CHAPTER 9

371 15 1
                                    

Gab's POV

Nagising ako sa halimuyak ng men's perfume na naamoy ko sa paligid. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at nakita kong may lalaking nakatalikod sa tapat ng cabinet na nakatapis lang ng tuwalya. Tiningnan ko ang aking sarili at napansin kong iba na ang suot kong damit. Nanlaki ang mata ko ng marealize ko kung ano ang nangyayari.

Napasigaw ako ng wala sa oras.

Natatarantang nilapitan ako ng half-naked na si Zayn at tinakpan ang bibig ko!

"Huwag kang sumigaw! Baka marinig ka ng security sa labas!"

Tinulak ko siya.  "Lumayo ka sa'kin! Bastos ka!"

"Sssh!! Ang ingay mo! Kumalma ka nga! "

Mabilis kong tiningnan ang pang-ibaba ko sa loob ng kumot. Natagpuan kong wala na akong suot na pants.

Mas lalo akong nagwala!

"Mga h*yop! Anong ginawa nyo sa'kin?!! " Pinagbabato ko siya ng unan. "Anong ginawa nyo sa'kin?!"

"Shut up, will you?! "

Pinigil niya ako pero nagpumiglas pa rin ako sa kanya.

"Bitawan mo ko! Huwag mo akong hahawakan!!"

"Huwag kang maingay sabi e!"

Biglang may kumatok sa pinto.

Sabay kaming natigilan.

"Anong nangyayari diyan sa loob? Paki-buksan ang pinto."

"D*mn it!" tinitigan ako ng masama ni Zayn.  "Ang ingay mo kasi." mariing bulong niya sabay bitaw sa akin. "Magtago ka sa ilalim ng kama. Dalian mo."

"Oo. Oo. " Nagkukumahog na sumuot ako sa ilalim ng kama.

Nagtungo na siya sa pinto't binuksan iyon.

"Goodmorning, Sir." rinig kong bati niya sa gwardiya.

"Good morning. Anong ingay ang naririnig ko rito?"

Binuksan niya ng malawak ang pintuan. "Wala po, video lang ho sa cellphone. Naka-on speaker kasi."

"Ah.. ganun ba? Pakihinaan ang sounds, para maiwasan na makaistorbo kayo sa ibang kwarto."

"Okay po. Areglado, Sir."

"Sige."

Yun lang at sinarado na niya ang pintuan.

"Himala. Ang bait mo ata sa gwardiya ngayon."

Natigilan ako.

Kilala ko ang boses na iyon.

"G*go! Tauhan ni daddy ang bagong security rito sa 6th floor. Nire-report ang bawat galaw ko kay Dad, kaya dapat umarte akong good boy." nakita kong humakbang siya pabalik sa tapat ng cabinet.  "Ayokong ma-cut off na naman ang allowance ko."

Nakita kong bumagsak ang tuwalya sa lapag. Kasunod ay natanaw kong isinusuot na ni Zayn ang pants niya sa kanyang paa. Napapikit na lang ako.

Diyos ko.

Bakit kailangan kong makita to?

Bakit kailangan na magising ako rito?

Ano kaya ang nangyari kagabi? Ano na ang nangyari sa amin ni Yozac? Sila Ara nasaan na sila? Nakatakas kaya sila? Ano na? Ano na ba talaga? Nakakainis! Bakit wala akong matandaan?! Hindi naman ako masyadong nalasing kagabi ah. Bakit?!

"Si Gaby, na'san na siya? Umalis na ba?" tanong ni Yozac.

"Hindi, nariyan sa ilalim ng kama." narinig kong nagcreak ang bed frame. "Labas na riyan. Nakabihis na kami."

She Dated the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon