Isang malutong na halakhak ang sagot sa'kin ni Alyson matapos kong ikuwento sa kaniya ang nangyari sa'kin kanina sa restobar. Buong akala ko pa naman ay makakahingi ako sa kaniya ng payo kung paano ako makakabawi kay Dr. Clemente pero heto't napag sabihan pa tuloy ako ng magaling kong kaibigan na mag diet.
"Grabe ka Candice. Muntik pa akong hindi makahinga ng dahil sa'yo."
"Oh, okay ka na ba? Pwede ka ng makausap ng matino?"
"Matino naman akong kausap kaya. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko. O siya, balik tayo sa usapan. Pagkatapos mong gawing poached egg ang pinakaiingatan ni doc, hindi na siya masyadong nag sasalita hanggang sa ihatid ka niya riyan sainyo? Tama ba?"
"Oo, sinabi ko nga na kahit ako nalang uuwi ng mag isa eh okay lang pero sinenyasan niya lang akong huwag ng mag salita kaya ganun din ang ginawa ko kesa naman madagdagan pa ang atraso ko sa kaniya."
"Sabagay. Sino ba naman gustong mabasagan ng itlog. So anong plano mo?"
"Hindi ko nga alam kaya nga tumawag ako sa'yo diba? Baka naman pwede mo akong matulungan."
"Humingi ka na ba ng sorry?"
"Syempre naman. 'Yun ang una kong ginawa noh pagkatapos kong tumayo. Paulit ulit pa nga eh pero pakiramdam ko parang hindi sapat ang sorry ko."
"Hmm.. Eh di bigyan mo ng kahit na anong pwedeng pang peace offering. Flowers, chocolates, stuffed toy. Mga ganun."
"Alyson naman. Hindi ako nanliligaw kay doc at wala akong balak gawin ang mga 'yan."
"Friend, wala ng babae o lalaki ngayon sa panliligaw. May gusto ka naman kay McYummy eh di bigyan mo na ng kahit ano. Ayaw mo nun? Two in one. May peace offering ka na, nakapanligaw ka pa."
"Ah basta. Hinding hindi ko gagawin 'yan kahit pa mahal ko siya. Never."
"Mahal? Tama ba ang narinig ko? Mahal mo na si Dr. Clemente?"
"H-haah? W-wala akong sinabing ganiyan ah. Ang sinabi ko hinding hindi ko gagawin ang sinabi mo."Kahit hindi ko nakikita ang mukha ni Alyson ngayon malakas ang pakiramdam kong kakaiba ang ngiti niya ngayon. Mahal ko na nga ba si Dr. Clemente? Paano ba masasabi kung mahal mo na ang isang tao? Normal naman ang kiligin. Normal din naman ang mag alala sa hinahangaan mo. Normal din ang palagi mong iisipin siya at gawin siyang inspirasyon sa buhay. Normal din na ayaw mo siyang nakikitang masaktan kaya nga as much as possible gusto kong nakikitang masaya si doc lalo na kung ako ang rason sa likod ng kaniyang mga ngiti
Higit sa lahat, normal din ata na nakangiti ako ngayon habang inaalala ang mga special moments naming dalawa."Hoy Candice Rae Amorsolo!"
"Present!"
"Anong present ang pinag sasasabi mo? Iniisip mo na naman ba si Dr. Clemente?"
"Hindi ah."
"Charotera. O siya, ganito nalang. Tutal ayaw mo namang mag bigay ng regalo kay doc eh di idaan mo nalang ulit sa letter tutal doon ka naman magaling."
"Pwede naman. So gagamitin ko si PMS para pampalubag loob kay Dr. Clemente?"
"Parang ganun na nga pero syempre mag ingat ka pa rin at piliin mo ng mabuti ang mga sasabihin mo para hindi ka mahalata."
"Sige gagawin ko 'yan. Salamat Alyson ah."
"Walang ano man. Sige na, babye muna at hindi pa ako tapos ng skin care routine ko. See you tomorrow."Matapos ang pag uusap namin ni Alyson ay sinimulan ko ng mag sulat ngunit ilang papel na ang dumaan sa dulo ng ballpen ko ay wala ni isa ang pumapasa sa standard ko. Parang may kulang ba kaya naman pansamantala muna akong tumigil at pinagmasdan ang ang sea lion kong stuffed toy na nakatingin din sa'kin.
"Akala mo ba madaling gumawa ng crush letter? Hindi ah."
Mukha man tanga ay pinagpatuloy ko lamang ang pakikipag usap sa sea lion stuffed toy hanggang sa biglang tumunog ang cellphone ko. Dahil medyo lutang ang utak ko ngayon sa kakaisip ng sasabihin kay Dr. Clemente ay hindi ko na nagawang tingnan kung sino ang tumatawag. Malamang si Alyson ulit ito at baka may nakalimutan lang sabihin.
"Akala ko ba tatapusin mo na ang skin care routine mo bruha?"
"I'm sorry? What did you just call me?"Sa isang iglap ay nabuhay ang diwa ko't napatayo pa sa aking kinauupuan ng marinig ang boses ni Dr. Clemente sa kabilang linya. Halos mag hahating gabi na pero ba't siya tumawag? May emergency ba? Oh no, di kaya naospital siya ng dahil sa nagawa ko kanina? Pagbabayarin niya ba ako ng hospital bill niya? Or worst, idedemanda niya ba ako?
BINABASA MO ANG
Austin's Condition (COMPLETED)
RomanceInspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student Candice Rae Amorsolo is determined to become a nurse someday. Her student life is peaceful and norma...