Simula ng mabasa at malaman ni Dr. Clemente ang nararamdaman ko para sa kaniya ay nag mistulang hangin nalamang ako sa kaniyang harapan. Ang dating madalas na pag tatagpo ng aming mga mata o kaya naman simpleng palitan ng mga ngiti ay ngayo'y mukhang alaala nalamang. Kung may gusto man siyang ipaabot o sabihin sa'kin ay idinadaan niya nalamang kay Alyson o kay Cholo. Bagama't si Alyson lamang ang nakaka alam ng lahat ng tungkol sa'min ni Dr. Clemente kung kaya't hindi rin maiwasan ni Cholo mag tanong kung bakit nag bago ng pakikitungo sa'kin si Dr. Clemente.
"Please welcome Dr. Mark Williams, head of anesthesiology department of United Filipinas Medical Centre."
Kahit wala sa mood ay pumalakpak nalamang ako alang alang kay Dr. Williams. Mangilan ngilan lamang kaming mga nursing students dito mula sa iba't ibang unibersidad. Meron din nag aaral ng pharmacology, biology, pero karamihan ay interns na mukhang balak din maging anesthesiologist gaya ni Dr. Williams o kaya gusto lang makasulyap kay doc? Kagaya nitong tatlong babaeng katabi namin, abot tenga ang ngiti ng si Dr. Williams na ang nasa stage.
"I can see that we're full house for today. Thank you so much for coming."
Nag simulang talakayin ni Dr. Williams ang mga inihanda niyang topics para sa'min. Para maging lively ang seminar ay may inihanda rin siyang mga katanungan at activities para sa'min na lalong nakatulong para maintindihan namin ang mga itinuturo niya. Bagama't nasa dugo naming mga taga Saint Agatha ang pagiging competitive kung kaya't hindi kami nag papahuli sa Q&A portion at palagi rin kaming nag vo-volunteer sa mga ganap dito sa seminar. Nang dumating ang lunch break ay napag desisyonan naming tatlo na kumain sa canteen ng UFMC, for experience lang ba kaya naman nag tanong kami kung saan ang canteen dito.
"Sa kabilang building, second floor. Pagkalabas niyo rito, dire-diretso lang tapos kanan. May nakalagay na signage naman sa labas."
"Sige po. Maraming salamat po."Bitbit ang aming mga gamit ay sabay sabay kaming tatlong lumabas at tinahak ang daan patungo sa canteen ng UFMC. Wala pa man kami sa portion ng hospital tour pero bakas na sa aming mukha ang pagkamangha rito sa UFMC. Mukha man itong ospital sa labas pero pag nandito ka na sa loob mismo para kang nasa hotel. No wonder kung ba't parang relax ang mukha ng mga tao rito.
"Pwede kayang mag check-in dito? Ang bongga, ngayon lang ata ako nakakitang ospital na may internet cafe sa loob with all the gaming chairs and gaming P.C pa."
"Hindi lang 'yan, kaninang papunta ako sa auditorium ng ospital may nadaanan pa akong gym. Kung hindi nga ako nagkakamali parang nakita kong pumasok doon si Dr. Clemente."
"Nandito si doc?"Agad kong tanong kay Cholo na nagulat pa sa pagtatanong ko in high pitch voice. Buong akala ko wala si doc ngayon dito dahil weekend. Base kasi noong nag kakasama pa kami ay madalas siyang day off ng weekend. Nag palit na siguro siya ng schedule.
"Oo. Natural sigurong makikita talaga siya rito kung dito siya nagtatrabaho. Bakit? May kailangan ka ba sa kaniya? Gusto mo hanapin natin?"
"Huwag na. Naku, malamang marami siyang ginagawa ngayon. Baka maka abala lang tayo. Isa pa, isang oras lang ang lunch break natin kaya mabuti pang kumain na tayo ng makabalik tayo kaagad."Pareho namang sumang ayon ang dalawa kong kaibigan kung kaya't kahit gusto pa nilang mag sight seeing ay nag double time na kaming makarating sa canteen ng UFMC. Hindi nga kami nagkamali ng daang tinahak dahil nandito na kami ngayon sa canteen na mukhang hindi canteen. Nagkatinginan pa nga kaming tatlo sabay silip sa kaniya-kaniyang mga wallet.
"May 500 ako." Unang pag sisiwalat ko sa laman ng aking wallet.
"500 din akin." Ani naman ni Cholo.
"May 2k ako. Sagot ko na kapag kinulang kayo. Jusko, sana hindi naman mahal ang pagkain dito ng sa ganun hindi tayo maging instant dishwasher ngayong araw."
BINABASA MO ANG
Austin's Condition (COMPLETED)
RomanceInspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student Candice Rae Amorsolo is determined to become a nurse someday. Her student life is peaceful and norma...