Makaraan ang isang linggo ng pag walk out nila Dr. Clemente at Ma'am Lorenzana sa canteen ay naging usap-usapan ito sa school namin ngunit parang keber lamang ito kay Dr. Clemente dahil ganoon pa rin siya pag pumapasok sa classroom namin, nakangiti at lively ang interaction sa'ming mga estudyante niya maging sa fans club niya rin na halos talunin pa si Kuya Kim sa pagiging mapagmatiyag at matanglawin. Tama ang narinig niyo mga kaibigan, may fans club na si Dr. Clemente na nabuo lamang noong first day of school, nakakatawa man pero 'yon ang totoo.
"Which among these options is the characteristic or component shared by skeletal and smooth muscles? Anyone?"
Lahat kami ay nag papalit-palit ng tingin ng mag simulang mag tanong si Dr. Clemente tungkol sa lesson niya for the day. Hindi lamang kami nagkatinginang lahat, agad din kaming nag madaling hanapin ang kasagutan sa libro namin na siyang rason para mapawi ang inaantok naming diwa.
"Dr. Clemente."
Tawag ko sakaniya sabay taas ng kamay para sagutin ang tanong niya. Hindi ko sigurado kung tama itong nakita ko sa libro pero wala namang masama mag try. Mabuti ng magkamali habang nasa classroom pa kesa naman magkamali kapag nasa realidad na. Kaya nga tayo nag aaral eh dahil dito rin kadalasan nangyayari ang trial and error. Muli ay ipinakita sa'kin ni Dr. Clemente ang mapuputi at pantay pantay niyang mga ngipin kung kaya't yung kaba ko ay parang dumoble pero may kasama na itong kilig. Hindi man ako kasali sa fans club ni Dr. Clemente pero wala naman sigurong masama kung kikiligin din paminsan minsan. Sino ba kasing hindi kikiligin kung ganiyan kagwapo ang bubungad sa'yo sa umaga? Tapos ngingiti-ngiti pa ng ganiyan, nakow. Parang naiihi tuloy ako sa kilig.
"Yes Miss Amorsolo?"
"That would be elevation of intracellular for excitation-contraction coupling."
"And what made you think that is the right answer? Would you like to elaborate?"
"Ah.. Y-yes doc. Yung elevation of intracellular ay common po sa mechanism of excitation-contraction coupling in skeletal and smooth muscles. Calcium ion binds to troponin carbon that initiates the cross-bridge cycle while in smooth muscle, calcium ion binds to calmodulin.. "Ipinagpatuloy ko ang pag "e-elaborate" ng sagot ko sakaniya hanggang sa unti-unti ay nakikita ko na ang pag tango-tango ng mga kaklase ko. Mukhang nabubuhay na rin ang diwa nila gaya ng pagkabuhay ng diwa ko habang nakatutok ang mga mata ko sa mukha ni doc. Yiiee!
"And lastly, spontaneous depolarizations and gap junctions are characteristics of unitary smooth muscles but not to skeletal muscles."
Para akong mawalan ng hininga matapos kong mag salita. Dala siguro ng kaba kaya naman dirediretso ang pagpapaliwanag ko hanggang sa kaagad akong naupo. Ilang segundo ring natahimik ang klase hanggang sa narinig namin ang pag palakpak ni Dr. Clemente na sinabayan niya pa ng mahinang pag tawa.
"Impressive Miss Amorsolo. You just gave me the complete and exact wordings from the book though next time try to slow down when you're talking."
"O-okay po."
"Great job. Alright, Miss Amorsolo's answer is right. It is the elevation of intracellular for excitation-contraction coupling. Let me add also further details about the answer.."Nag patuloy ang lecture ni Dr. Clemente hanggang sa malapit ng matapos ang klase niya ngunit bago niya kami pinalabas ng room ay may pahabol pa siyang assignment para sa'min. Bagama't jam-packed ang schedule namin ngayong araw kung kaya't agad kaming nag madaling umalis ng room at nag simulang mag lakad papunta sa opisina ng clinical instructor namin.
"Iba talaga ang nagagawa ng isang Austin Clemente sa kaibigan natin, diba Cholo?"
"Sinabi mo pa. Nagkakaroon din ng instant photographic memory."
"Tse! Eh sa wala sainyong gustong sumagot kanina."
"Weh? Sigurado ka ba talagang hindi ka kasali sa fans club ni McYummy?"
"McYummy?"
"Si Dr. Clemente. 'Yun ang code name kuno ng mga tao rito sakaniya. Hindi ko naman masisisi kung bakit ganun ang tawag sakaniya, yummy nga naman from head to toe. Rawr!"
BINABASA MO ANG
Austin's Condition (COMPLETED)
RomanceInspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student Candice Rae Amorsolo is determined to become a nurse someday. Her student life is peaceful and norma...