5 Years Later..
Gornergrat, Switzerland
The Doctor is IN. Napakagat ako ng labi ng tuluyan na akong naangkin ni Austin kung kaya't mahigpit akong napakapit sa kaniyang matipunong braso para kumuha ng suporta. Nang tingnan ko si Austin ay may bahid ng pag aalala sa kaniyang maamong mukha kaya naman agad akong ngumiti sa kaniya para ipakitang maayos at kering keri ko pa.
"Do you want me to stop, sweetheart?"
"No. Lavarn lang pero dahan dahanin mo lang ang pag papapasok ng cells of life mo ah."Bahagyang natawa si Austin sa sinabi ko bago siya tumango at nag simulang gumalaw sa aking ibabaw. Ang init. Sa kabila ng winter season dito sa Switzerland ay wala itong epekto sa ipinaparamdam sa'kin ng mahal kong asawa. Opo mga kaibigan, kasal na po kami ni McYummy therefore you can call me Mrs. McYummy. Charot! Ako pa rin po ito, ang inyong small but terrible na si nurse Candice. Mahigit isang taon na po kaming kasal ni Austin ngunit ngayon lamang kami nagkaroon ng pagkakataong makapag solo at makapag honeymoon dahil naging abala kami sa mga nakaraang buwan. Si Austin sa kaniyang specialty board exam na as expected, naipasa niya kaya ganap na siyang surgeon ngayon samantalang ako ay sa mga trainings para sa promotion ko as charge nurse.
Nang bumalik siya mula sa Mindanao five years ago ay inaya niya na sana akong mag pakasal. Syempre gulantang ang beauty ng inyong nurse Candice dahil out of nowhere nag offer siya ng kasal. Idagdag pang hindi niya naman ako kilala pa ng lubusan dulot ng amnesia niya kung kaya't natameme ako hanggang sa ipinagtapat niyang alam niya na ang lahat with all the help of his journal.
Noong nasa kampo siya ng estrangherong nagpakilalang si Warren ay palaging binabasa ni Austin ang kaniyang journal until one time nag tanong si Warren kung ano raw ang tinitingnan ni Austin. Doon ay naikwento niya ang buhay pag ibig niya habang pareho silang nag babantay sa mag ina ni Warren na sa mga panahong iyon ay nag papagaling at nag papalakas mula sa isang breech delivery. Kaya pala naging desperado si Warren noon na humingi ng tulong dahil bukod sa hindi normal ang posisyon ng kanilang baby ay marami na ring nawalang dugo sa kaniyang misis. Mabuti nalang at nagawan ng paraan ni Austin ang sitwasyon sa tulong na rin nila Warren at ng mga kasamahan nito kung kaya't parehong nailigtas at bumuti ang kalagayan ng mag ina ni Warren.
"Last night, Warren and I had a 'heart to heart' conversation. He learned about you, about us. When he heard about our history, he told me that I can already leave the camp. However, his wife and kid are still recuperating. Given their current status and situation, of course I want to make sure that his family is already stable hence I declined. Little did I know, Warren's wife was awake so she heard everything."
Nang gabing iyon ay pinilit na siya ng mag asawang bumalik sa Metro Manila dahil bukod sa bumubuti na rin naman ang kalagayan ng asawa't anak ni Warren ay hindi rin daw nito gustong sirain ang araw ng Pasko para kay Austin. Labis na raw ang naitulong ni Austin para sa kanila kung kaya't oras na para bumalik si Austin ng sa ganoon ay matuldukan na ang paghihintay ng kaniyang pamilya at ng kaniyang ka-mutual understanding. Nagkatawanan pa nga kami ng malaman kong ganoon ang pagpapakilala niya sa'kin kung kaya't nang araw na umalis siya ng kampo ay pinakabilin sa kaniya ng mga tao roon ang pakasalan na ako kung kaya't ganoon din ang ginawa niya.
Pero syempre, sinabi ko sa kaniyang hindi naman niya kailangang mag madali lalo na't masyado siyang kailangan ng kaniyang sinumpaan bilang isang doktor. Binigay ko pa rin ang hinihintay niyang manamis-namis at sariwa pang 'oo' pero bilang sagot sa kaniyang panliligaw ng sa ganoon ay magkaroon na kami ng label ( Finally! ). Nang una ay medyo nagkakahiyaan pa kami dahil hindi pa kami sanay bilang mag boyfriend-girlfriend which was weird dahil sa dami na naming pinag daanan ay talagang nagkakahiyaan pa kami. Okay lang naman kasi one step at a time ika nga ang kaso kalaunan ay sinimulan niya na naman akong pag pantasyahan. Minsan napapa buntong hininga nalamang ako sa kapilyuhan niya pero overall sa panahong mag jowa kami ay masasabi kong hindi niya ako binigyan ng sakit ng ulo. Manyak man si McYummy pero ipinadama niya naman sa'king wala akong dapat ikaselos at ikainsecure dahil ako lang ang one and only na nag mamay ari ng four chambers of his heart.
BINABASA MO ANG
Austin's Condition (COMPLETED)
RomanceInspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student Candice Rae Amorsolo is determined to become a nurse someday. Her student life is peaceful and norma...