Venus POV"Ano bang mga pwedeng kainin ni Gaby? Okay lang kaya na dalhan natin sya ng bento meal?" tanong sa akin ni Jiro habang namimili ito ng bento boxes sa stall.
"Oo naman, basta yung salad lang at chicken ang kunin mo."
Tumango siya. "Sige, kukuha ako ng dalawa nito, tapos burger stake and sausage combo na lang sa ating apat nila Yozac."
Balak kasi namin na sa ospital na lang magdinner mamaya para may makasabay kumain si Gaby. Nakauwi na kasi ang mama nya at si Yozac uli ang magbabantay sa kanya mamayang gabi.
"Okay, kuha lang ako ng drinks natin."
"Sige."
Habang kumukuha ako ng inumin ay narinig ko na may tumunog na phone, hindi akin ang ringtone kaya napalingon ako ky Jiro.
"Hello, sino 'to?" nanlaki ang mata niya. "Zia?"
Automatiko namang nangunot ang noo ko.
Zia?
Sino naman 'yon?
"Is that really you? Kamusta ka? It's been like what? 3 years? Ang tagal mo akong hindi kinontak ah...... Yes, I never change my number, nga pala I have a very good friend na nanggaling diyan sa school mo, actually dalawa na sila...I don't know if you know them lalo na si Yozac, ang tagal na rin kasi since nung lumipat sya------- Yes, Yozac Del Queja, you know him?"
Kaylapad ng ngiti ni Jiro habang kinakausap ang Zia na 'yon sa phone. Nakalimutan pa niya ang ginagawa niyang pamimili ng bento box dahil sa phone call na ito nakatuon ngayon. Hindi ko tuloy maiwasan na mag-isip. Sino kaya ang Zia na 'yon para madistract ng ganito si Jiro?
"Is that for real? Kung ganon madalas na pala tayong magkikita... ......No! Syempre hindi.. walang nagbago, ako pa rin naman 'to..."
I never saw him smile like this. Sa imahinasyon ko ay tila kumikinang pa ang mga mata niya. Bakit ganito kasaya si Jiro na kausap siya? Is she someone special to him? O baka isa lang ito sa mga naging fling ng playboy kong boyfriend na pwedeng nakahanay sa mga "one of my favorites" list nito?
Pero teka nga, ano nga ba ang pakialam ko roon? Hindi naman seryoso ang relasyon namin.
"Jiro." tawag ko sa kanya. Lumingon naman sya agad sa akin pero nanatiling nasa tenga nya ang kanyang phone. "Mauna na ko sa counter." dugtong ko at sinabayan ko pa iyon ng pagtaas ng cart laman ang mga inumin na napili ko.
"Oo,in a minute. Sabay na tayo." sabi niya sabay pulot ng mga bento boxes. "Zi, pasensya na ha, I have to go. Pero I'll call you later. ---- Yes, I promise."
Hindi ko na pinakinggan pa ang pag-uusap ng mga ito. Tumalikod na ako at nagtungo sa counter. Mga ilang segundo ay naramdaman ko na ang presensya ni Jiro sa likod ko. Paano ko nalaman na siya iyon? Dahil kabisado ko na ang amoy niya. His scent is unique. Akala mo bagong paligong baby.
"Let me carry that." aniya at kinuha ang cart na bitbit ko.
"Salamat."
He smiled at me. But not the same smile he did while his on the phone with her. Wala kasi ang kaparehong kinang sa mata nya na nakita ko kanina.
"Wala ka bang gustong idadagdag rito?" tanong niya.
"Wala na. Sakto na 'yan sa atin."
Kasalukuyang pang lima kami sa pila. Habang naghihintay ay kinuha ko ang phone ko sa bag. Nakita kong may message ako mula kay Ara. Binasa ko iyon.
"No, I mean. Para sa'yo."
Nahinto ako sa pagbabasa kasunod ay tumingala ako sa kanya.
"Baka may cravings ka. Like chocolates, or ice cream?" dugtong nya na may ngiti pa rin sa labi.
BINABASA MO ANG
She Dated the Bad Boy
Teen Fiction"May isang tao rito na dapat mong iwasan. He's the king of the campus, a cold, heartless bad boy. I heard galing rin siya sa school mo bago siya lumipat rito three years ago." "Ha? Sino?" "Yozac Del Queja." "Ano?! " The nerdy, loser Yozac Del Queja...