Gab's POV
The big day has come. Umpisa na ng midterns week. I was discharge 2 days ago at aaminin ko na bahagya akong kinakabahan dahil kaunti na lamang ang panahon na ginugol ko para sa aking pagre-review.
Aasa na lamang ako sa stock knowledge ko na hindi ko alam kung makakatulong nga ba ito sa akin. Kung ano man ang kakalabasan ng midterms ay malugod ko na lang na tatanggapin. Babawi na lamang ako sa finals at ipinapangako ko na hinding hindi na talaga ako magkakasakit!!
"Kumusta ka? Ang aga mo ah." si Yozac. Hindi ko napansin ang pagpasok nito sa room, ang dami ko kasing iniisip.
"Ikaw nga ang aga mo rin."
"Na-sense ko kasing nandito ka na, kaya nagmamadali akong pumunta rito."
Parang gusto kong mapangiwi, paano nya nagagawang magpick up line na hindi nagmumukhang baduy sa pandinig?
"Ang aga rin ng banat mo. Magreview ka na lang." Ibinalik ko na ang tuon ko sa notes ko.
"Hindi ako bumabanat, Gaby. You know I don't need that. Mahina ka sa Math di ba? I'm here to help you."
Aaaaahhh... yun ba ang ibig niyang sabihin?
Ano ba self! Napaka feeling mo talaga! Focus sa study! Focus!
"No thanks, Yozh. Hindi na ako umaasa na makakapasa ako sa Math."
"Come on, Gaby. Don't say that." hinila niya ang silya sa katapat na table at tumabi sa akin. "Ano ba ang hindi mo naiintindihan sa lesson? I'll make it simple for you."
"Huwag na nga. Promise, okay na ako rito. Magreview ka na lang roon sa table mo."
Mas hindi ako makakafocus kung tatabihan mo pa ako ng ganyan! I'm trying to calm myself here. And you are ruining it!!!
"You're always like that. Parang ibang tao ako sa'yo."
"Huh?" Teka. Saan galing 'yon? "Ano na naman ang pinagsasasabi mo?"
"Palagi mo na lang tinatanggihan ang tulong na gusto kong ibigay."
"Magda-drama ka talaga? Ngayon talaga?"
"All I want is to help you. Mahirap bang tanggapin 'yon?"
I'm done! I'm so done!
"Okay! Sige na! Matigil ka lang! Ang dami mo ng sinasabi diyan!"
He smiled.
Ngiti na alam kong hindi ko dapat pinapansin dahil baka kung ano-ano na namang tumakbo sa isip ko.
"Solving Quadratic Equation by Factoring. Sige, turuan mo ko."
"That's easy." then he move closer. Pinulot niya ang ballpen at nag-umpisang magsulat sa yellow pad.
"The standard form for quadratic equation is ax2+bx+c=0. Ito ang form na dapat mong ime-morize. Say for example the equation is x2-3x-10=0, first is you have to factor the left side which is the x2 , that would be (x ) and (x ). Then factor the right side which is 10. That would be 5 & 2. You'll be writing it considering the positive and negative sign before the digit. And what is the sign before 10?"
"Huh?"
"I'm asking you, Gaby."
"Aahh.. ahm... negative?"
"Right, then on the rule of positive and negative numbers , when you multiple negative to positive the result is negative. So...."
"negative 5 and positive 2 to make negative 10?"
BINABASA MO ANG
She Dated the Bad Boy
Teen Fiction"May isang tao rito na dapat mong iwasan. He's the king of the campus, a cold, heartless bad boy. I heard galing rin siya sa school mo bago siya lumipat rito three years ago." "Ha? Sino?" "Yozac Del Queja." "Ano?! " The nerdy, loser Yozac Del Queja...