CHAPTER 39:

94 5 12
                                    

Nag sisimula na ang party pero hindi ko pa rin mahagilap si Austin. Sinubukan kong tawagan sana siya ngunit naalala kong naiwan nga pala niya sa hotel room ang kaniyang cellphone kung kaya't habang nag sasaya at nag uusap usap ang karamihan ay abala naman ako sa pag hahanap kay McYummy.

"Candice!"

Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Janessa na may kasamang isang babae kung kaya't agad akong lumapit sa kanila at doon ay ipinakilala ako ni Janessa kay Amber Clemente. Siya pala ang asawa ni sir Jonah at ina nila Austin kaya agad akong nag bigay galang sa kaniya.

"G-good evening po Ma'am."

Mag bo-bow pa sana ako ngunit agad niyang hinawakan ang mag kabila kong balikat at pinatayo muli ng maayos. Nagulat pa nga ako ng ibeso beso niya ako kung kaya't para akong nawala sa sarili at pansamantalang nakalimutan si Austin. Gwapong tatay at magandang nanay, no wonder kung bakit mukhang mga artistahin ang mga anak.

"Ako po si Candice. Candice Amorsolo."
"I know. I heard a lot about you from Janessa and finally nakilala na rin kita."

Hindi ako makapaniwalang kilala niya na ako samantalang wala akong ideya sa kaniya. Nahihiyang ngumiti nalamang ako hanggang sa tinanong ako ni Janessa kung nakita ko raw ang kuya niya.

"'Yun nga Janessa, kanina ko pa hinahanap si doc. Kayo rin pala."
"Yes because kuya will be giving his message for daddy in less than 30 minutes. We have tried calling him but he just won't answer his phone."
"Naku, hindi niyo talaga siya matatawagan kasi naiwan niya sa hotel room yung cellphone niya."
"You were in his hotel room?"

Parehong nagkatinginan ang mag nanay habang ako naman ay kating kati ng mag moonwalk palayo sa kanila dahil sa pagiging careless ng bunganga ko. Nevertheless ang pag aalala sa mukha nila kanina ay napalitan ng pagkamangha kung kaya't para makabawi sa pagkapahiya ay ibinalik kong muli ang usapin kay Austin lalo na't ilang minuto nalang ay tatawagin na siya sa unahan.

"Kung ipahanap na kaya natin siya sa security team ng daddy mo?" Tanong ni Ma'am Amber kay Janessa.
"Don't mommy. You know that daddy always overreacts so let me handle it. Besides, Candice is here. We'll help each other finding him. Okay?"
"Okay. Let me know immediately once you found him or if you need further assistance. Haay.. I'm starting to get worry for your kuya and I don't know, I feel like something's off but let's hope everything's okay."

Pagkatapos naming makapagusap usap ay pinabalik na ni Janessa si Ma'am Amber kay sir Jonah lalo na't nakita naming nakatingin ito sa direksyon namin. Gustohin ko mang batiin siya ng happy birthday ngunit kailangan na naming umalis ni Janessa ng sa ganoon ay hindi na mag alala pa ang kaniyang mga magulang.

"Uncle Tokyo!"

Lumingon sa direksyon namin ang kararating lamang na isang may edad ng lalaki na nakasuot din ng suit and tie. Kagaya ni sir Jonah ay hindi rin maitatangging magandang lalaki ito at halatang alaga sa exercise ang katawan. May kasama rin siyang isa pang lalaki na halos ka-edaran ko lang at abala sa hawak nitong cellphone.

"Hey Janessa. You look marvelous but agitated. What's the problem?"

Gaya kanina ay ipinakilala muna ako ni Janessa sa kaniyang Uncle Tokyo Lee na napag alaman kong may ari ng hotel na 'to. Ang kasama naman nitong lalaki ay ang unico hijo nitong nag ngangalang Paris na kinakapatid pala ni Austin. Paris Lee.. Siya na si Paris Lee?! Biruin mo nga naman, crush ko 'to nung bata pa ako eh. Madalas ko kasing makita siya sa mga commericals lalo na sa shampoo na pang bata kasi mahaba ang buhok niya noon. Kaso bigla nalang siyang nawala sa modeling world kaya nawala na rin ang pagka crush ko sa kaniya.

"Nice to meet you po sir Tokyo, Paris."

Nakipag kamay sa'kin ang mag ama hanggang sa sinabi ni Janessa ang problema niya. Kung si sir Tokyo nga at Paris ay nag simula ng mag alala ng sabihin naming hindi namin mahanap si Austin paano pa kaya kapag nalaman ito ni sir Jonah? Biglang nag flashback tuloy sa aking isipan ang paki usap sa'kin noon ni sir Jonah na bantayan ko raw ang anak niya.

Austin's Condition (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon