CHAPTER 26

323 17 7
                                    

Yozac's POV

Unang sumabak sa game sina Jiro at Vinn at kasalukuyang leading si Vinn. Dalawang billiard balls na lang ang natitira at base sa kakayahan ni Vinn ay siguradong ito na ang mananalo.

Nilingon ko si Jiro.

Wala siyang reaksyon pero seryosong nakatuon ang tingin sa table. Alam kong medyo asar na siya pero pinipilit lang itago ang nararamdaman dahil magmumukha lamang siyang loser kapag ginawa niya iyon.

"Alright!! Ang galing mo pre! Hay*p ka talaga!! "

Sigaw ng barkada ni Vinn. Palatandaan na ito na ang nanalo. Dinaluhan ito ng ibang kasamahan gayon din si Jiro na nakipagkamay dito.

"Wala kang kupas, Pare. Nice game." nakangiting bati ni Jiro. Tinanggap naman ni Vinn ang kamay nito.

"Salamat. You did great as well."

"Sus! Binola mo pa ko."

Nagkatawanan sila.

"Okay! Next game na. Who wants to take the challenge?"

"I'm off the game. Iba naman ang maglaro." saad ni Vinn.

"Ang daya! Por que nanalo , aayaw na! "

Vinn laugh.  "Gag*! Kanina pa nagmi-miscall ang girlfriend ko. Baka magwala na 'yon kapag di pa ako naka-call back."

"Under."

"Well, I'm a proud one."

Nagkatawanan na naman ang mga ito kapagkuwan ay umalis na nga si Vinn.

"Let me have the next game."

Halos sabay kaming napalingon sa nagsalita.

"Russ... " sambit ng isang naroon.  "Sure!" nilapitan nito ang tinawag na Russ at binigyan ng tako.  "Who wants to play against Russ? Pro to! "

"Gusto kong makalaban si Gab."

Biglang bumakas ang pagtataka sa mukha ko. 

This guy has some issues with Gaby. Kanina ko pa rin napapansin na kanina pa niya tinatapunan ng tingin si Gaby. Mukhang hindi maganda ang vibes ko sa lalaking 'to.

"Sorry, hindi ako marunong magbilliards."  sagot ni Gaby na kasalukuyang nakatayo sa tabi ko.  She seems so uneasy.

"Hindi ka ba talaga marunong o natatakot ka lang matalo."

"Hindi ako marunong."

"I heard Yozac earlier. Ang sabi niya you played well in billiards. " sabay ismid.  "That proves na natatakot ka lang."

Napansin kong nagtiim ang bagang ni Gaby. Halatang naiinis na siya sa kapreskuhan ni Russel.

"I'm not a pro like you. Hindi patas ang laban natin."

"Bakit? Saan mo ba natutunan ang billiards mo? Sa paradahan ng tricycle? Sa mga tambay? "

Tumalim ang tingin ni Gaby.  "I learned it from my brothers at hindi sila tambay."

Tumawa si Russel.  "Then what are they? Cowards like you?"

Akmang hahakbang na ako para bigwasan ang mayabang na 'to ng maagap na napigilan ni Jiro ang braso ko.

"Don't."  he said.  "Kim will be in trouble kapag nagkagulo rito. Chill ka lang, Pare. Gaby can surely handle him."

"I'm so pissed right now."

Malaki ang respeto ko sa mga kapatid ni Gaby at hindi ko mapapayagan na iinsultuhin lamang sila ng isang taong tulad ni Russel.

"Ang yabang mo." saad ni Gaby at kinuha ang tako mula sa isa sa mga lalaking naroon.

She Dated the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon