CHAPTER 42:

101 7 10
                                    

"Say bye bye na to mommy and daddy. "

Masiglang kumaway si Cloud kila ate Candy at kuya Mason bago ito ngumiti sa'kin. Ang cute talaga ng pamangkin ko! Day off ko ngayon at ngayong araw ko rin isasama si Cloud sa mall para makapag bonding naman kaming mag auntie. Halos isang buwan din kasi kaming hindi nagkita ng batang 'to dahil bukod sa malayo ang tirahan nila sa'min ay ngayon lang din ako nakalabas on time galing trabaho. Ang dami kasing nagkakasakit ngayon sa'min kung kaya't madalas nagiging 12 hours ang shift namin.. Ako lang pala dahil ako ang on call ngayong buwan kaya heto, kung fu panda ang eye bags ng inyong lingkod. Pasalamat ko talagang naimbento ang make up lalo na ang concealer, at least napagtatakpan ang madilim kong nakaraan.

"Candice, mag text o tumawag kapag pauwi na kayo ah. Sunduin nalang namin kayo."
"Opo ate Candy. Paulit ulit?"
"Naniniguro lang. Kapag ikaw naging nanay magiging ganito ka rin, sinasabi ko sa'yo."

Kagaya ni Cloud ay kumaway nalang din ako sa mag asawa bago inaya si Cloud na sumakay sa nabook kong kotse sa Grab. Mukhang good mood ang aking pamangkin dahil habang nasa byahe ay kumakanta rin ito kahit hindi ko masyadong maintindihan ang lyrics. Two years old palang kasi siya kaya medyo bulol pa ang pananalita though masasabi kong matalino ang pamangkin ko. Sa kabila ng murang edad niya ay memorize niya na ang characters sa mga pinapanuod niyang cartoons. Nakakapag bilang na siya ng 1-10 at alam niya rin ang primary at secondary colors. Oh diba? Kanino pa nga ba mag mamana ng katalinuhan si Cloud, syempre sa sexy at confidently beautiful with a heart niyang auntie Candice. Hehe!

"MoA."
"Bayad po kuya."

Pagkaabot ng bayad ay una muna akong bumaba para mabuhat ko si Cloud palabas ng kotse. Nang makalabas na kami pareho ay saka ko lamang siya ibinaba at hinawakan ang kamay hanggang sa pareho na kaming nag lakad papasok ng mall. Una naming pinuntahan ang department store bandang kids section para mabilihan ko siya ng damit at sapatos. Mapera kasi ang inyong lingkod dahil sumahod na with 13th month pay kaya malakas ang loob kong bumili ng kahit ano para sa mahal kong pamangkin. Swerte pang may sale ngayon kaya makakamura rin ako kahit papaano.

"Do you like this, Cloud?"

Umiling ang pamangkin ko sa napili kong damit para sa kaniya kaya naman nag lakad ulit kami para mag hanap ng magugustuhan niya. Kaso ilang damit na ang ipinakita ko sa kaniya ay ayaw niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapakamot sa ulo habang iginagala ko ang paningin ko sa sangkatutak na damit na pang bata hanggang sa may nakakuha ng atensyon ko. Muli ay nag lakad kami ni Cloud hanggang sa narating namin ang isang mannequin na ka-height niya at nakasuot ng pang prinsipe. Tamang tama, may sapatos din itong suot at mukhang kakasiya ito sa pamangkin ko kaya naman kaagad kong tinawag ang pansin ng sales lady dito sa kids section.

"Excuse me miss, bibilhin ko po 'yan. Gusto mo 'to, Cloud?"
"Yes, Tie Dice." Tuwang tuwa na sagot ni Cloud kahit hindi niya masabi ng maayos ang Auntie Candice.
"Sorry ma'am. Hindi po 'yan for sale eh. Display lang po namin 'yan."
"Haah? Seryoso po?"
"Opo, sorry ma'am."
"Saan nalang po ako makakabili nito para doon nalang mismo ako bumili?"
"Hindi ko rin po alam. Pasensya na ma'am."
"G-ganoon ba?"

Pambihira naman. Kung kailan may nagustuhan na ang pamangkin ko saka naman hindi pwede. Nag pasalamat nalamang ako sa sales lady at inaya na si Cloud na umalis pero ayaw niyang iwan ang mannequin. Nang binuhat ko naman siya ay nag simula na siyang umiyak kaya maging ako ay nag simula na rin mataranta sapagkat hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"I didn't expect you're already a mom."

Agad akong lumingon sa nag salita at natagpuan ang lalaking nag bibigay ng stress sa akin sa ospital. Lord, pati ba naman dito? Simula kasi ng mabisto ko ang motibo sa'kin ng inyong McYummy ay lalo lamang siyang naging interesado kaya parang nagkakaroon tuloy kami ng 'history repeating itself'. Kung iniisip niyong nagpapakipot ako, hindi naman. May nararamdaman pa rin ako para sa kaniya pero hindi naman masama na itama ang lahat sa'ming dalawa kung magkakaroon kami ng panibagong simula, diba?

Austin's Condition (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon