Gab's POV
"Class, I have an announcement to make." saad ni Ms. Capili matapos ang klase namin sa History.
"Our school will be celebrating it's 68th Foundation Day on the 24th next week and our class is assigned to prepare a dance intermission number to be performed during the opening program. "
Umugong ang excitement at bulong-bulungan.
"I am planning to give them a ballroom dance performance, since ang STEM block B ay magpeprepare na ng folk dance." inilibot niya ang tingin sa buong klase. "Now, who wants to join? Any volunteers? "
Agad na nagtaas ng kamay sina Denver at Havana. Sila ang male and female class representatives ng block namin.
"Okay. Mr. Santos and Ms. Ren. ------ Any others?"
Nagtaas ng kamay ang dalawa pang lalaking estudyante at isa pang babae.
"Mr. Rico, Mr. Pintor and Ms. Repil, good. ---- I still need 2 more from the girls and 1 more from the boys. Anyone? "
Biglang nagtaas ng kamay si Brianna at ganoon na lang ang gulat ko ng pati ang kamay ko ay itinaas niya.
"Teka, Brianna! " bulalas ko.
"Right! Ms. Alcantara and Ms. Arquides. Good very good."
"It's our pleasure, ma'am. " nilingon niya ako. She is smiling. "Right, Gab? "
"Sa-sandali lang! Ayo--" natatarantang protesta ko pero pinandilatan ako ni Brianna na tila sinasabing pumayag ako or else ay magkakagulo.
Napabuntong hininga na lang ako. "Yes, sasali po ako."
Pasimpleng inungusan ko si Brianna.
Hmp!! Pasalamat ka, good girl na ako kung hindi sinabunutan na kita!
"Then, isa na lang sa boys ang kailangan natin. Who wants to take the last spot?"
"Ma'am bakit hindi na lang po si Yozac? "
Halos sabay-sabay kaming napatingin sa nagsalita, si Ara iyon.
Gaga ka! Ano na naman ang pinagsasasabi mo? May death wish ka ba?
Parang gusto kong isigaw iyon kay Ara.
"Anong sabi mo?" tila inis na tanong ni Yozac.
Hindi ito pinansin ni Ara. "Ang dami na pong absent ni Yozac di ba? He should make up for his absences kahit man lang sa simpleng pagpe-perform sa stage. "
Pumalatak si Yozac. "Who the h*ck are you to tell me what to do? "
"No offesement, Yozac. Nagsa-suggest lang naman ako."
Tila nag-aalangan na tumingin si Ms. Capili sa dalawa, halatang hindi siya sang-ayon sa suhestiyon ni Ara.
Hayss.. kahit ako, hindi rin agree.
"Ms. Clemente, kung ayaw ni Mr. Del Queja ay huwag na natin siyang pilitin."
Kunwari'y sumimangot si Ara. "Ganun po ba?Sayang naman po. Perfect partner pa naman po sila ni Gab. "
Umugong ang tuksuhan.
"Ayiieee... "
"Oo nga pala, mag-ex pala sila."
"Totoo ba? Akala ko fake news lang 'yon."
Nanlaki ang mata ko.
Takte ka Ara! Dinamay mo pa ko?!
"Hay naku, kayo talaga, puro kayo kalokohan. Mga teenagers talaga, Oo." natatawang sabi ni ma'am. "So.. Mr. Del Queja, are you willing to join?"
Biglang tumayo si Yozac at tinapunan ako ng masamang tingin. "Ayoko." yun lang at lumabas na siya.
BINABASA MO ANG
She Dated the Bad Boy
Teen Fiction"May isang tao rito na dapat mong iwasan. He's the king of the campus, a cold, heartless bad boy. I heard galing rin siya sa school mo bago siya lumipat rito three years ago." "Ha? Sino?" "Yozac Del Queja." "Ano?! " The nerdy, loser Yozac Del Queja...