Pabalik na akong O.R ng may kabuteng sumulpot sa tabi ko. Kinuha niya rin ang dalawang malalaking paper bag na nag lalaman ng supplies namin sa O.R kung kaya't hindi na ako umangal pa dahil medyo may kabigatan ang dala ko.
"What are your.."
"Austin, diba ang kondisyon ko sa lingwaheng Filipino tayo mag uusap?"
"Oo nga pala. Pasensya na."Tumango tango si Austin sa sinabi ko kaya hindi na siya nag salita pa hanggang sa nakarating kami ng O.R. Nataranta pa nga ang mga kasamahan ko ng pumasok siya pero hind naman niya iyon napansin dahil parang malalim ang kaniyang iniisip. Napressure siguro. Wehehe! Nang pumasok ako ng storage room ay sumunod din siya dala ang mga stocks namin saka inilapag ito sa mesa kaya nag pasalamat ako sa kaniya.
"May problema ka ba?"
"Wala. May iniisip lang."
"Ano 'yun?"
"Sinusubukan kong alalahanin kung nakapag simbang gabi na ako before.. I mean.. Ang ibig kong sabihin noon. Kaso wala talaga akong maalala."
"Ganoon ba? Kung gusto mo pwede ka naman sumama sa'kin."Takte! Ako ba talaga ang nag invite? Pangalawang beses ko na itong inaya siya at kung pag babasehan ang takbo ng utak ng McYummy ninyo ay iba ang ibig sabihin nito sa kaniya. Huli na para bawiin ko pa ang sinabi ko kung kaya't dinugtungan ko nalamang ang aking 'invitation' ng sa ganoon ay huwag siyang mag lagay ng malisya sa sinabi ko.
"Ano.. Ang ibig ko ring sabihin.. Kung wala kang maalala talaga eh di dumalo ka nalang tapos pagkatapos ng misa pwede rin tayong kumain ng bibingka at puto bumbong kung gusto mo rin."
Halaaa! Kung baseball lang 'to ay naka third strike ako sa kaniya. Maganda sanang paluin ang bibig ko kung wala lang si Austin, masyadong pahamak eh. Nagmamagandang loob lang naman sana ako. Nag mamagandang loob nga lang ba? Para hindi niya mahalata ang nararamdaman kong hiya ay nag simula na akong mag ayos sa storage room habang hinihintay ang sagot niya. Ba 'yan, simpleng oo o hindi lang naman ang sagot ang tagal niyang mag isip. Atat lang, Candice?
"Maganda rin makumpleto mo ang simbang gabi. Sabi nila kapag nakompleto mo raw ito, sa huling araw ng simbang gabi ay pwede kang humiling."
"Talaga?"
"Oo raw pero hindi pa ako sumusubok. Baka ngayong taon gawin ko."
"Anong kahilingan mo?"
"Syempre hindi ko sasabihin. Ako at ang Diyos lang ang makakaalam. Diyos ka ba?"Bahagya siyang napangisi at umiling bago niya sinabi sa'king sasama raw siya at kukumpletuhin rin ang simbang gabi bago nag paalam na lalabas na't pupuntang nurse's station para may i-check sa mga pasyente niya. Bago man siya tuluyang lumabas ay nag pasalamat siya sa'kin na siyang ipinagtaka ko.
"Dahil nandiyan ka. Para sa'kin ikaw ang aking himala."
Himala? Ano ako si Nora Aunor? Hindi rin naman ako santa para mag bigay ng himala. Ah ewan. Nang matapos ang aking gawain ay nag paalam muna ako kay ma'am Romee na lalabas para mag kape ngunit hindi pa man nagsasalita si ma'am ay nakatanggap kami ng tawag mula sa E.R. Si ma'am Romee na ang sumagot ng tawag kung kaya't lahat kami'y naka abang lamang sa sasabihin niya hanggang sa naging seryoso ang tono ng kaniyang pananalita.
"Noted. Bye. Everyone be ready. We have an incoming trauma case. Multiple stabs in the chest."
Mukhang makapag hihintay naman ang kape kaya nag simula na kaming gumalaw na para ba kaming naka time lapse. Bagama't iba iba ang roles namin dito sa loob kung kaya't nag simula na rin akong gampanan ang aking trabaho. Kabilang sa mga kailangan kong gawin ang pag secure ng kakailanganing gamot, makipag coordinate sa surgical technician, icheck ang soft supplies at instruments na kakailanganin sa surgery, icheck ang operating theatre, imake sure na okay na ang buong team which is kabilang na ang mga doctors. Good thing na after ng tawag mula E.R ay nag simula na rin silang pumasok dito at kasama na roon si Austin na siyang magiging surgical first assistant. And lastly, nang okay na ang lahat ay oras na para harapin ko ang pasyente para kumuha ng detalye at consent hanggang sa tuluyan na siyang idineretso sa operating theatre kung saan naghihintay ang buong surgical team.
BINABASA MO ANG
Austin's Condition (COMPLETED)
RomanceInspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student Candice Rae Amorsolo is determined to become a nurse someday. Her student life is peaceful and norma...