CHAPTER 12
Gab's POV
Katatapos lang ng second period ng makapasok ako sa school. Kasalukuyang break time na at kaharap ko ngayon sina Ara at Venus sa cafeteria at kinukulit nila ako na magkwento tungkol sa mga nangyari kagabi.
"Sinabi ko na nga di ba? Wala ngang nangyari sa amin."
"Talaga? Kahit kiss wala?"
Napaisip ako.
Nagkiss ba kami?
"Uy! Nag-isip..."
"Hindi! Hindi kami nag-kiss." nag-iwas ako ng tingin. "Bakit naman kami magki-kiss. Tss."
"Pero nung kayo pa, nagkiss na rin kayo?"
Nanlaki ang mata ko.
Bakit ba napaka curious ng dalawang to?
"O, namumula ka na! Tinatanong ka lang e."
"Ewan ko sa inyo."
"Eeee... sagutin mo na! " hinatak ang braso ko. "Ano? Nagkiss na ba kayo?"
Tsk! Nakakainis!
Umiiwas na nga ako e.
"Oo! Siyempre! "
Biglang tumili ang dalawa. Hindi pa nakuntento dahil naghampasan pa talaga.
"Oh my God! Mabuti ka pa may first kiss ka na! "
"Tapos sa kasing gwapo pa ni Yozac. Nakakainggit!"
Parang gusto kong matawa. Kahapon lang ay inaayawan nila si Yozac pero ngayon ay kinikilig na sila. Hay naku. Mga loka talaga.
"Nakaraan na 'yon. Huwag na kayong kiligin diyan."
Natigilan sila. "Bakit? Gaano na ba katagal nung maging kayo?"
"3 years ago, going fourth this year."
Tumango si Ara. "Ah so, you mean, grade 7."
"Grabe ah. Ang aga mong humarot! "
"Gagi! " sabay bato ng tissue kay Venus.
"E, kailan kayo nagbreak?"
Biglang nawala ang ngiti sa labi ko at napayuko ako sa inumin na nasa harapan ko. "Nung bago siya lumipat rito."
"Talaga? So, nag-ilang buwan lang kayo?"
"6 months."
Biglang nadismaya ang dalawa. "Ay, ang bilis naman, ni hindi man lang nag-anniversary. Pero kamusta naman siya as boyfriend? sweet ba siya o rough?" sabay hagikgik.
"Gaga! Halata namang rough! "
Sinabunutan nito si Venus. "Hindi ikaw ang tinatanong ko. " binalingan akong muli. "Sweet or rough?"
Biglang nagflashback sa akin ang mga masasayang moments namin ni Yozac noon. Mga panahon na inaalagaan niya ako at itinuturing niya ako na parang prinsesa.
Napangiti ako. "He's sweet, maalaga, mapagbigay at sobrang buti ng kalooban. He is a kind of person na ibibigay ang lahat mapasaya lang ang taong importante sa kanya. He is selfless and devoting, he gives love unconditionally. "
At lahat ng iyon ay sinayang ko lang. Lahat ng iyon ay binalewala ko lang. I took him for granted. I became a coward at mas pinili kong itapon siya kaysa ang ipaglaban. Pero ano naman ba ang magagawa ko? I was so young back then, I'm only fourteen.
Nakita kong nangunot ang noo ng dalawa na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Bakit?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
She Dated the Bad Boy
Teen Fiction"May isang tao rito na dapat mong iwasan. He's the king of the campus, a cold, heartless bad boy. I heard galing rin siya sa school mo bago siya lumipat rito three years ago." "Ha? Sino?" "Yozac Del Queja." "Ano?! " The nerdy, loser Yozac Del Queja...