Gab's POV
Humahangos na nagtago ako sa ilalim ng hagdanan para makaiwas sa galit na galit na si Jiro.
Kung hindi ba naman kasi ako tanga ay bakit naisipan kong gawin iyon sa kanya.
Kahit pigilan ko pa ang sarili ko ay kusang lumalabas talaga ang katarantadahan ko.
Nasabunutan ko na lang ang aking sarili sa sobrang inis!
"Ang tanga mo, Gab! Ang tanga tanga mo!"
Frustrated na sumilip ako ng bahagya sa labas. Nang matanaw kong wala ng nakasunod sa akin ay lumabas na ako.
Pero bago pa ako makausad ng malayo ay may humarang na sa'kin sa daan.
"There you are!" Si Jiro! Sabay hablot sa akin.
Nagulantang ako. "Sorry po! Hindi ko.. hindi ko sinasadya!"
"Sorry??!" namimilog ang mata niya sa galit. "Binuhusan mo ako ng tubig tapos sorry lang?" hinatak niya ako. "Halika rito! "
"Sa.. sandali lang po.. " Diyos ko! "...please sorry po!" pilit akong kumakawala sa kanya pero sadyang malakas siya.
Hatak-hatak niya ako na parang tuta hanggang sa makarating kami sa isang abandonadong building ng school.
Doon ay nakita kong naglalaro ng baraha sina Zayn at ilan pang estudyanteng lalaki. Natatawang tiningnan nila kami na tila alam na alam na kung ano ang susunod na mangyayari.
Tumayo si Zayn mula sa kinauupuan nito.
"Ano 'yan? Bagong huling daga?"
Binitawan na ako ni Jiro at itinulak sa harap ni Zayn.
"Yang g*gong 'yan! Binuhusan ako ng tubig! "
Napaawang ang labi ni Zayn sabay ngisi. "Aba! Magaling!" lumapit siya sa akin at kinuwelyuhan ako. "Ang lakas naman ng loob mo! Gusto mo na bang mamatay?"
Umiling iling ako. "Hindi po.. "
Aaminin ko natatakot rin ako.
Hindi ko kasi lubos akalain na pati babae ay pinapatulan rin nila.
"Ayaw raw, Ji. " sabay bitaw sa akin. "Ano ang gagawin natin rito?"
Jiro gave me a terrifying look. Kasunod ay sinenyasan ang mga alipores nila na hawakan ako.
"A.. anong gagawin nyo sa'kin?! Bitawan nyo ko!!! " sigaw kong nagpupumiglas!
Takte! Ano ng gagawin ko?
Ang lalakas nila!
"Hubaran nyo." utos ni Jiro.
"Ano?!! " nanlaki ang mata ko. "Ayoko!!" mas nilakasan ko ang pagpiglas.
Pero Sh*t! Hindi ako makawala!
Mas nataranta ako ng marahas na hinuhubad na nila ang suot kong blazer. "Bitawan nyo ko! Huwag!!! "
"Binasa mo ang damit ko diba?" Hinubad niya rin ang suot niyang blazer. "Pwes akin na yang damit mo!" ngumisi siya. "Alisin nyo lahat ng saplot! Huwag kayong magtitira kahit isa! "
At inumpisahan na nilang tanggalin ang pagkakabutones ng suot kong polo!
Mas nawindang ako!
Hindi pwede! Hindi ako papayag!
Kailangan kong makawala!
"Bitawan nyo sabi ako e!! "
At hayon, pwersahan kong hinatak ang kamay ko mula sa isa sa kanilang kasama at mabilis na binigyan ng maigting na headbutt ang isa pa. Napaatras siya at nabitawan ako.
Mabilis na nakawala ako sa kanila at dali-daling tumakbo palabas ng building.
Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay napigilan na ako ni Jiro.
"Ah! Papalag ka pa ah! " akmang susuntukin niya ako ng biglang may tumama na lata sa kamay niya.
Napalingon kaming lahat sa pinanggalingan niyon.
"Yozac!" sigaw ni Jiro. "Loko ka! Bakit mo ginawa 'yon?! "
Naglakad si Yozac palapit sa amin pero nilampasan kami. Kasunod ay naupo siya sa silya na inupuan ni Zayn kanina.
"I'm just preventing you to commit violence against woman."
Nangunot ang noo ni Jiro. Maging sina Zayn at mga alipores nila ay naguluhan rin.
"Woman, you say? " sambit niya at tumingin sa akin. "Babae 'to?" binitawan na niya ako. "Bakit nakasuot ng panlalaking uniform?"
"I don't know. Ask her if you don't believe me."
Nanghihinang napaupo ako sa sahig. Nayakap ko na lang ang aking sarili. (Deep Sigh) Muntikan na ako don.
"Babae ka?" tanong sa akin ni Jiro.
Nakayukong tumango ako.
"Ba't di mo sinabi?! " naiinis na lumayo siya sa akin at sinabunutan ang sarili. "Asar!!!" kasunod ay pinagsususuntok niya ang mga alipores niya.
"Tama na, Ji. " saway ni Zayn. Pagkatapos ay lumapit sa akin. "You should have told us." sabay tinulungan akong makatayo. "Hindi kami nananakit ng babae." Inayos niya ang gulo-gulo kong damit. "Pasensya ka na, hindi namin alam."
Marahas na hinawi ko ang kamay niya.
"Huwag mo akong hawakan."
"Okay." sabay taas ng dalawa niyang palad. Pagkatapos ay lumayo na sa akin.
Si Yozac naman ay tumayo na mula sa kinauupuan at pinulot ang blazer kong nakaratay sa sahig. Lumapit siya sa akin at ibinato iyon sa mukha ko.
Napapikit ako!
Aba't!
"Fix yourself!" aniya at namulsa sa harap ko. "Sa susunod huwag kang basta-basta papayag na hatakin ka ng kahit na sino."
Nagtiim ang bagang ko.
Naku! Kung hindi mo lang ako tinulungan ay nasapak na kita!
"Salamat." nasabi ko na lang.
Tiningnan niya ako ng masama. Titig na nakakapanginig ng laman. "Don't thank me." sabay nilampasan ako. "You're creeping me out."
Yun lang at lumabas na siya.
Nagsunuran naman agad sa kanya sina Jiro at Zayn kasama ang mga alipores nilang bugbog sarado.
Ako naman roon ay inayos na ang sarili ko at isinuot muli ang blazer ng aking uniform.
"Mga tar*ntado talaga."
Pinunasan ko ang aking luha.
Shocks! Naiiyak na ko.
"So, ganito pala... " natawa ako. ".. ganito pala ang pakiramdam ng pinagkakaisahan... "
It's hurtful and down grading.
Nakakadurog ng puso at pagkatao.
Napahagulgol na ako ng iyak.
"Na-karma ka na, Gab. Na-karma ka na."
Nagsisisi ako na ipinaranas ko dati ang pang-aaping katulad noon sa mga dating naging biktima ko.
Totoo nga talaga ang kasabihan na 'You will never know the pain unless you experience it yourself'
Humakbang na ako palabas na may luha pa rin sa aking mata.
Pero bigla akong natigilan na may nakapa akong tela sa loob ng bulsa ng aking blazer.
Nagtatakang hinugot ko iyon palabas.
Nakita kong panyo iyon at may nakaburdang intials.
Y. D. Q??
"Yozac?"
Napasinghap ako at natuptop ko ang aking bibig.
Hindi kaya... Iniwan niya ang panyo niya dahil alam niyang .....
D*mn.
Ang dibdib ko.
Bigla na lang kumabog iyon ng pagkabilis bilis.
BINABASA MO ANG
She Dated the Bad Boy
Teen Fiction"May isang tao rito na dapat mong iwasan. He's the king of the campus, a cold, heartless bad boy. I heard galing rin siya sa school mo bago siya lumipat rito three years ago." "Ha? Sino?" "Yozac Del Queja." "Ano?! " The nerdy, loser Yozac Del Queja...