Third Person's P.O.V:
Labag man sa loob ay inangat ni Austin ang kaniyang kamay para batiin ang bagong promote na si Dr. Williams. Effective ngayong araw ay si Dr. Williams na ang head ng anesthesiology department ng UFMC rason para lalong bumigat ang loob ng binata sa lalaking bumighani sa kaniyang Ate Nadia.
"Congratulations Dr. Williams."
"Thank you very much Austin."
"First name basis huh? Please do not forget that I'm a doctor as well so you might wanna change how you address me."
"Right. I'm sorry Dr. Clemente."Nahihiyang paumanhin ni Dr. Williams bago nakipag kamay sa iba pang bumati sa kaniyang promotion. Bagama't mas bata si Austin at anak ng isa sa may ari ng ospital na pinag tatrabahuhan niya kung kaya't mas pinili nalamang ni Dr. Williams na huwag itong patulan bagkus habaan pa ang pasensya lalo na't hindi lingid sa kaalaman niya ang nararamdaman nito sa kaniyang nobyang si Nadia. Kahit alam niyang wala siyang kasalanan ay hindi pa rin niya maiwasang magkaroon ng guilt feeling at awa kay Austin dahil alam niya rin ang pakiramdam ng mabasted.
"Dr. Clemente?"
"Yes?"
"No hard feelings?"Isang ngisi ang kumawala sa mga labi ni Austin sa tanong ni Dr. Williams bago siya umiling at nag paalam na lalabas na ng conference room. Nang makalabas ay huminga muna ng malalim si Austin para pakalmahin ang kanina pang nag pupuyos niyang damdamin.
"No hard feelings his ass. Tsk!"
Para tuluyang pakalmahin ang sarili ay nag simulang mag lakad si Austin papunta sa kabilang building ng UFMC kung saan ang nursery area ng ospital. Ang masilayan ang mga cute at bagong silang na mga sanggol ang nagbibigay sakaniya ng peace of mind kung kaya't mas pinili niyang daanan ito bago bumalik sa hospital area kung saan siya naka assign. Bagama't kilala siya sa buong ospital kung kaya't kaliwa't kanan ang pagbati ng mga hospital staff sakaniya rason para lalong bilisan niya ang paglalakad dahil wala siya sa mood para bumati sa kaniyang mga nakakasalubong.
"Why so serious doc?"
Tanong ni Sugar habang natatawang nakikipag sabayan sa bilis ng paglalakad ni Austin. Walang buhay niya namang sinulyapan ang kaniyang "kaibigan" mula sa records department ng ospital habang patuloy sa pag lalakad.
"I'm not in the mood Sugar so leave me alone."
"Nuh uh unless you tell me why you're so grumpy in this beautiful day."
"I don't see any beauty in this day so don't add to my frustration, will you? Again, leave me alone or else.."
"Or else what baby?"Pang aasar ni Sugar kaya naman natigil sa pag lalakad si Austin at hinarap ang babae rason para humagod ang tingin nito mula sa maamong mukha ni Austin pababa sa dibdib, tiyan, at pang huli sa pagitan ng mga hita ng binata. Muli ay napa buntong hininga si Austin at umiling bago nag salita.
"You really won't leave me alone huh? I'm telling you, you won't like me when I'm frustrated."
"I don't mind. Frustrated or not you're still the same, Austin baby."
"Hmm.. Okay then. Meet me in my quarters after 15 minutes."
"Absolutely. Anything you want me to bring in your room?"
"Yeah, your stuff 'cause after I fuck you you're out of this hospital. Am I clear, Sugar?"--------------------------------------------------------------
Candice's P.O.V:
Nag sisimula ng magpakita ang mga bituin sa langit ng marating namin nila Alyson at Cholo ang Saint Agatha. Straight from duty ay agad kaming nag punta rito dahil nag request ang mga kagrupo ko sa dance competition na magkaroon ng final rehearsal para raw masigurong plantsado na ang lahat.
"Okay lang naman kaming manuod diba?" Ani ni Cholo habang nag pupunas ng kaniyang pawis sa noo.
"Oo naman. Salamat ah, sinamahan niyo ako rito kahit pagod na kayo."
"Ano ka ba Candice, pare-pareho lang naman tayong pagod. At saka, hindi ka naman mapupunta sa ganitong sitwasyon kung hindi ka namin inalay ni Cholo sa kataas-taasan kaya maliit na bagay lang 'to."
"Oo nga pala, ginawa niyo akong sacrificial lamb. Tunay talaga kayong mga kaibigan."
BINABASA MO ANG
Austin's Condition (COMPLETED)
RomanceInspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student Candice Rae Amorsolo is determined to become a nurse someday. Her student life is peaceful and norma...