CHAPTER 10

359 19 2
                                    

Zayn's POV

"Okay. Sige, wala na akong magagawa kundi ipagkalat ang pictures ng intimate moment ninyo ni Yozac."

"Papunta na ko diyan. Hintayin mo ako. Huwag kang aalis! Darating ako!!"

At naputol na ang linya.

Napatingin ako sa phone ko na may malapad na ngiti sa labi.

Hindi pa man nag-uumpisa ang laro ay nararamdaman ko na ang matamis kong pagkapanalo.

Gabriellie Alcantara.

She is someone who came from Yozac's past. At hindi inaamin ni Yozac na may ugnayan siya sa babaeng 'yon.

--------------

Several minutes ago...

"Yozh, ano mo ba ang babaeng 'yon? "

Bahagya siyang natigilan pero hindi naman nag-iwas ng tingin.

"Nothing. Bakit?"

"Masyado ka kasing attach sa kanya, medyo nagtataka lang ako. Hindi mo ba siya ex or fling -----"

"Hindi."

Napangiti ako. He is obviously lying.

"Ganun ba? E, Bakit, Gaby ang tawag mo sa kanya?"

"That's her name."

"That's obviously her nickname and you are not that close para tawagin siya sa nickname niya."

"I don't know what you're talking about. Sige, mauna na ko."

Yun lang at lumabas na siya.
----------------
Ako naman noon ay napapangiti na lang dahil nasisiyahan ako sa mga nakikita ko.

Mas lalo lamang tuloy akong naiintriga kapag umaaktong parang walang paki si Yozac. Parang mas lalong gusto kong pigain silang dalawa.

D*mn. I'm gettin fired up.

Nag-ring ang aking phone. Si Yozac ang tumatawag.

"Yo!" sagot ko.

"Gaby.  Stop bothering her."

Yun lang at naputol na ang linya.

Napaawang ang labi ko. Ni hindi man lang ako hinintay na makapagsalita.

That guy..  "He's getting interesting."

Ara's POV

Matapos kong makausap sa phone si Gab ay hinarap ko na si Venus. Alam kong maraming kapana-panabik na chika si Gab pero isasantabi ko muna ang excitement ko dahil gusto kong pabweluhin ang umiigting na pagkabanas ko kay Brianna.

Hinatak ko si Venus papasok ng classroom at hinarap si blondina na ngayon ay pa-scroll scroll ng phone sa desk niya.

"Oy, Brianna. " tinuktok ko ang kanyang desk.  "Mag-usap nga tayo."

Bahagya siyang nag-angat ng tingin. Pero ibinalik rin ang tuon sa phone pagkatapos.  "Tungkol saan?"

Napaawang ang labi ko. "How dare you played a trick on us! Hindi mo ba alam na nabasubo kami kagabi ng dahil sa'yo?! "

She Dated the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon