"I don't think this is a good idea Miss Amorsolo."
"Hindi doc. This is a good idea. Tingnan mo nalang ang fans club mong nasa labas ng music room. Feeling ko nga po sa simpleng ahem mo lang titili na ang mga 'yan."Isali niyo na rin ako. Hehe! Natatawang napailing nalamang si Dr. Clemente habang hinihintay naming maikabit ang microphone sa speaker. Dahil nasabi ko na ngang competitive ang mga estudyante rito sa Saint Agatha pag dating sa intramurals kaya syempre kailangan naming marinig ang singing voice ni doc. Para masiguro namin ang panalo sa Tawag ng Tanghalan faculty edition.
Nang maayos na ang microphone ay tinanong ko kung anong kakantahin niya. Tiningnan niya ang kaniyang phone at ng mahanap ang kanta ay ibinigay niya sa'kin ang title nito. Sinabi ko naman ito sa ka-schoolmate kong music major dito sa university at pagkakataon nga naman, miyembro rin pala siya ng McYummy fans club. Nang makahanap ang schoolmate ko ng instrumental ng kakantahin ni doc. Ay nag bigay siya ng cue para mag simula si doc. Huminga ng malalim si Dr. Clemente bago ibinigkas ang unang lyric ng kanta.
( B.M: We Don't Talk Anymore Cover by Jeon Jungkook )
Halos hindi na ata kami kumukurap habang nanunuod kay Dr. Clemente. Hindi ko rin malaman kung paborito niya ba itong kanta o may hugot lang? Pero regardless kung ano mang kwento sa likod ng kinakanta niya ngayon ay saka ko nalamang aalamin dahil nag huhuramentado na ang aming mga puso rito. Takte! Ngayon ko na masasabing ganap na akong miyembro ng McYummy fans club. In denial pa kasi ako rati pero iba na talaga itong nararamdaman ko ngayon.
"Kaloka, kahit magaling din ang pambato naming faculty member sa department namin sa Tawag ay kay doc. Ako boboto. Nakaka in love. Pakiramdam ko ako ang kinakantahan niya."
"Huwag ka namang makasarili, girl. Marami tayo rito oh. Hindi ka nag iisa."Maging ang ibang faculty members ay nakisilip na rin dito sa loob kung kaya't nag mistulang may artistang kumakanta rito sa music room. Nang matapos si Dr. Clemente ay masigabong palakpakan ang ibinigay sakaniya at mukhang nasa mood pa siya sapagkat nag bow naman siya't sabay ngiti sa lahat ng nanunuod sakaniya. Nagpasalamat din ako sa schoolmate kong nag pahiram ng music room bago kami lumabas ni Dr. Clemente. Sa labas ay naka abang na rin sila Alyson at Cholo na agad inayos ang pagkakatayo ng makitang nakasunod sa'kin si doc.
"Nanuod kayo?"
"Oo naman. Ang galing niyo po doc."
"Mukhang ka-abang abang po ang magiging Tawag ng Tanghalan ngayong taon rito sa Saint Agatha ng dahil po sainyo."
"Is that so, Mr. Buendia?"
"Opo pero malakas po ang kutob naming ikaw ang mananalo. Kung hindi man at least ikaw pa rin po ang panalo sa puso ng karamihan."Makahulugang sumulyap sa direksyon ko si Cholo kaya naman agad ko siyang pinandilatan ng mata. Humahagikhik naman si Alyson rason para ibaling ni doc. Ang tingin niya sa'kin. Para hindi ako mahalata ay kaagad nalamang akong nag bato ng tanong sakaniya.
"Paborito po ninyo 'yung kantang iyon?"
"Hmm.. Hindi naman pero let's just say I'm having a last song syndrome. Anyway, pasado na ba ako Miss Amorsolo?"
"Aba'y syempre naman po. Pasadong pasado."
"Cross your heart?"
"Opo. Mabuhay man ng pang habang buhay si Little Mermaid."Bagama't kami lang ni Dr. Clemente ang nakakaalam ng tungkol sa pagiging fan niya ng Little Mermaid kung kaya't hindi nakaligtas sa paningin ko ang pabalik balik na tingin sa'min nila Alyson at Cholo. Nag offer din sana si doc. Na ihatid kami sa ospital kung saan kami naka duty pero tumanggi na kami dala ng hiya. Kalabisan na ang magpahatid pa sakaniya lalo na't sapilitan namin.. I mean ako pala, sapilitan ko siyang pinasali sa intramurals kahit wala naman talaga sa plano niya ang sumali. Mabuti nalang mabait si doc. Hindi at never kong magagawa ito kay Mr. Honesto at baka mapatawag ang mga magulang ko ng di oras.
BINABASA MO ANG
Austin's Condition (COMPLETED)
RomanceInspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student Candice Rae Amorsolo is determined to become a nurse someday. Her student life is peaceful and norma...