Hingal at nanlalagkit na narating ko ang classroom kung saan ang first subject ko. Less than 10 minutes bago mag 9:00 AM ng makapasok ako rito sa school kung kaya't para akong nakipag karera sa kabayo ng tinakbo ko mula entrance papunta rito sa aming building. Ang layo pa man din ng distansiya ng dalawa kaya heto, pinag tawanan pa ako ng dalawa kong kaibigan ng makita ang gusgusin kong itsura.
"Yare sa'yo friend? Wala naman akong nabalitaang fun run ah."
Tanong ni Alyson na abala sa pag kain ng pan de sal niya. Dala ng pagod, walang paalam na kumuha rin ako ng pan de sal sa brown paper bag niya at sinimulang kainin ito. Nakakagutom ang umagang ito kahit mabigat naman sa tiyan ang kinain kong almusal kanina bago umalis ng bahay.
"Hala siya, nursing student ka ba talaga? Ni hindi ka pa nga nag a-alcohol o sanitizer kumakain ka na riyan."
"Ay naku Cholo, hindi lang 'yan. Ang sabihin mo mukhang hindi nga siya naligo."
"Hoy! Naligo ako for your information. Ang dami lang ganap kanina bago ako nakarating dito. Tumira pa kayo sa kili-kili ko eh."Parehong nalukot ang mga mukha nila Alyson at Cholo sa sinabi ko bago ko sinimulang ikuwento ang mga nangyari sa'kin kanina mula kay kuya pogi hanggang sa naging instant assistant ako sa pagpapa anak, at ang pinaka huli ay ng sabihin kong teacher pala namin siya.
"Gwapo ba talaga?"
"Oo. Sinasabi ko sa'yo, pag nakita mo si Sir, hindi lang panty laglag, buong reproductive system mo dala."
"Kayo talaga, basta gwapo kung ano anong kahalayan ang pinag iisip ninyo. Kung teacher pala natin siya, asan na siya? Alas nuwebe pasado na o."Natigil kaming lahat sa aming mga ginagawa ng isang boses ang bumalot sa buong classroom. Sabay sabay kaming lumingon sa pinanggalingan nito at kagaya ko rin, halos lahat ng mga kaklase ko ay mukhang namatanda ng masilayan ang nag pakilala sa'kin kaninang si Dr. Clemente. Nakapag palit na siya ng damit ngayon sapagkat kanina nakasuot siya ng beige silk long sleeves pero ngayon ay black polo na ito na tinernohan ng jeans at top sider. Nang tuluyang makapasok ay sinuklay niya muna ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang mahahabang daliri bago sinimulang itupi ang sleeves ng kaniyang polo hanggang siko.
"Sorry if I'm late class."
Panimula niya na may kasama pang pag ngiti sa'min. Iginala niya rin ang kaniyang paningin sa loob at parang tumigil ang mundo ko ng mag tagpo ang aming mga mata. Hindi lang 'yon, lumawak din ang kaniyang pag kaka ngiti ng makita ako sa ikatlong row mula sa kinatatayuan niya malapit sa teacher's table. O baka imagination ko lang ang lahat ng ito? Char!
"Good morning everyone. I'm Austin Clemente. But you can call me Doc. Austin or Dr. Clemente. Your choice. I'll be handling your Anatomy and Physiology class for this semester. If not mistaken, supposed to be Mr. Honesto should be the one in-charge of this class. Unfortunately, he got involve in a car accident and might take at least 4-6 months of recovery that's why I'll be taking over."
OMG! Kahit hindi kagandahan ang ugali ni Mr. Honesto sana ay okay lang siya. Pero itong si Alyson mukhang wala lang sakaniya ang balita na dala ni Dr. Clemente, bukod sa pinagpapantasyahan niya si doc, war din sila ni Mr. Honesto. Panong di sila magkakaroon ng war eh hanggang ngayon hindi pa rin maka move on si Mr. Honesto sa pambabasted sakaniya noon ng mommy ni Alyson kaya tuloy ngayon, bumabawi siya kay Alyson. Mabuti nalang at sa lahat ng tanong ni Mr. Honesto na binabato niya kay Alyson during recitation or oral defense ay nasasagot ito ng tama ng kaibigan ko kung kaya't lalong napipikon si Mr. Honesto. Ngunit mukhang hindi lang si Alyson ang walang interes sa hatid na balita ni Dr. Clemente, maging ang buong kababaihan dito sa klase ay tutok na tutok lamang sa pogi at maamong mukha ng aming teacher.
"Tama ka nga friend. Bukod tanging pinag pala tayo ngayong semester."
"Diba, sinabi ko na sa'yo. O, isara mo na 'yang bibig mo. Mapasukan pa 'yan ng langaw."
BINABASA MO ANG
Austin's Condition (COMPLETED)
RomanceInspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student Candice Rae Amorsolo is determined to become a nurse someday. Her student life is peaceful and norma...