Chapter 1

519 22 1
                                    

Gab's POV

"Gabriela! Labas na diyan!! Tanghali na!!!"

Nakakarinding sigaw ng mama ko paglabas ko ng CR. Umandar na naman ang armalite niyang bibig na ngayon ay rumaratrat pa rin hanggang sa makapagbihis ako. Dinampot ko na ang back bag ko sa ibabaw ng mesa at hinila ang aking maleta paglabas ko ng kwarto.

"Sa wakas!!" sigaw niyang muli.  "Kung hindi pa sermunan ay hindi pa magdadali-dali." iniayos niya ang plato at kubiyertos sa mesa at pinaypay ako.  "Halika na rito't mag-agahan ka na."

Ang mama ko.  Si Daniela Mondragon Alcantara.  Oo. Kapangalan niya noong dalaga pa siya ang ina ni Marga sa teleseryeng Kadenang Ginto at tunay na pareho silang may dragon na ugali. Walang umaga na hindi niya ako binungangaan. Sobrang ingay niya, ang sakit sa tenga pero kahit ganoon ay mahal na mahal ko pa rin siya. Siyempre mama ko siya e. kahit pa nga palaging tinatawag niyang tanghali ang alas siyete ng umaga.

Ganun naman talaga ang mga nanay di ba? Ang alas siyete at alas otso ay tanghali na sa kanila.

"Sila papa tsaka sila kuya po, kumain na ba sila?" ani kong umupo sa assigned seat ko sa dining table.

"Hindi pa nga, sandali't tatawagin ko. Mauna ka na diyan. "

"Sige po. "

At lumabas na siya.

Sa pamilya ay apat kaming magkakapatid. Bunso ako at nag-iisang babae. Ang panganay sa amin ay si Kuya Micael, english teacher siya sa isang private high school at part time professor rin sa community college. Siya ang pinaka istrikto palibhasa eldest child. Gwapo siya, matalino pero single pa rin hangang ngayon.

Ang pangalawa ay si Kuya Tros, graduating na siya sa college sa kurso engineering. Maliban sa magaling siya sa Math ay saksakan rin siya ng galing sa calculations pagdating sa mga babae. Paiba-iba siya ng girlfriend. Nakakainis. Akala mo naman ikina-gwapo niya.

Ang pangatlo naman ay si Liev. Isang taon lang ang tanda niya sa akin kaya hindi ko na siya tinatawag na kuya. Minsan nga ay napapagkamalan kaming kambal dahil halos magkamukha na kami. Sa aming apat na magkakapatid si Liev ang pinaka-close ko. Siya ang bestfriend ko sa bahay at siya ang natatakbuhan ko at nasusumbungan ko kapag may problema ako.

Heto na nga, kapapasok lang ng tatlong lalaking binanggit ko. 

"Good morning, bunso. " nilapitan ako ni kuya Micael at hinalikan ako sa noo.  "Na-ready mo na ba lahat ng gamit mo?"

Tumango ako.  "Oo kuya."

Pumasok na rin sila papa at mama sa kumedor.

"Sino pala ang maghahatid kay Gaby sa dorm?" tanong ng papa ko.

Okay. Bago ko ikwento ang tungkol sa dorm ay ipapakilala ko muna ang papa ko.

The man sitting on the king's chair ng hapag kainan ay walang iba kundi si Roberto Alcantara. Businessman siya ng pamilya, may pagawaan ng sapatos at 'yon ang nagpapa-aral at bumubuhay sa aming lahat. Siyempre with the help of Mrs. Daniela Alcantara. Nagtutulungan sila. Kapwa nag-e-enjoy sa hanap buhay na magkasama nilang itinaguyod mula pa noong mga bata pa kami.

"Ako na lang po, Pa." si kuya Tros.

"O, sige. Tutal malapit lang naman ang university mo sa El-Saavedra."

El-Saavedra Academy.  Bagong school ko. Hindi ko na i-e-explain ang dahilan kung bakit ako lumipat dahil nabanggit ko naman na iyon sa prologue.

Ang i-e-explain ko na lang ay ang dorm.
So ayon, dahil malayo ang school ko sa bahay namin ay napagdesisyunan ng sangguniang alcantara na magstay ako sa campus dorm tuwing weekdays at uuwi na lamang ako tuwing weekends.

BTW. First day ko sa dorm ngayon.

Second day ko naman sa school.

Goodness.

Naalala ko na naman.

Bumalik na naman sa flashback ko ang kahiya-hiyang tagpo namin ni Yozac kahapon.

Diyos ko. Anong mukha ang ihaharap ko sa mga kaklase ko gayong in-announce ko sa buong klase na ex ko siya tapos dineny niyan naman ako tapos nahalikan ko pa ang leeg niya at nasabihan pa ako na manyak.

Tsk. Parang nag-uumpisa ng kumapit ang kamalasan sa buhay ko.

"Oy, ikaw, Gaby ha. " si mama.  "Sana naman ngayon tumino-tino ka na! Utang na loob, umiwas ka na sa gulo. Maawa ka sa amin ng papa mo."

Napabuntong hininga ako.  "Opo. Hindi na po mauulit 'yon. Nagbago na po ako."

"Naku! Sana naman talaga ano, Nagpagupit ka pa man din ng buhok mo. " pumalatak siya.  "Na hindi ko ma-gets kung bakit ginawa mo pa."

"Hindi lang 'yon, Ma. Tinapon na ni bunso lahat ng make-up at mga bistida niya. " ginulo ni kuya Tros ang buhok ko.  "Mukhang magiging one of the boys na talaga ang baby girl natin."

"Kuya!" saway ko habang hinahawi ang kamay niya.

"Hindi mo naman kailangang gawin 'yon, anak. Pwede ka namang magbago kahit hindi mo na baguhin ang pisikal na anyo mo." si Papa.

Ngumiti ako.  "Mas kumportable na po akong ganito, Pa. Mas makakamove on po ako kapag ibang Gaby ang makikita ko sa sarili ko araw-araw."

Tumingin sa akin si Liev.  "Pero sana naman, bumili ka rin ng sarili mong damit. Hindi iyong damit ko ang pinagdidiskitahan mo." sinilip niya ang maleta ko.  "Mukhang nagbitbit ka pa talaga."

Binato ko siya ng tissue.  "Grabe ka! Hinihiram ko lang naman."

Binato niya rin ako.  "Inaangkin mo na, sinong niloko mo?"

"Hoy kayo! Nasa harap kayo ng pagkain! Itigil nyo 'yan." saway naman ni mama.

"Huwag na kayong magtalo diyan. Ibibili ko na lang kayo ng bagong damit pag sahod ko." sabat naman ni Kuya Micael.

Nag-appear kami ni Liev.  "Ayos!"

Actually, paandar lang namin 'yon para magulangan si kuya.

"Loko kayo ah!" si kuya Tros.  "Paano naman ako kuya?"

"Huwag ka na! Ang laki na ng allowance mo. "

Tumawa kami.

"Ang daya. " sumimangot siya.  "Palibhasa ako ang pinaka gwapo kaya pinagkakaisahan niyo ko."

"Ala na. Nagkakalokohan na rito." biro ni Papa.

Si mama naman ay natawa na rin.
Sumabay na rin kami ni Liev at kuya Micael.

Hay naku.

Ang ganda lang makita na masaya kami.
Ilang buwan ko ring hindi nakita ang mga ngiti sa kanila.

Ipinapangako ko na hindi na mauulit ang kalokohang ginawa ko noong junior high school. Magbabagong buhay na talaga ako para hindi na muling mawala ang ngiti sa kanila lalo na ang ngiti ng mabunganga kong mama.

She Dated the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon