CHAPTER 15

323 15 12
                                    

Gab's POV

"Okay folks, tomorrow sa campus studio na ang practice natin. Same time pa rin, 4:15 pm sharp dapat present na ang lahat. Bawal ma-late. "

"Yes, Ms. Dyosa."

"Good. Sige, pwede na kayong umuwi."

Halos sabay-sabay kaming nagtikwasan at nagtungo sa benches para kunin ang aming mga gamit. Nagpa-alam isa-isa ang mga kasama ko sa sayaw na ginantihan ko rin ng pagngiti at pagkaway. Si Brianna at Cairo ay lumapit rin sa akin marahil ay magpapalam na rin.

"Pa'no mauna na kami. Hindi na ko mag-o-offer ng ride sa'yo dahil mukhang desidido ang boyfriend mo na ihatid ka. " ani ni Cairo.

Ngayon nga ay papalapit na sa direksyon namin sina Yozac.

Nag-aalangan na ngumisi ako.  "Hindi ko siya boyfriend."

"I see.. " tumango-tango.  "That's good then."

"Cai, let's go." sabat ni Brianna na tila bored na bored na.

Nilingon nito ang kapatid.  "Yes. "  sabay ibinalik ang tingin sa akin.  "Sige, alis na kami. See you around."

"Of course. Ingat kayo."

Yun lang at lumakad na sila.  Ako naman ay sinukbit na ang bag ko at lumakad na rin.

"I told you to stay away from him. Hindi ka talaga nakikinig."

Kinuha ni Yozac ang bag ko at initsa iyon kay Zayn.

"Ano ba?! Ibalik mo 'yan!"

"Let him carry your things. Pagod ka na di ba?"

Naningkit ang mata ko.  "At ano na namang trip 'to?"

"We are just doing good deeds here." Nilingon ang mga kasama. Nag-salute naman ang dalawa. "Huwag kang judgemental."

"Hindi kayo ang tipo na gagawa ng maganda."

"Ouch! Ang sakit! " sigaw ni Zayn.

"Ang harsh mo naman, Gaby." segunda ni Jiro.

Napabuga ako ng hangin.

Lord, why me? Why me?

"Ewan ko sa inyo. Bahala kayo."

Nagpatiuna na akong lumabas ng gymnasium. Agad naman silang sumunod sa akin. Sa daan ay patuloy lamang sa pagkukulitan sina Zayn at Jiro. Samantalang si Yozac ay wala lamang imik.

Sandaling nilingon ko siya.

Nagulat ako ng mahuli ko siyang nakatitig sa akin.

"Anong tinitingin-tingin mo?"

"Nothing." tipid at seryosong sagot niya.

"Okay."

Tss.  Bakit ba kasi nagtatanong pa ako e alam ko naman na hindi siya sasagot ng maayos! 

Natisod ako.

Takte!

"Watch your step. Baka ma-fall ka."

Napanganga ako.

"Patama ba 'yan?"

"Bakit? Tinamaan ka ba?"

Inungusan ko siya.  "Hindi."

"Okay."

A moment of silence...

Ano ba 'yan, bakit parang bigla na lang humaba ang daan papunta sa dorm? Kanina pa kami naglalakad pero hindi pa rin kami nakakarating. Hindi naman 'to ganito e.

She Dated the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon