Gab's POV
Nagkukumahog na tumatakbo kami pababa ng fire exit stair, pilit iniiwasan na maabutan kami ng gwardiya. Sina Ara at Venus ay kapwa nagtanggal pa ng sapatos para mas makatakbo ng maayos. Rinig naming umalingaw-ngaw na naman ang boses ni Mr. bouncing guard kaya naman mas binilisan pa namin ang pagtakbo.
"Anak ng! Akala ko ba matagal nyo na 'tong ginagawa? Bakit ngayon nahuli tayo?! "
"Hindi ko rin alam! Nagtataka rin ako kung bakit iba na ang occupant sa kwarto ni Cairo. "
"Matagal na kaming nagi-stalk sa kanya, Gab. At sigurado kami na doon ang room niya."
"O, e, bakit iba na? " Natigilan ako. "Hindi kaya, niloko lang kayo ni Brianna?"
Napamura si Ara.
"That b*tch!! Ang kapal ng mukha niyang lokohin kami!
"Humanda talaga siya sa'min!! "
Nagulat kami ng biglang tumunog ang alarm.
"Paging.. paging... roving guards. May mga nakapasok na intruders sa building. Madali kayo! Kailangan mahuli sila! "
"Sh*t! Sh*t! Sh*t!! "
Sinasabi ko na nga ba! Hindi magbubunga ng maganda ang planong 'to!
Patay na talaga kami!!
"Maghiwa-hiwalay na kaya tayo, para hindi tayo sabay-sabay na mahuli."
"Sige, Ven. Tsaka mas mahihirapan silang hulihin tayo kapag di tayo sama-sama. "
Tumango ako. "Sige. Dito ako."
"Sa third floor ako."
"Aakyat uli ako sa fifth floor. "
At naghiwa-hiwalay na nga kami.
Habang paakyat sa hagdan ay naramdaman ko na umikot ang paningin ko. Bahagya ring sumakit ang aking sikmura na tila nangangasim.
Goodness.. anong nangyayari sa akin?
Binuksan ko ang fire escape door sa fourth floor. Nagulat ako ng makita kong may guard ng nagro-roving roon. Kahit nahihilo ay patakbong bumalik ako sa pinanggalingan ko at umakyat sa itaas. Nakarating ako sa six floor.
Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong walang tao.
Naupo ako sa tapat ng pinto ng fire escape at doon na lamang magpapahupa ng sitwasyon. Nahihilo na talaga ako at pakiramdam ko ay masusuka na rin.
Takte!
Mukhang naalog ata ako kaninang pagtakbo namin. Nararamdaman kong umiipekto na sa akin ang alak na nainom ko.
Inilabas ko ang phone ko para tawagan si Ara at alamin kung nasaan na siya. Pero ganoon na lang ang gulat ko ng makita kong may anino mula sa ibaba na paakyat sa six floor.
T*ng*na!
Di magkandaugagang napatayo ako at tumakbo papunta sa hallway.
Hala!
Where to go? Where to go?
Nasipat ng mata ko ang mga pintaun.
Sh*t! Bahala na!
"Oo, paakyat na ako ng six floor." rinig kong sabi ng paparating na guard.
Sh*t!
Pinilit kong pihitin isa-isa ang mga door knob ng bawat kwarto.
Naka-lock ang una.
Nakalock rin ang pangalawa.
Ganun rin ang pangatlo!
"Malapit na ako sa itaas. Secure the main door."
O, my Gaaad!!
Pinihit kong muli ang pang-apat
Negative pa rin.
"Please!! Papasukin nyo ko."
Nasusuka na talaga ako.
At bumukas na ang pang limang pinto.
Agad akong pumasok roon at napaupo sa sahig sapo ang aking ulo.
"You never learn your lesson."
Napalingon ako sa nagsalita.
"Yozac?"
Anong ginagawa ng lalaking 'to rito?
"I told you to stay away from me." Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa aking braso kasunod ay pinatayo ako. "Gusto mo talagang maisahan ano?"
Tumingin ako sa kanya.
Bahagya akong nagtaka.
Bakit ganon? Ang hot niya pa rin kahit may suot siyang eyeglasses?
D*mn. Malala na 'to. Kung ano-ano na ang napapansin ko. Lasing na nga talaga ako.
"Nahihilo ako." napayuko ako at kumapit sa kanya. Kasunod ay isinandig ko ang ulo ko sa dibdib niya.
"Are you trying to seduce me?"
Nag-angat ako ng tingin. "Ha?" Natawa ako. "Bakit? Nase-seduce ka ba?"
Nagtiim ang bagang niya.
"You little witch! " sabay hatak sa akin.
Kasunod ay nagtagpuan ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa kama niya habang siya ay naka ibabaw sa akin.
"Gagawin mo na ba?" tanong ko.
My God! Nababaliw na ko!
Napaawang ang labi niya. "Gagawin ko talaga."
Pumikit ako.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero nagugustuhan ko ang pakiramdam ko ngayon. Parang bumalik ako sa dating ako 3 years ago. Parang ako na naman ang pilya, makulit at palaban na si Gaby.
"You really are wick, Gaby." bulong niya.
Kasunod ay naramdaman kong lumapat ang mainit niyang hininga sa labi ko.
"Yozac.."
Umakap ako sa leeg niya. "I miss you."
At ayon, sa isang iglap ay bigla ko na lamang nalimutan na kasama ko sa lugar na iyon sila Ara at kasalukuyang pinaghahahanap ng mga gwardiya.
BINABASA MO ANG
She Dated the Bad Boy
Ficção Adolescente"May isang tao rito na dapat mong iwasan. He's the king of the campus, a cold, heartless bad boy. I heard galing rin siya sa school mo bago siya lumipat rito three years ago." "Ha? Sino?" "Yozac Del Queja." "Ano?! " The nerdy, loser Yozac Del Queja...