CHAPTER 8

312 16 3
                                    

3 years ago..

Gab's POV

"Gabrielle, we're going to the cafeteria, you wanna join us?" tanong ni Zia sa akin habang inaayos ang mga gamit niya sa ibabaw ng kanyang desk. Sa tabi niya ay sina Mia at Krystal.

"No. Tinatamad akong lumabas." sagot ko sabay nangalumbaba.

"Okay, ikaw ang bahala." binalingan niya ang dalawa.  "Let's go girls."

"Alright."

"Bye, Gabrielle."

Nilingon ko sila ng bahagya at tumango lang ako. Kasunod ay lumakad na sila palabas.

Nang matanaw ko na tuluyan na silang nakalayo ay dali-dali kong kinuha ang aking phone at tinawagan ang naghihintay sa akin sa rooftop.

"Hello, nandiyan ka pa ba?"

"Oo, hinihintay pa rin kita."

Napangiti ako.  "Mabuti naman, sige papunta na ako diyan."

"Okay."

At naputol na ang tawag.

Agad na tumayo ako sa kinauupuan ko at lumakad-takbo papunta sa rooftop. Paglabas ko sa pinto ay natanaw ko na agad siya na nakaupo sa medium size na picnic mat. Agad sumilay ang ngiti sa labi ko ng makita ko siyang inaayos ang mga pagkain mula sa maliit na rattan basket na dala niya.

"Babe! " tawag ko sabay lapit sa kanya.

Nahinto siya sa kanyang ginagawa at lumingon sa akin.

"Gaby." he smiled.  "Mabuti naman nandito ka na, nailatag ko na ang mga pagkain. Halika ka , kain na tayo."

Ipinagsalin niya ako ng pagkain sa paper plate at iniabot iyon sa akin kasama ang disposable na kutsara.

"Ang dami mo namang dinala. Hindi naman natin mauubos lahat."

"Ang akala ko kasi kasama mo ang mga kaibigan mo kaya nagdala ako ng marami. "

Actually ay hindi ko binanggit kila Zia ang tungkol sa pagkikita namin ni Yozac. Ayoko kasing isama sila dahil alam kong pagti-trip-pan na naman nila si Yozac.

She Dated the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon