CHAPTER 37:

104 5 9
                                    

Kagaya nga ng sabi sa'kin ni doc Austin kahapon ay balik trabaho na siya ngayong araw ngunit dahil marami siyang naiwang gawain kung kaya't isang beses lang siyang nadako rito sa O.R bago siya nag simulang mag rounds. Wala rin naman siyang schedule sa O.R ngayon kaya naman nasa opisina niya lamang siya mag hapon.

"Sinong gustong mag kape?"

Agad kaming nag sitaasan ng kamay bago muling lumabas si sir Cheeto. Ilang minuto ang makalipas ay bumalik siya sa loob na abot tenga ang ngiti habang binibilang ang hawak niyang pera. Nagtaka naman kaming lahat kung saan galing ang pera kaya ng makita niya ang aming mga mukha ay doon niya sinabing galing daw iyon kay doc Escanor, isa sa mga senior cardiothoracic surgeons dito sa UFMC na manlilibre ng kape sa'min dahil halos anim na oras din kaming naging abala sa kaniya at sa kaniyang pasyente. Siya kasi ang una sa schedule namin ngayong araw at nagkataon pang by-pass surgery ang gagawin niya kaya bilang pambawi sa walang kainan at upuang anim na oras ay sagot niya na raw ang pang kape namin. Mukhang sobra nga ang ibinigay niya dahil pwede pang mag pizza at lasagna lalo na't hindi pa kami kumakain ng pananghalian.

"Papadeliver ba tayo?" Tanong ni ma'am Bailey na ready na pumindot sa kaniyang app.
"Ako nalang po ang bibili tutal malapit lang naman. Sayang ng delivery charge."

Presinta ko. May energy pa naman ako kaya okay lang namang ako na ang bumili at para na rin makalanghap ako ng alikabok. Char! 'Di, gusto ko lang talagang mag lakad lakad kaya ako na ang nag volunteer lalo na't napaka obvious na pagod at inaantok silang lahat. Nang pumayag sila sa suggestion ko ay nag simula na silang mag bigay na kani-kanilang order hanggang sa ibinigay nila sa'kin ang pera at nag simula akong mag martsa palabas ng operating room. Bagama't nandito lang din sa area ang opisina ni doc Austin kung kaya't nadaanan ko ito at pasimpleng sumilip sa loob. Medyo bukas kasi ang pinto kaya nakita ko siyang may kausap sa cellphone at pabalik balik na nag lalakad sa loob. Nang lumingon siya sa labas ng opisina ay agad naman akong tumingin sa harapan at binilisan ang paglalakad hanggang narating ko ang elevator. Pagkabukas nito sa floor namin ay nakasalubong ko pa ang bagong admission kung kaya't pinauna ko muna itong makalabas bago ako sumakay at pinindot ang button papuntang ground floor. Mag sasara na sana ang pinto ng makita ko si doc Austin na sasakay din kaya mabilis kong pinigilang mag sara ang pinto hanggang sa nakasakay siya't tumabi sa'kin.

"G-good afternoon, doc."
"Good afternoon too."

Imba. Hindi ako sanay na ganito kami kapormal sa isa't isa samantalang kahapon lamang habang nag uusap kami sa cellphone ay para kaming aso't pusa. Kung sabagay, ito naman ang pakiusap ko sa kaniya kaya mabuti namang sumusunod siya. Sapagkat napakatahimik naming dalawa kung kaya't palihim ko ulit siyang tiningnan habang nakatayo lamang siya sa tabi ko.

"Why are you staring at me?"
"P-po?"

Nilingon niya ako kaya agad akong nag baba ng tingin. Takte, may mata ba siya sa gilid ng ulo para madakip niya akong nakatingin sa kaniya? Bumalik ulit kami sa katahimikan ng pareho kaming kamuntik pang mawalan ng balanse ng biglang tumigil ang elevator. Kung kailan nasa kalagitnaan na kami ay nagkaroon pa ng aberya.

"Shoot."

Agad na pinindot ni doc Austin ang alarm button para ipaalam na may tao rito sa loob. Sinubukan ko rin sanang tumawag kila Matilda para ipaalam ang sitwasyon ko ngunit wala naman signal dito sa loob kung kaya't pareho nalamang kaming mahinahong nag hintay ng tutulong sa'min.

"So, where are you heading to?"
"Bibili lang ng kape at pagkain namin."
"Inutusan ka ba nila Serge?"
"Hindi. Ako mismo ang nag presinta. Katatapos lang kasi nung bypass surgery kaya pagod sila."
"Okay but why not opt for delivery instead? Are you meeting someone?"
"Wala nuh. As if my free time akong makipag meet."
"So you're saying if you have time then you're open for meet ups without my knowledge?"
"Hindi rin. Teka nga, pinag dududahan mo ba ako?"
"Maybe or maybe not."
"Ikaw pa talaga ang may ganang mag duda eh ikaw itong may fansclub at may mga kaibigang with benefits."
"Hah! Friends with benefits, huh? For your information, I'm a changed man now. I have you now, Candice."
"So you're saying ako ang present mong friend with benefits? Ganoon ba?"
"No. You're my sweetheart."
"Sweetheart ka riyan. Ano ba talaga tayo?"
"I don't know. You tell me. What am I to you apart from your former professor and your somewhat 'boss' here in the hospital?"
"H-hindi ko rin alam."

Austin's Condition (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon