CHAPTER 31

282 12 6
                                    

Brianna's POV

"Cai!! Cairo!! Where is he? Where's Cairo?!! "

"What are you doing here?" tumayo siya mula sa kinauupuan niya.

Agad akong pumasok sa kanilang classroom.

"Bakit ba iniiwasan mo ako? Kahit sa bahay hindi mo ako kinakausap! What is wrong with you?!! "

"Pwede ba, Bree. Huwag kang mag-eskandalo rito! Halika nga!" hinila niya ako palabas ng classroom.

"Bitawan mo ko! Aray! Nasasaktan ako!!"

Agad nga niya akong binitawan ng makalayo na kami.

"Ano bang problema mo ha?"

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Akala mo ba, hindi ko napapansin na sinasadya mong iwasan ako! Bakit, Cai? Dahil ba 'to sa lintik na jologs na 'yon kaya ka nagkakaganyan?"

"Wala akong alam sa sinasabi mo."

Namilog ang mata ko sa inis!  "Oh come on! Cai! Sa iisang matres lang tayo nabuo, you can't lie to me."

"What do you want from me?"

"I want you to stay away from that girl and not from me!! You, jerk!"

"Ano bang masama kung maging malapit ako kay Gaby, ha? I like her. At nilinaw ko na sa'yo na wala kang pakialam roon."

"I don't want her for you. I hate her!"

"You hate her? Dahil ba kay Yozac?"

"Obviously, yes! "

"Then just took advantage of the situation. Kapag naging girlfriend ko si Gaby ay masosolo mo na si Yozac. Iyon naman talaga ang gusto mo di ba?"

"Still, I don't want her to have you. Ang dami namang ibang babae diyan, Cai! Bakit si Gaby pa?!!  I really can't stand her! "

"Si Gaby ang gusto ko. Siya lang ang babae para sa'kin. "

Napaawang ang labi ko. Nawiwindang na talaga ang kapatid kong ito. "Nasasabi mo lang 'yan dahil parte siya ng nakaraan ni Yozac. You're obsessing with Gaby dahil diyan sa lintik na inferiority complex mo kay Yozac!! "

"Wala kang alam sa nararamdaman ko, Bree! Just shut up!"

"No, Cai! You, shut up! Ayoko ng lumalapit ka sa babaeng 'yon or else hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa kanya!"

Kitang-kita ko ang panlilisik ng mata niya pero mas ikinagulat ko ng bigla niya akong hablutin sa braso at hinawakan iyon ng mahigpit.

"Subukan mo lang, Brianna. Subukan mo lang."

Pinigilan kong ipakita na nasasaktan ako sa ginawa niya bagkus ay tinapatan ko ng talim ang titig niya sa akin.  "Nang dahil lang kay Gaby, nagagawa mo ng saktan ako, Cai." Hinawi ko ng marahas ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.  "Huwag mo akong pagbantaan dahil hindi ako natatakot sa'yo."

"Magkapatid tayo, Brianna!!!"

"Exactly! That's why we're both evils!"

Saglit siyang hindi nagsalita. Mga ilang segundo rin na nakatitig lamang siya sa akin. Kapagkuwan ay nagbuntong hininga siya.

"Stop acting like a spoiled brat." aniya sa malumanay ng tinig. "Bumalik ka na ng classroom mo, malapit ng matapos ang lunch break."

Imbis na matuwa ako sa emosyon na ipinakita niya sa akin ay mas lalo lamang nadagdagan ang fraustrations ko. "You're taking me lightly, don't you?" pakiramdam ko ay namumuo na ang aking luha.

"No, Bree."

"Pero hindi mo siniseryoso ang mga sinasabi ko."

"Because you're being unreasonable. Hindi ka naman dating ganyan."

She Dated the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon