Gab's POV
Pabalik na ako ng dorm at medyo may kadiliman na rin. Pasado alas sais na ng gabi at katatapos lang ng magulong dance rehearsal namin na hindi ko ma-imagine kung paano namin ipe-perform bukas. Wala ng choreo ang mag-a-asikaso sa amin at nagkasagutan pa kami ni Brianna na talaga namang nakapadagdag pa ng tensyon kanina.
I sigh.
Goodluck na lang sa amin, huwag sana kaming magkakalat bukas.
"You look down. Something wrong?"
Napahinto ako sa paglalakad at nilingon ang nagsalita.
"Cairo.. " usal ko. Nakatayo siya sa tabi ng puno ng Akasya at bahagyang nakasandig roon.
Anong ginagawa niya rito? May inaabangan ba siya?
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
"I was waiting for someone."
Nagtaka ako. Imposibleng si Brianna ang hinihintay niya dahil kanina pa umalis ang kapatid niya kasama ang mga alipores nito.
"Ah, Okay." Siyempre hindi ako magtatanong. Pakialam ko naman roon di ba? "Sige." at humakbang na akong muli.
Maagap na pinigil niya ang braso ko. "Wait."
Sabay luhod sa harap ko. Napaatras ako ng kaunti."Ba-bakit -----"
"Natanggal ang sintas ng sapatos mo." he tied my shoe laces. "There." tumingala siya kasunod ay ngumiti. "It's all fixed."
Natigilan ako.
Kasunod ay naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Hindi dahil sa ginawa ni Cairo kundi dahil naalala ko ang nakaraan namin ni Yozac.
My Ex used to tie my shoe laces before kapag natatanggal iyon. He always make sure that it won't get untied again. He always take care of me.
Teka.
Napailing ako.
Bakit ba iniisip ko iyon?
No! No!
Erase! Erase!
"What's wrong?" nagtatakang tanong ni Cairo. "Ayaw mo bang hinahawakan ng iba ang sapatos mo? "
"Hindi! " mabilis kong sabi. "Syempre hindi. Pasensya ka na may iniisip lang ako." Ngumiti na ako. "Salamat."
He smiled back. "Not a problem. ---- Pauwi ka na ba? "
"Oo."
"Hatid na kita."
"Ha?" Ano raw? "Hindi ba may hinihintay ka?"
"Oo nga. ---- Ikaw."
"Ako?! " Napanganga ako. "Ba-bakit?"
Teka. Nalaman na ba niya ang nangyari sa pagitan namin ng kapatid niya? Hindi kaya narito siya para resbakan ako.
Umatras ako at pumorma.
Handa ako sa suntukan baka akala niya!
"Anong ginagawa mo?" natatawa niyang turan. "Kungfu ba 'yan?"
"Hindi ka galit sa'kin?"
"Ha?" sabay kunot noo. "Bakit naman ako magagalit sa'yo? "
Ah..... so hindi siya narito para rumesbak. Umayos na ako ng tayo.
"May sasabihin ka ba sa'kin?"
"Wala naman, gusto lang kitang ihatid."
"Bakit?"
"Gusto ko lang."
Lakas trip rin ng isang 'to.
"Okay, bahala ka." at lumakad na ako.
Sumunod agad siya sa akin.
"So tell me, bakit ka nakasimangot kanina?"
Aba.. usisero rin.
"Wala lang. Stress lang ako sa sayaw."
"Bakit? " sabay kunot noo. "You're doing great, you dance very well. Excited na nga ako sa performance nyo tomorrow."
Napabuga ako ng hangin. Hay naku. Kung alam mo lang Cairo.
"Huwag kang masyadong mag-expect. Baka ma-disappoint ka."
Umiling siya. "I will never be disappointed on you, Gab. Magaling ka at alam kong magugustuhan ng mga tao ang performance mo."
"Mo?" Natawa ako. "Kung magsalita ka parang solo dance ang gagawin ko ah." Natawa akong muli. "Baka nakakalimutan mo, grupo po kami. Grupo."
He laugh as well. "Sorry, ikaw lang kasi ang nakikita ko kapag nanunuod ako ng practice nyo."
Natigilan ako.
Aba! Bumabanat pa!
"Hokage ka rin noh?"
Natawa siya. "Hindi aa. Nagsasabi lang ako ng totoo."
"Hay ewan ko sa'yo! Bilisan na natin ang lakad at baka abutin na ako ng curfew."
"Okay, sorry. " sabay tawa.
And there, I dare conclude, Yozac and Cairo are both the same.
Ang dating magbestfriends na 'to. They are both messing with me. Using me to kill their d*mn time.
But I'm sorry to say this, I won't fall for it.
I won't!!
Never!!! Period!!!
Yozac's POV
"Pare, si Cairo at Gaby ba 'yon?"
Napalingon ako sa direksyon na tinuturo ni Zayn. Naroon nga ang dalawang tinutukoy niya at magkausap sa tapat ng punong Akasya. Agad na napataas ang kilay ko ng makita kong lumuhod sa harap ni Gaby si Cairo.
"T*ng*na, dumada-moves pa ang bestfriend mo." natatawang saad ni Zayn sabay tapik sa akin. Nilapitan naman ito ni Jiro na ngumi-ngisi rin.
"Mukhang type pa ata ang tibo."
"Gag*! Hindi nga siya tibo." si Zayn.
"Yun na lang ang isipin natin para hindi masyadong ma-hurt itong si Yozac."
Nag-iwas ako ng tingin. "Tss. Pakialam ko diyan. " at dumiretso na ako ng lakad.
"Owss? Peks man? Hindi ka nagseselos? "
Parang gusto kong matawa. "Bakit naman ako magse-selos? Wala akong gusto kay Gaby."
"Bakit? May sinabi ba kaming gusto mo siya?"
sabay silay ng pilyong ngiti."That's what you wanted to point out."
Umiling-iling si Jiro. "Hindi... wala akong ibang ibig sabihin sa selos na binanggit ko."
"Gag* ka talaga ano? Tumahimik ka na nga! "
Tumawa lang sila.
Badtrip! Badtrip! Badtrip talaga!
Magsimula kanina, hanggang ngayon puro pagkabanas at pagkainis ang nararamdaman ko! Si Gaby, si Bree si Cairo! D*mn! They are all a headache. Lalo na si Gaby, ipinagtanggol ko na nga kanina, sa akin pa nagalit!
T*ng*na!
Anong akala nya sa ginawa ko? Biro? Trip-trip? Ako na nga 'tong nagmalasakit, ako pa ang nasisi.
Tsk.
Bakit ba kasi nagpadala ako sa init ng ulo ko?
Dapat sana ay hindi na lang ako nangialam. I know I have to win her heart at any cause but d*mn she's being hard to get.Hindi na ko makapaghintay. Lalo pa't mukhang sumisingit pa si Cairo sa mga plano ko.
D*mn! D*mn it!
Hindi ko mapigilan ang mapamura!
"Let's grab some beer, gusto kong magpalamig ng ulo."
Nagkatinginan ang dalawa sabay ngisi. "Nagseselos nga."
"Shut up!"
BINABASA MO ANG
She Dated the Bad Boy
Genç Kurgu"May isang tao rito na dapat mong iwasan. He's the king of the campus, a cold, heartless bad boy. I heard galing rin siya sa school mo bago siya lumipat rito three years ago." "Ha? Sino?" "Yozac Del Queja." "Ano?! " The nerdy, loser Yozac Del Queja...