she's really into you."

Nangunot ang noo ko.  "Instagram? I don't have an instagram account. How come? "

"Sa instagram ko. Nakita ka niya sa instagram ko."

"You posted my photos?! "

What the h*ck?!

Natawa siya.  "Gag*! Photos ko 'yon with you and Zayn. " tumawang muli.  "The funny thing is stolen lang ang kuha mo roon pero ikaw pa rin ang napansin ni Loren.  Tsk. Tsk.  Lakas talaga ng karisma mo."

I rolled my eyes. Tss..  "I'm not interested."

"I know, pero sakyan mo na lang. Nakakahiya naman kay Kim. After all, may utang na loob tayo sa kanya."

Ang tinutukoy ni Jiro ay ang pagtulong sa amin ng kapatid na pulis ni Kim noong nasangkot kami sa gang fight a year ago. Muntik na kaming maipadala sa Juvenille Facility at kung hindi kami tinulungan ng kuya ni Kim ay baka nakakulong na kaming tatlo ngayon.

"Fine." sagot ko na lang. Ayoko na rin namang humaba pa ang usapan.

"Thanks. " he smiled.  "We're here."  sabay pihit ng manibela papasok sa main gate ng subdivision kung saan nakatira si Kim. Pinapasok agad kami ng security at dumiretso kami sa Block 10 kung saan naroon ang modern mansion ng pamilya Hacinto. Sa pagkakaalam ko ay wala roon ang mga magulang ni Kim kaya buelo ang mga bisita na magparty roon hanggang magdamag.

Sa loob ng malaking hardin ng mansyon ay nakaparada ang magagarang sasakyan na paniguradong pag-aari ng mga bisita. Natanaw ko na pababa pa lang ang ibang bisita sa mga sasakyan nila na halatang kararating lang din katulad namin.

Nagpark na rin ng sasakyan si Jiro kapagkuwan ay bumaba na kami. Sa di kalayuan ay nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Automatikong nangunot ang noo ko ng mapansin ko ang suot niyang damit. 

She's with Venus. And the girl is clinging into her like a possessive lover.

Mas lumala ang pagkakalukot ng noo ko.

"Is that Venus? " tanong ni Jiro na nakatanaw rin sa direksyon na tinitingnan ko.

"Probably."

Nanlaki ang mata niya.  "Sh*t! Is she with a guy?!  Kailan pa siya nagkaboyfriend? "

Hindi marahil nakita ni Jiro ang mukha ng kasama ni Venus dahil nakatalikod na ito sa amin ngayon. Pero ako, kahit nakatalikod siya, nakatagilid o nakaharap , kilalang kilala ko kung sino siya.

Her physic and aura is strangely recognize by my idiot mind.

"That's Gaby."

"What?! " napapikit-pikit siya.  "Sigurado ka?" he looked at them again. "D*mn! She looks like a skimpy guy from afar. "

"She's tall and slim . Kaya madali para sa kanya ang magdala ng damit panlalaki. "

Gaby is 171 cm tall. An average height for a beauty queen. Isa iyon sa mga naging insecurities ko noong na nagde-date pa kami dahil pareho lamang kami ng height at sa tuwing magsu-suot siya ng heels ay di hamak na mas matangkad na siya kaysa sa akin.

She Dated the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon