CHAPTER 13

376 19 6
                                    

Ara's POV

Maiging dinidikdik ko ang sampung siling labuyo sa platito na gamit ang kutsara. Kasama ko si Venus ay plano naming pahiran niyon ang lip and cheek tint na ninakaw namin sa bag ni Brianna kanina. Ang payback na naisip namin ay typical na childish pero malupet ang hagupit!

Natatawang nag-appear kami matapos maisakatuparan ang evil plan.

"So, paano natin 'to ibabalik bukas?"

"Iwan lang natin sa desk niya. Sigurado naman ako na pupulutin nya to dahil favorite shade nya 'to e. "

Humagikgik si Venus.  "Excited na kong makitang maga ang nguso ni Brianna. Ano kaya ang magiging istura nya?"

"Ano pa edi magmumukha siyang isda. "

Muli kaming nagtawanan.

Noon nga ay pumasok si Gab sa kwarto. Agad na nalukot ang mukha niya ng maamoy ang halimuyak ng siling labuyo.

"Ano yon? Ba't ang anghang rito? "

"Nagdikdik kami ng sili."

"Para saan? "

"Para kay Brianna."

Naningkit ang mata niya.  "So, itutuloy nyo talaga ang plano nyo?"

"Oo naman! Kailangan nating gumanti! "

"Right. Niloko niya tayo, kaya dapat lang na magbayad siya. " suporta sakin ni Venus.

Mas nalukot ang mukha ni Gab.  "Masama yang gagawin nyo. Hindi ko gusto 'yan."

"Masyado kang mabait, Gab. Sorry, pero hindi kami ganon."

Naghubad na siya ng uniform at nagpalit ng pambahay na damit.  "Bahala kayo, basta siguraduhin nyo na hindi kayo mapapahamak diyan sa ginagawa nyo. Alam nyo kasi kapag nalaman yan ni Brianna, talagang magkakaroon ng giyera. Mukha pa namang hindi nagpapatalo ang babaeng 'yon."

Nilapitan ko siya't inakbayan.  "Don't worry Gab. Sisiguraduhin namin na hindi kami ang matatalo."

"Hay naku. Para kayong mga bata."

Namilog ang mata ko.  "Wow ha! Nagsalita ang mature na. " Natigilan ako.  "Teka. Anyare diyan sa labi mo? May sugat ka ba? "

"Huh? " sabay dampi sa labi.  "Ba-bakit? "

"May dugo e. Yan oh! "

Dali-dali siyang nagtungo sa tapat ng salamin at sinipat ang kanyang labi.

"A.. ano.. ketsup lang to. Kumain kasi ako ng burger kanina."

Napangiti ako.  Halatang nagsisinungaling siya.

"Alam mo Gab. Nakita ka namin ni Venus sa drug store kanina, may binibili kang mga gamit pang first aid. " nilapitan ko siya at sinundot "Huwag ka ng magsinungaling, alam na namin na ginamit mo 'yon kay Yozac."

Agad na nataranta siya.  "Nagmamagandang loob lang ako ah!  Walang malisya 'yon! "

Nagkatinginan kami ni Venus.  "Talaga lang ha? E bakit may dugo yang labi mo? Ano bang ginamit mong pang-gamot sa kanya?  'Yang lips mo?"

Gab blushed in instant. Alam namin na nahuli na namin siya.  My God! These two exes. There is something going on between them!

"Hindi nga 'to dugo! Ketsup 'to! Ketsup!"

Muli kaming nagkatinginan ni Venus at nag-high five.

Mukhang magiging interesting na ang mga mangyayari sa mga susunod na araw.

She Dated the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon