"So since most of you are fresh graduates then that only means you have to start from the beginning."
Kasalukuyang nag sasalita si Sir Zap, isa sa mga trainer namin kung kaya't panay din kami sa pag ta-take notes sa lahat ng sinasabi o ipinapakita sa kaniyang powerpoint. Nag simula na kasi ang training namin kaya parang balik eskwela kami ngayon ng mga magiging katrabaho ko. So far maayos naman ang takbo ng training lalo na't hindi pa namin kailangang magpuyat sapagkat from 8AM to 5PM ang schedule namin ngayon. Nasa kalagitnaan ng pag sasalita si Sir Zap ng biglang nag bukas ang pinto ng training room at pumasok ang ilang hospital staff ng UFMC kabilang na si Dr. Clemente or should I say Doc Austin. 'Yun ang kadalasang naririnig kong tawag sa kaniya rito kaya siguro kailangan ko na rin siyang tawagin sa ganoon.
"Right on time. Folks, I'm not sure if you have met them but these people are your head nurses, interns, and residents. Our attendings are currently busy at the moment kaya sila muna ang bibisita sa inyo for now. Ladies and gentleman, would you like to say hi to our trainees and perhaps introduce yourselves?"
Ibinigay ni Sir Zap ang floor sa aming mga panauhin kung kaya't isa-isa silang nagpakilala sa'min at kung anong role nila rito sa ospital. Isa isa ko ring isinulat ang mga pangalan nila sa notes ko ng sa ganoon ay maging familiar ako sa kanila at mabati ko sila lalo na kung may pagkakataong makasalubong ko sila o makasabay kung saan man dito sa UFMC.
"Yung cute na doktor na ang susunod."
Ibinaling ko sa unahan ang aking paningin ng mapansing humahagikhik ang mga co-trainees ko na naka upo sa likod. Sakto namang nagkasalubong ang mga mata namin ng tinutukoy ng mga co-trainees kong susunod na magpapakilala kaya ngumiti ito ng bahagya sa'kin bago hinarap ang buong klase.
"Hi. First of all, on behalf of the management I'd like to welcome you to United Filipinas Medical Centre. Give yourselves a round of applause for passing the exams and interviews."
Nagpalakpalan naman ang mga tao rito sa training room kung kaya't sumali nalamang din ako kahit nababagabag pa rin ako hanggang ngayon na hindi ko kinailangan pang dumaan sa sinasabi nilang madugong exam at interview. Balita ko sa mga co-trainees ko para raw silang ibinalik sa board exam kung kaya't laking pasasalamat nila ng makapasa at makapasok sila. Dahil sa narinig ko ay kinailangan ko pang mag sinungaling sapagkat paniguradong issue kapag nalaman nilang nakapasok ako ng UFMC dahil sa anak ng may ari ng ospital ang nag hire sa'kin.
"I'm Dr. Austin Clemente. I'm a resident and your HR business partner which I don't have a choice as the job was delegated to me by the high table." Sabay kibit balikat niya kung kaya't natawa ang mga tao rito at kahit maging siya ay bahagyang natawa rin.
"You can locate me in the cardiothoracic ward if I'm not within sight but I'm visible most the time. I'm an all around guy as well so don't hesitate to utilize me."
"In short lasapagin niyo raw siya."
"What the fu.. Just shut up Kian."Muli ay nagkatawanan ang mga tao rito sa sinabi ng isa pang residenteng si Dr. Kian Oliveros. Kung si Doc Austin ay madalas sa cardiothoracic, si Doc Kian naman ang nakatoka sa emergency room kaya ng hinabol siya ni Doc Austin ay kaagad na siyang nag paalam dahil hindi raw siya pwedeng mawala ng matagal sa E.R. Nang matapos magpakilala ang lahat ay ibinalita rin sa'min ni Sir Zap na ang ilan sa kanila ay magkakaroon din ng lecture at assessment sa'min bago kami tuluyang isalang sa kaniya-kaniya naming area.
"Any questions for them before they leave the room?"
May ilang mga co-trainees ko ang nag taas ng kamay at nag bigay ng katanungan sa mga panauhin namin gaya ng anong expectations nila sa'min, kung kumusta ang experience nila rito sa UFMC, tips para sa mga baguhan, at kung ano ano pa hanggang sa isang unexpected question ang nang galing sa isa sa co-trainee ko. Kung hindi ako nag kakamali ay siya si Bernadette Freya Dimasalang, ang 10th placer sa katatapos lang naming board exam at pagkakataon ring magiging kasamahan ko sa cardiothoracic ward.
BINABASA MO ANG
Austin's Condition (COMPLETED)
RomanceInspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student Candice Rae Amorsolo is determined to become a nurse someday. Her student life is peaceful and norma...