CHAPTER 9:

86 4 5
                                    

"Isang cheesecake matcha po. Yung alto lang."
"Anything else ma'am?"
"Wala na po. 'Yun lang. Salamat."

Dala ng init ng panahon kaya imbes na dumiretso ng bahay ay napagpasiyahan kong mag mall muna at mag milktea. Weekend na kaya nag simula na ang pag tuturo ko ng sayaw sa mga kagrupo ko sa intramurals. So far so good naman kahit unang beses palang naming nag practice. Ang nakakatuwa pa roon ay kahit parehong kaliwa ang paa ng iba kong professors at C.I ay bongga sila kung humataw nang Tala na ang sasayawin. Iba talaga ang kapangyarihan ni Ate Sarah G.

"Alto cheesecake matcha for Candice."

Matapos makuha ang order ko ay nag simula na akong mag lakad lakad dito sa mall. Haay.. Iba talaga kapag walang pera, pinagkakasya nalamang ang sarili sa window shopping. Matagal ko na sanang gustong bumili ng sapatos pang duty dahil hindi na rin komportable ang paa ko sa kasalukuyan kong sapatos pero dahil nahihiya ako sa mga magulang ko at kay Ate Candy kaya pinag tiya-tiyagaan ko nalamang kung anong meron ako. Ang mahal kasi ng tuition ko tapos maya't maya pa ay may mga unexpected na bayarin sa school kaya para makatulong din sakanila ay ibayong pagtitipid talaga ang ginagawa ko para sa baon ko nalang ako kukuha ng pambayad. Pero okay lang, matapos ko lang ang pag aaral ko't makapasa ng board exam ay magiging maginhawa rin ang lahat.

Nag patuloy ako sa pag lalakad hanggang sa isang kilalang babae ang natatanaw ko ilang metro mula sa'kin. Tumatawa pa ito habang kausap ang isang lalaki.. Cute na lalaki actually kaya naman palihim ko silang sinundan gaya ng ginawa kong pag sunod noon kila Ma'am Lorenzana at Dr. Clemente.

"Kaya pala naka bestida ka ngayon haah."

Hindi man ako makapaniwala sa nakikita ko pero deep inside ay nagbubunyi ang aking puso. Sa wakas! May nakahuli na rin sa mailap na puso ng isang Candy Royce Amorsolo. Ang buong akala ko talaga magiging matandang dalaga si Ate Candy kasi nga naniniwala siyang isa siyang strong and independent woman at para sakaniya ang pagiging strong and independent woman ay hindi kailangang umasa sa mga kalalakihan. Tama naman si ate pero syempre iba pa rin yung may support system ka bukod sa family tapos yung pakikiligin ka araw-araw then magbibigay sa'yo ng something or words of affirmation just to show his appreciation na dumating ka sa buhay niya. Mga ganern. Hihi! Kinikilig ako takte.

Sa isang restaurant pumasok sila ate.. Pamilyar na restaurant actually dahil doon din kumain sila Ma'am Lorenzana at Dr. Clemente noong sinusundan ko sila. Parang déjà vu tuloy ang nangyayari ngayon sa'kin pero sana naman wala ng sapakan after ng date nila dahil mukhang mabait naman si kuya eh.

"Mabait? Sigurado ka bang si Austin Clemente talaga ang pinag uusapan natin?"

Matapos mag flashback sa utak ko ang sinabi ni Ma'am Princess ay kaagad kong binawi ang impression ko at minabuting huwag munang i-conclude na mabait si Kuya Cute. Hanggang ngayon talaga ay hindi pa rin ako makapaniwalang magagawa 'yon ni Dr. Clemente. Noong nag uusap kami ni Ma'am Princess ay naibahagi niya sa'kin na may isang doktor daw sa UFMC ang nag papakulo ng dugo ni McYummy. Bagama't magaling ang nasabing doktor at malapit ito sa mga bosses kung kaya't hirap si Dr. Clemente makahanap ng rason o butas para mapatalsik ito ng UFMC.

"Wala man akong inilabas na pera para mapagamot ang papa ko pero wala na rin akong mukhang maiharap kay Austin."

Ayon kay Ma'am Princess ay inutusan daw siya ni Dr. Clemente na gumawa ng paraan para mapaalis ang nasabing doktor sa UFMC kapalit ng pag tulong nito dahil kung hindi ay si Ma'am Princess ang aalis ng ospital. Matagal na pinag isipan iyon ni Ma'am Princess hanggang sa dumating na ang oras para isakatuparan ang nabuo niyang planong pang sasabotahe sa doktor. Ang kaso dala ng matinding konsensya ay hindi niya ito itinuloy rason para tanggapin nalamang ni Ma'am Princess ang kondisyon ni Dr. Clemente na mag resign at huwag ng mag pakita kay doc kahit kailan.

Austin's Condition (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon