CHAPTER 37

87 4 2
                                    

Brianna's POV

"Ibaba mo ko! Ibaba mo ko!! Ano ba?!!"

"Tumahimik ka nga! Baka isipin ng mga tao, hinaharass kita."

Nun nga ay binaba na niya ako.

Inayos ko ang nagusot kong damit at tumingin ng masama sa kanya.

"Hindi pa ba? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!!! Pwede kitang kasuhan ng sexual harassment, akala mo ba?"

"Go ahead. I can counter complaint you for harassing a patient."

"Wala akong ginagawa sa kapatid mo! You, d*mb*ss!"

Napaawang ang labi niya. "You're about to hit her when I came in. And for your information, may CCTV camera sa kwarto ni Gaby. Kaya mapapahiya ka lang kung mapapatunayang nagsisinungaling ka."

Napaisip ako.

Shocks! May CCTV ba talaga roon? Bakit hindi ko napansin.

Kainis! Sa sobrang imbyerna ko kay jologs ay naging unaware ako sa paligid ko.

Hindi lang pala sila magkamukha ng Liev na ito! Magkasing sama pa sila ng ugali! Mga arogante! Mga bwisseeeeetttt!!!!

"I never hit her. Itinaas ko lang ang kamay ko dahil...."

"Dahil ano?"

"...dahil... dahil may langaw! Binubugaw ko lang! Kita mo! Concern pa nga ako sa kapatid mo tapos ako pa 'tong pinapakitaan nyo ng masamang ugali!"

Biglang napangiti si Liev.

I was suprise syempre.

Actually, hindi lang ngiti ang ginawa nya.

He even chuckled a bit.

And it was very.....

cute.

"Oh no!!!"

Napalitan ng kunot noo ang ngiti nya. "No for what? Are you now saying that you actually------"

"Nooo!!! Stay away from me! Si Yozac lang ang para sa akin kaya huwag mo akong nililito!!"

"Ah-huh, so this is about Yozac... kaya pala, kaya pala nagkakaganyan ka." he sigh. "Women. Ang sakit nyo talaga sa ulo kapag nai-inlove kayo."

Inlove?

Sinong inlove?

Is he imposing na may gusto ako sa kanya?!!

Ang kapaaallll!!!

"Hoy labanos na guy! Para sabihin ko sa'yo wala akong gusto sa'yo noh!! Inlove inlove na pinagsasasabi mo diyan!"

Nagulat ako ng bigla niyang hipuin ang noo ko.

My Goodnesss!!! What is he doing???!!!!

"I think you should consult a doctor. Ikaw ata ang may sakit sa utak. Kung ano-anong pinagsasasabi mo."

"Anong sabi mo??!!"

Hinawi ko ang palad nya!

For a second parang natuliro ako sa kanya dahil sa cute na smile nya pero this time gising na gising na ako!!

"Don't try to shake me, Liev. Hindi kita magugustuhan."

He actually laugh. "Don't get me wrong, whoever you are miss. Hindi kita type."

And then yun lang at tumalikod na siya. Pero syempre hindi ako papayag na magwo-walk out siya sa akin. I am Brianna Arquides and no one is allowed to turn their back on me!

She Dated the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon