CHAPTER 24

335 15 1
                                    

Gab's POV

Sa labas ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Bakit ba naman hindi? E, kasama namin ang apat sa pinakagwapong estudyante ng El-Saavedra. Lalo na si Cai na talagang nilalapitan pa ng ibang girls para magpapicture. Samantalang si Yozac ay No agad ang sagot kapag may akmang lalapit pa lang sa kanya. Tss.. napaka suplado talaga, hindi man lang marunong makisama. Kaya hanggang ngayon dadalawa lang ang kaibigan.

"Manong, kwek-kwek ho." ani ko ng makalapit na kami sa stall ng nagtitinda ng street food.

"Sige, ineng. Heto ang stick at paper cup."

"Salamat po." Inabot ko isa-isa sa mga kasama ko ang mga paper cup. Kumuha ang lahat ng kagamitan ng pagkain maliban kay Yozac.

"Hindi ka kumakain ng street food Yozac?" tanong ni Ara.

"Kumakain."

"O, ba't ayaw mong kumuha ng stick at cup?"

"I want to share it with Gaby."

"Ha?" sagot ko.

Nagkatinginan naman sina Ara at Venus. Sina Jiro at Zayn ay nagpipigil ng tawa habang umiiwas ng tingin.

"Tayo na lang ang mag-share Yoz, tutal we used to share things before, di ba?" sabat naman ni Cai.

"Ayoko sa'yo."

Napapikit ako ng mariin.

Diyos ko, mag-uumpisa na naman po sila.

Pumulot ako ng stick at cup at pwersahang inilagay iyon sa kamay ni Yozac.  "Puro ka biro, tumuhog ka na lang."

Napangiti siya ng pilyo.  "Kanino ako tutuhog?" bulong niya.

Pinandilatan ko siya.  "Sa stall ni Manong, sa kwek-kwek. " inungusan ko siya.  "Ang dumi ng utak mo."

Ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Ako naman ay humarap na sa stall ni manong at nakituhog na rin ng pagkain kasama ng iba.

"Ano palang meron at nag-aya kang mag-food trip Cai?" si Venus. Habang nginunguya ang kinakain.

"Actually, this is a favor I ask from Gab. Gusto ko lang na makasama siyang kumain."

Tila nabilaukan si Venus.  "Ba-bakit?"

Tumingin sa akin si Cai.  "Because I like her."

Nasamid ako.

Napanganga naman si Ara.

"Aba. Wala ng pakundangan ah." si Zayn.

"Bakit? May rules ba rito na nagsasabing bawal kong sabihin ang nararamdaman ko?"

"Wala, pero sana respeto na lang sa amin. Hindi lang ikaw ang tao rito." segunda ni Jiro.

"Why? Did I made someone uncomfortable?" sabay tingin kay Yozac.

Narinig kong umismid si Yozac.

"Say whatever you want, it doesn't affect me."

"I will. At hindi ko kailangan ng approval mo."

At nagkatitigan ang dalawa.

Ang mga kasama ko naman ay natigilan.
Maging si manong na nagpiprito ng kikiam ay nahinto rin sa ginagawa at napanganga na lamang sa dalawa.

"Hep!" saway ko. "Tama na!" pumagitna ako sa kanila.  "Pwede ba kumain na lang tayo? "

My God!

Ano bang mga revelations ito?
Totoo ba ang sinabi ni Cai na gusto niya ako? 
O, baka naman sinabi niya lang iyon para asarin si Yozac?

Ano ba?! Naguguluhan na ako!  Sakit na nga ng ulo itong si Yozac, dumagdag pa itong si Cai!

She Dated the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon