CHAPTER 29

386 16 13
                                    

Yozac's POV

Gold Convention Center

Isang masigabong palakpakan ang ibinigay ng mga guest sa katatapos lamang na speech ni Mr. Lyndon Andrews ang CEO ng pinakamalaking Financial Company sa buong Asia. Ang samahang Euro-Asia Business Colligate ang nag-organize ng pagpupulong at isa si mama sa mga miyembro ng prehistiyosong organisasyon. Simula noong naghiwalay sila ni papa ay ako na ang palaging kasama niya sa mga business gatherings niya rito sa bansa. Nagsisilbing isang training ground ito para sa akin for the near future kung sakaling ako na ang magte-take over ng pamamahala sa kumpanya.

Katulad ngayon, ipinakikilala niya ako sa mga co-leagues niya. Puro papuri ang naririnig ko mula sa kanila. Isa raw na magaling na businesswoman ang mama ko. They have high expection of me and they believe that I can do better.

"Ms. Ruiz, the guest of honor is asking for your presence." ani ng event staff ng makalapit ito sa amin.

"Certainly." sagot ni mama sabay lingon sa akin. "Maiwan muna kita ha? Try to mingle with the other guest.. " she lean closer.  "Huwag kang magsusuplado rito." then mariing bulong niya.

"I won't." seryoso namang sabi ko.

Hinaplos niya pa ako sa braso bago tuluyang lumakad kasama ang staff. Ako naman ay nagtungo sa champaigne table para kumuha ng inumin. Sa di kalayuan ay natanaw ko ang pamilyar na mukha na ngayon ay palapit sa akin. She is smiling, namimilog rin ang mata niya na tila di siya makapaniwala na nakikita niya ako ngayon sa kanyang harapan.

"Yozac? Is that you? " aniya ng makalapit. Bakas ang amusement sa kanyang mukha.

"Yes." sagot ko.

"Oh my goodness! I can't believe my eyes!" she look at me from head to toe.  "You look so different and.......  dashing!! "

"Thank you, Mia. Kamusta ka na?"

Hinding hindi ko makakalimutan ang babaeng nasa harapan ko. She's one of Gaby's old friends. One of those heartless people who bullied me three years ago.

"I'm good. I'm always good. Ikaw kamusta ka na? Balita ko nagreunion na kayo ni Gabrielle sa El Saavedra. How are you two? Are you still in bad terms? "

Parang gusto kong mainis sa sinabi niya. Hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya. Parang wala lang sa kanya na may atraso siya sa akin. Kung makapagtanong siya sa akin ay parang hindi sensitive ang topic na gusto niyang pag-usapan.

"We're okay. I'm not the type of person who holds grudges. After all, may pinagsamahan pa rin naman kami. "

Tumango-tango siya.  "That's good. Akala ko kasi galit ka pa rin sa kanya. Malulungkot ako kapag nagkataon, knowing na, grabe ang sinakripisyo ni Gabrielle para sayo."

Biglang nangunot ang noo ko.  Ano raw?

"Sinakripisyo?"

Namilog ang mata niya. "Hindi mo alam? She turn her back on us ng dahil sa'yo. Tinalikuran niya kaming mga loyal friends niya para lang ipagtanggol ka."

Mas lalong lumala ang pagkakakunot ng noo ko. "Sorry but I don't get you."

"She had gone through a major heartache noong magkahiwalay kayo. Halos gumuho ang mundo ni Gabrielle nung umalis ka." Sumeryoso ang mukha niya. "She's really is head over heels for you. How come na hindi mo man lang naramdaman 'yon? "

Of course I wouldn't know. Puro pait at galit ang nararamdaman ko noon. I've given pure love and affection. I even devoted myself to her. Pero sinira ni Gaby ang tiwala ko.

"Niloko niya ako. She admitted it straight to my face. "

"That's not true."

Natigilan ako.  Ano bang pinagsasasabi ng babaeng 'to?

She Dated the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon