Matapos ang medical mission sa'ming baranggay ay panibagong pag subok na naman ang kailangan kong harapin. Nag simula na ulit kasi ang clinical training or duty namin sa ospital kung kaya't pagkatapos ng klase namin sa umaga ay diretso kaagad kami sa ospital kasama ang clinical instructor namin. Si Dr. Clemente naman ay wala ngayong week dahil may biglaan daw na commitment itong kailangan pagtuonan ng pansin kaya ginamit nalamang namin ang oras ng klase niya para gumawa ng assignments at reports sa ibang subjects namin. Hectic man ang aming schedule pero para sa bayan ay kakayanin.
"Ano 'yang ginagawa mo?"
"Wala."Itinago ko kaagad ang kulay pink na papel sa aking notebook pero mabilis ang kamay ni Alyson kung kaya't naagaw niya sa'kin ang notebook at kinuha ang papel. Pinipilit ko sanang agawin ulit sakaniya pero hindi ko maagaw agaw dala na rin siguro na mas matangkad siya sa'kin.
"Ano 'to? Love letter kay McYummy?"
"Sssh! Quite ka lang."Buti nalang at wala si Cholo ngayon dito dahil kung hindi malamang napag sabihan na naman ako nun.
"Okay. Ba't may pa love letter kang nalalaman? High school ka ghorl?"
"Tse! Eh sa 'yan lang ang paraan na alam ko para maparating kay McYummy ang pag hanga ko ng hindi nakikilala."
"Hindi na 'yan pag hanga Candice. In love ka na eh."
"Uy hindi ah. Crush ko lang. Iba ang pag mamahal sa crush."
"Sus, paano mo naman nasabi? Eh no boyfriend since birth ka."
"Basta, alam ko sa sarili kong hindi 'to pag mamahal. Crush lang. 'Yon na 'yon. Maniwala ka man o hindi."Tahimik na binasa ni Alyson ang love letter.. O crush letter pala ( kasi kasasabi ko nga lang na hindi 'to pag mamahal diba? ) hanggang sa unti-unting napapangiti na siya.
"In fairness Candice ah, bet ko yung pa P.S mo. Blood is red, Cyanosis is blue, I get tachycardia when I think of you. Naks! Hahaha!"
"Korni ba?"
"Hindi. Well, para sa'kin hindi. Ang cute nga eh pero ba't wala ka pang pangalan sa baba nitong Sincerely Admiring You? "
"Eh kasi inagaw mo yung notebook ko. Patapos na sana ako ng pag susulat."
"Ay ganun? Sorry naman. O sige ilagay mo na bago tayo pumunta ng ospital."Ibinalik sa'kin ni Alyson ang notebook at pink kong papel kaya naman nailagay ko na ang code name ko na kokompleto sa crush letter ko para kay Dr. Clemente. Decided na talaga ako na ibigay ito ng palihim para naman mamulat siya na hindi lang si Ma'am Lorenzana ang babae sa mundong ito. Hindi naman sa hinahadlangan ko ang pag mamahal niya kay Ma'am pero kitang kita naman kasing one sided love ang namamagitan sakanilang dalawa. Parang ako, one sided crush lang sakaniya. Mamaya niyan sa sobrang kamartyran ni doc sa pag ibig siya na ang sunod sa Gomburza na ilagay sa garotte.
"P.M.S? Code name mo P.M.S? Ano ka? Premenstrual syndrome?"
"Hindi. P.M.S, Palaging Magpapasaya Sa'yo."
"Ay, 'yan. 'Yan ang korni. Palitan mo nga. Nakakahiya."
"Eh hindi na pwede. Nakasulat na eh at hindi na ako uulit dahil parating na si Cholo. Ikaw lang nakaka alam nito haah."
"Hindi natin sasabihin kay Cholo?"
"Huwag na. Sa'tin lang 'tong dalawa. Pangako mo 'yan Alyson ah?"
"Oo na. Promise. Cross my heart, magkatuluyan man kayo ni McYummy. Yiiee!"
"Tse!"
"Tse ka rin, kinikilig ka naman bruha."Nang maiabot sa'min ni Cholo ang pina photocopy namin ay sabay sabay na kaming nag tungo sa ospital kung saan kami nakaduty. As usual vital signs dito, vital signs doon, hatid ng gamot sa pasyente, kung mabait ang doktor minsan sinasama kami sa rounds, at kung ano-ano pa. Nasa kalagitnaan ako ng pakikipag usap sa isa sa mga nurse on duty ng may lumapit sa nurse's station.
"Charts for Ramirez, Santos, and Tolentino please."
"Yes doc."Kaagad na kinuha ng kausap kong nurse ang charts para sa mga pasyente namin kaya naman sa hindi sinasadya ay nagkatinginan kami ng doktor na nasa harapan ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Austin's Condition (COMPLETED)
RomanceInspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student Candice Rae Amorsolo is determined to become a nurse someday. Her student life is peaceful and norma...