CHAPTER 17

352 16 6
                                    

Gab's POV

Kinukusot ko ang mata ko habang pababa ako ng hagdan. Kagigising ko lang at naabutan kong abala ang mga kasama ko sa bahay sa kusina. Medyo nagtaka pa nga ako pero bigla kong naalala na may bisita nga pala kaming dadating -------Ang pamilya ng self-proclaimed na mamanugangin raw ng aking ina na si Daniela Alcantara.

"O, gising na pala ang prinsesa natin." malapad ang ngiting salubong sa akin ni Mama habang ipinaghihila ako ng upuan sa lamesa. "Kumain ka na pagkatapos maligo ka't magbihis ng maganda, parating na ang bisita natin. "

"Pasensya na po, nahuli na naman po akong gumising. "

"Okay lang, anak. Kain ka na." nakangiti niyang turan.

Parang gusto kong kilabutan. My God! Si mama ba talaga ito?

"Kanina ka pa gustong gisingin ni Papa, kaya lang 'tong si Mama ayaw, hayaan ka lang raw magbeauty rest." umiling si Kuya Tros.  "Mukhang ire-reto ka talaga sa anak nung kaibigan niya. "

Bumalik na sa dirty kitchen si Mama.

"Ha? Bakit ako?"

"E, gwapong gwapo nga si Mama dun sa anak na lalaki." si Liev. "Noong isang araw pa 'niya ibinibida 'yon sa amin, hanggang kagabi. Tss.. parang ngayon lang nakakita ng gwapo. Samantalang kaming mga anak niya araw-araw niyang nakikita. "

"Hoy, Liev! Yang bunganga mo, naririnig kita rito."

"Sorry, Ma."  sigaw nito.  "Nagsasabi lang naman ako ng totoo." sabay bulong.

"Kilala nyo ba 'yung kaibigan ni Mama?"

"No, she just mentioned her recently, ang sabi niya we should call her Tita Lara. Elementary bestie niya raw 'yon until high school. Matagal raw silang nagkawalay at hindi nagkita hanggang sa nagkasalubong sila sa mall last time. "

Tumango-tango ako.  "Ganun ba, e bakit ganito ang handaan natin? Hindi naman pala presidente ng bansa ang bibisita rito. "

Matipid ang mama ko at saksakan ng kuripot. Hindi siya basta-basta gumagastos ng pera sa mga less important expenses. Kulang na nga lang ay pigain namin siya sa tuwing may mga luho kaming gustong hingiin. Pero ngayon, grabe! All out si Mother. Nakapagtataka talagang tunay.

Lumapit ng bahagya si Liev.  "Hindi kasi ordinary people ang pamilya ni Tita Lara. They are super rich at may planong mag-invest sa business natin kaya nagpapadegarbo sina mama at papa. Plus, type niya talagang manugangin ang anak na lalaki ng kaibigan niya kaya good luck sa'yo kapatid. "

"Teka! Bakit ba kasi ako ha? Bakit hindi si Kuya Micael, o itong si Kuya Tros? Wala bang anak na babae 'yon? "

"Ewan ko, meron ata. Pero gusto niya talaga 'yung anak na lalaki. " sabay tawa.

"Seryoso ba talaga si Mama?"

"Siguro, ang bait sa'yo ngayon eh."

Napangiwi ako.  "Ayoko nga! Hindi ko naman kilala ang mga taong 'yon. Tsaka bakit naman ako magpapakasal e nag-aaral pa ko."

"Bakit? Sinabi ko na bang ngayon ka na magpapakasal? " sabat ni mama na kapapasok lamang dala ang bagong lutong putahe.

Inilapag niya ang tray ng Puchero sa lamesa at inayos iyon kasama ng iba pang pagkain na naroon.

"E, sabi kasi ni Liev desidido ka na raw po na i-reto ako sa anak ni Tita Lara."

"Oo nga desidido ako. Kaya ayos ayusin mo ang sarili mo! Magpakabait ka mamaya, magpa-impress ka para magustuhan ka ng anak ni Lara. " biglang tila kinilig.  "Naku! Napakagwapong bata, kung dalaga lamang ako ay ako na ang susungkit roon "

She Dated the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon