Gab's POV
"I'm really surprise na malaman na anak mo pala si Yozac. Wala kasi siyang nabanggit tungkol sa parents niya noong mga time na nagpupunta siya rito. "
Si mama, hanggang sa tanghalian ay hindi pa rin maka-get over sa family relation nina Yozac at Tita Lara.
"I apologize, Tita Daniela." si Yozac. "We're on the hardest time back then and I was a bit uncomfotable sharing things about my family. I'm really sorry."
"Naku, wala 'yon. Naiintindihan ko. No need to say sorry, hijo."
He smiled. "Salamat po."
Actually, nabanggit na sa akin ni Yozac ang tungkol sa paghihiwalay ng mga magulang niya noon na sa tingin ko ay tuluyan na ngang nangyari dahil hindi na Del Queja ang ginagamit na apelido ni Tita Lara ngayon.
"My ex-husband and I was having a divorce back then. It's indeed the toughest time for us." malungkot na segunda ni Tita Lara.
"That's okay, Lara. Ang importante nakabangon na kayo ngayon."
Napangiti na ito. "Totoo. And we're both happy with our separate lives."
"Naku syempre naman noh, lalo pa't naiwan sa'yo ang dalawang batang 'to na talaga namang mukhang artistahin."
"Thank you po." si Chloe. Kapatid ni Yozac.
"Ako nga nagulat rin sa pagbabago nitong si Yozac. Halos hindi ko nakilala kanina e." turan rin ni papa. "Pero that's a good change ha. Look at you you're so much confident now compared before. Mahiyain ka pa dati e."
"Oo nga. I remember nung first meeting natin sa kanya halos hindi siya makatingin ng diretso." si kuya Tros.
"Paanong makakatingin sa inyo e halos kainin nyo siya ni kuya Micael sa mga titig niyo." si Liev.
Nagtawanan kaming mga nasa lamesa.
"That's good old days." si Yozac. "Abot langit ang kaba ko non. Akala ko magigisa ako ng buhay. But I got used to everyone dahil napakabuti nyo sa akin. "
Totoo iyon.
Naging close na ni Yozac ang mga kapatid ko noon at madalas ay sila pa ang nagbo-bonding kaysa sa aming dalawa. Kuhang-kuha kasi ni Yozac ang kiliti ng mga kapatid ko at lahat ng trip at kalokohan ng mga kuya ko ay sinasakyan niya. Tinawag pa nga nila ang mga sarili nila na New Gen F4. Mas sila pa ang mukhang magkakapatid kaysa sa amin.
"Sayang hanggang throwback na lang tayo." pasaring ni mama na pinukulan pa kami ng pilyang tingin.
Nag-ngiting aso ako. "Ma." pasimpleng saway ko sa kanya.
Hay naku. Umaarangkada na naman ang hokage moves ni Daniela.
"It's never too late, Amiga. Pwede namang ipagpatuloy ang naudlot na love story, di ba?."
Natigilan si Yozac pero hindi naman nagsalita. Ang kapatid nitong si Chloe ay pangingisi rin habang nakatingin sa kuya niya.
Diyosmiyo. Pinagkakakisahan na po kami.
"Mukhang naipagpatuloy na nga po ata. Nakita ko pa lang silang magkasama last time." si Liev na ang tinutukoy ay ang paghatid ni Yozac sa akin sa dorm.
Mabilis na pinandilatan ko siya.
Ngumisi lang siya sa akin.
"Oh my, don't tell me. Kayo na uli? "
Ano ba yan? Bakit ba kami ang topic? Hindi ba pwedeng magchange subject na? Namamawis na ako rito oh! Basang basa na ang kili-kili ko sa tensyon!
"We're not." sa wakas ay sagot ni Yozac. "Hinatid ko lang siya sa dorm niya as an act of a concern friend."
BINABASA MO ANG
She Dated the Bad Boy
Roman pour Adolescents"May isang tao rito na dapat mong iwasan. He's the king of the campus, a cold, heartless bad boy. I heard galing rin siya sa school mo bago siya lumipat rito three years ago." "Ha? Sino?" "Yozac Del Queja." "Ano?! " The nerdy, loser Yozac Del Queja...