Yozac's POV
Del Queja Residence
It's friday evening. Umuwi ako ng bahay after ng last class ko kanina dahil tinawagan ako ng Mom ko't may ipapagawa raw siya sa aking mga papers concerning our business.
Pagdating ko ng bahay ay hindi naman pala trabaho ang maaabutan ko kundi isang candle light dinner na inihanda niya kasama ng sister kong si Chloe. Nami-miss na raw kasi ako ng dalawa kaya nagdahilan sila kahit pa nga two weeks pa lang naman kaming hindi nagkikita. Wala na akong nagawa kundi ang sakyan sila sa trip nila. Ayoko rin naman na magtampo sila sa akin lalo pa't sila na lamang ang natitirang pamilya ko. Divorce na kasi ang parents ko at may bago ng pamilya ang aking ama.
Katatapos lang ng dinner at kasalukuyang nasa veranda ako, kasama ko si mama na ngayon ay kanina pa nakatelebabad sa phone niya.
Natigil ako sa pagscroll ng phone ko ng tawagin ako ni Chloe.
"Kuya!"
Nilingon ko siya. Patakbong lumapit siya sa akin na may bitbit na kung ano sa kamay niya.
"Sino si Gaby?"
"Ha? Bakit?"
Itinaas niya ang lumang journal ko. "Nabasa ko rito, ang sabi mo you'll gonna love her for the rest of your life." sabay tawa. "Ang baduy mo kuya ha! "
"The who?" maagap na sabat ng mama ko na talagang naisingit pa ang tanong kahit may katawagan pa rin sa cellphone.
"Just a girl from the past. Nothing important."
"Ows?! E, bakit tinatago mo pa rin 'to? "
"Edi itapon mo, I don't give a d*mn."
"Yozac! Ang bunganga mo! " saway ni mama.
Nagbelat naman si Chloe. "Talagang itatapon ko ! "
Akmang tatakbo na siya ng mabilis na hinablot ko ang damit niya. "Akin na 'yan! Huwag kang pakialamera!" sabay kuha ng notebook sa kanya.
Tumawa siya ng tumawa at inasar pa akong lalo. "Yuck si Kuya may lingering feelings pa sa first love niya! "
"Shut up, Chloe! "
"Oh my! Is she the girlfriend na hindi ko na-meet 3 years ago?"
Natuptop ko ang aking noo. Si mama, sumama na rin, mukhang ko-corner-rin na ako ng dalawang 'to.
"Yes."
"Do you still like her? "
"No."
Umupo sa tapat ko si Mama at nangalumbaba. "Uh-uh... my son.. you're denying. "
Nangunot ang noo ko. "I'm not."
"Yes, you are. Anak kita Yozac. Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling at kung kailan ka nagsasabi ng totoo."
"True, Mommy. Imposibleng makalimutan niya si Gaby. Super pretty kaya niya."
"You saw her? " si Mama.
"I have a picture! " sabay labas ng litrato namin ni Gaby. Kuha iyon noong intramurals namin. The day na pinagtrip-pan nila ako ng mga barakada niya na bumili ng napkin.
Bigla kong naitikom ang aking kamao. I really hate that day. Nagsisisi ako na huli ko ng nalaman ang lahat ng palabas nila.
I should have never given my time and effort kung alam ko lang na ginag*go lang pala nila ako.
I feel like a total Idiot!
D*mn it! D*mn it really!!!
"Bahala kayo kung ano ang gusto niyong isipin." tumayo na ako at iniwan sila.
"O, san ka na pupunta? Nag-uusap pa tayo. "
"I'm going to bed. Inaantok na ko. "
"Alright. But tomorrow ha, huwag kang aalis may pupuntahan tayo. "
"Yeah. " sabay kaway na hindi sila nililingon.
Dumiretso na ako ng lakad.
"Si kuya in love."
Umagikgik si Mama. "Oo nga, hayaan na lang natin."
Tss..
Cairo's POV
"I hate that girl, Cai! I really hate her!!!"
Si Brianna, throwing tantrums on me dahil sa ibinigay kong atensyon kay Gab noong nakaraang araw na magkakilala kami sa gymansium.
Kahit noong mga bata pa kami ay may pagkapossessive na talaga si Brianna. Ayaw niya na naaagawan siya ng kahit na sino, mapa-tao man o bagay. She wants everything for herself and she's self-centered, kaya nga madalas na pag-awayan namin ang mga babaeng pinopormahan ko dahil ang gusto niya siya ang pipili ng babaeng dapat kong i-date.
Tsk. Like h*ll I would allow that.
"What do you hate about her? She's nice and cool. Plus. Maganda siya. "
Mas lalong na-beast mode ang kapatid ko. "Maganda?!!" she rolled her eyes. "Ano namang maganda roon? She's too plain and boring! Hindi ko nga maintindihan kung bakit naging girlfriend ni Yozac 'yon! My God! He must be crazy!"
"Cut it, Bree. You're just jealous."
"I'm not jealous. Nababanas lang ako sa kanya! "
"There's nothing to be annoyed to. Mabuting tao si Gab and she's quiet interesting. "
Namilog ang mata ni Bree at namaywang. "Don't tell me may gusto ka rin sa kanya?"
"I don't know. Maybe." nangingitimg sagot ko.
Mas lalo lamang siyang na-frustrate. "My God Cai! If this is about Yozac, please.. huwag ka ng makisali! "
"Of course not. Hindi lang kay Yozac imiikot ang mundo. I'm sincerely interested with Gab. " tinuro ko siya. "And I want you to stay out of it."
Ngumisi siya. "You think I'll just let her off the hook? ---- Huh! " sabay iling. "No, Cai. Sisiguraduhin kong magiging h*ll like ang buhay niya sa El-Saavedra. "
"Don't you dare! " nagtiim ang bagang ko. This brat, inuumpisahan na naman niya ako. "I'll handle her myself. Stay out of it."
Lumapit siya sa akin at pinandilatan ako. "I have my own rules, Cai. No one can control me."
Yun lang at umalis na siya.
Naitikom ko ang aking kamao sa sobrang inis. Napakatigas talaga ng ulo niya. Kahit kailan ay hindi siya pumapayag na mamanduhan, lalo na ang mapakiusapan. Mukhang magkakasubukan na naman kaming magkapatid at nasisiguro ko na hindi siya magpapatalo.
Bumukas ang pinto ng living room. Iniluwa noon ang mama ko na kararating lamang galing sa trabaho. Kasama niya ang secretary niya at dalawang body guards.
"Mom." lumapit ako s kanya at hinalikan siya sa pisngi. "You're quiet late. Nagdinner ka na po ba? "
"Yes, si Bree, tulog na ba? "
"No. Kaaakyat lang niya sa itaas. Magkasama kami rito kanina."
"Mabuti." tinawag nito ang maid. "Manang, pakitawag si Bree."
"Opo ma'am."
"I'll go ahead, Mrs. Chairman." paalam ng secretary niya.
"Sure, ingat ka. Thank you."
Yun lang at umalis na ito. Ang dalawang guards ay lumabas na rin kasama nito. Naupo naman si Mama sa couch at ako ay naupo rin sa katapat na sofa. Maya-maya ay dumating na si Bree na hindi maipinta ang mukha.
"What? I'm about to sleep."
"May sasabihin lang naman ako sa inyo."
"What is it?"
"Leave your schedules free tomorrow, may pupuntahan tayo."
Halos sabay na nalukot ang noo namin ni Bree. "Saan?"
"Sa house ng old friend ko, bibisita tayo."
BINABASA MO ANG
She Dated the Bad Boy
Tienerfictie"May isang tao rito na dapat mong iwasan. He's the king of the campus, a cold, heartless bad boy. I heard galing rin siya sa school mo bago siya lumipat rito three years ago." "Ha? Sino?" "Yozac Del Queja." "Ano?! " The nerdy, loser Yozac Del Queja...