Kalma Candice. Halos nagiging mantra ko na ito simula pa kanina bago pumasok ng UFMC dahil ngayong araw ang first day ko at ng mga kagrupo ko rito sa operating room kung saan ang first assigned area namin. Pagkatapos ng lectures at return demos ay simula na ng actual na trabaho kung saan hinati ang buong klase sa mga grupo. Ang iba ay nasa emergency room assigned, ang iba naman ay sa recovery room, meron din sa mga wards, nursery, etc.
"Kinakabahan ka rin?"
Matapos kong maisara ang locker ko ay hinarap ko si Matilda na katatapos lang mag tali ng buhok. Mabuti nalang at naging mag kagrupo kami ni Matilda dahil hindi naman ako pinapansin ni Badette at ng dalawa pa niyang kaibigan na kagrupo rin namin.
"Oo eh. Hehe!"
"Buti pa si Badette, parang ready ng sumabak ng giyera. Kung sabagay, pang 10th ba naman sa board exam kaya talagang confidence is the key."Thirty minutes bago mag ala sais ng umaga ay sabay sabay na kaming pumasok ng operating room kung saan sinalubong kami ng charge nurse na si sir Serge. Bahagya pa siyang natawa ng sabay sabay kaming bumati sa kaniya ng magandang umaga kung kaya't ipinakilala niya kami sa buong team na mga estudyante niya.
"Kayo naman ang mag pakilala. Sabihin niyo rin kung single pa ba kayo at itong si Cheeto ay nag hahanap ng jowa. Haha!"
"Sir naman. Cool off lang naman kami ni Wynona. Huwag kayong maniwala riyan kay sir Serge."Depensa naman ni sir Cheeto na abala sa pag susulat ng schedule sa white board kung kaya't nalaman ko na ang schedule for operations para ngayong week at kung sino sinong mga doktor ang nakatoka sa mga nasabing operations. Kaso nga lang paano at saan nila nalaman ang Dr. McYummy na pangalan? Speaking of McYummy, kapapasok niya lang dito sa operating room kung kaya't lahat ay pansamantalang tumigil para batiin siya.
"Good morning doc."
"Good morning to you too, team. So, today's the day for our new team members huh?"Isa isa niya kaming tiningnan hanggang sa nag tagal ang kaniyang mata sa aking direksyon. Pinandilatan ko naman siya kaya agad niyang iniwas ang kaniyang paningin at muling itinuon sa buong O.R team ang kaniyang atensyon. Nang araw na umamin at nag paalam siya sa mga magulang ko na 'manliligaw' daw siya ay agad ko siyang hinila palayo kila tatay at nanay para kausapin.
"Ano na naman bang trip mo? Haah? Austin?"
"What do you mean? I'm serious of what I've said. Courtship is a tradition here in the Philippines, right?"
"Pwede ba, huwag mo ng idamay ang mga magulang o ang pamilya ko sa kalokohan mo. Hindi pa ba ako sapat?"
"Of course you're enough. More than enough that's why it's only right to ask permission from your family if I can court you. Don't you believe that I'm in love with you?"
"Hindi. Hinding hindi kaya itigil mo na ang mga pinag sasabi mo kung ayaw mong.."
"What, Candice? What are you going to do? Are you concern of our age gap? Are you concern because I was your teacher? Are you concern that I might affect your career as a nurse? Tell me what bothers you so I can do something about it. I'll do anything just to earn that sweet heart of yours. I love you Candice. Seriously, I love you."Ilang pangungumbinsi pa ang ginawa ko sa kaniya ng araw na nasa bahay namin siya pero lahat ng iyon ay may kaakibat siyang sagot kung kaya't isa lamang ang napagkasunduan namin, ang huwag siyang maging bias. Itrato niya ako bilang nurse at bilang isang karaniwang empleyado rito sa UFMC dahil kagaya nga ng sinabi ko sa kaniya noon, ayaw ko ng issue at ng gulo.
"What's with the Dr. McYummy thing on the white board, Cheeto?"
"'Yan ba doc? Diba ikaw 'yan?"
"Can you please change it and you all stop calling me McYummy as if I'm part of a McDonald's menu."
"Relax doc. Kahit pa baguhin ko ang pangalan mo sa white board alam na at kalat na rito sa buong ospital na ikaw si Dr. McYummy. Diba, guys?"
"Korek!"
BINABASA MO ANG
Austin's Condition (COMPLETED)
RomanceInspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student Candice Rae Amorsolo is determined to become a nurse someday. Her student life is peaceful and norma...