Dalawang araw na ang nakalipas simula ng tumawag ako sa emergency room para ireport ang nangyari kay doc Austin. Bago pa man siya mawalan ng malay ay mabilis ng nakarating ang mga nasa emergency room kabilang na roon si doc Kian na agad tinanong sa'kin kung ano raw ang nangyari. Syempre sinabi ko kung anong naabutan ko bago niya tiningnan si doc Austin. Dahil naguguluhan ako sa nangyayari kung kaya't tahimik akong bumalik ng O.R na siyang ipinagtaka ng mga kasamahan ko. Nang tanungin nila ako kung ba't ang bilis ko raw bumalik ay medyo hindi pa nga ako nakasagot ng maayos dahil na kay doc ang isipan ko. Madalas man kaming hindi mag kasundo pero hindi ko maiwasang mag alala para sa kaniya hanggang sa lumipas ang ilang minuto ay nakatanggap kami ng tawag mula sa E.R na hindi muna makakapag trabaho si doc. Doon ko lamang sinabi sa kanila ang nasaksihan ko sa loob ng opisina kaya maging ang mga staff sa O.R ay nag simula na ring mag alala. Nang araw ding iyon ay agad na tumawag sila sir Serge ng mag ba-back up sa naiwang trabaho ni doc Austin kaya nagkaroon ng konting pag babago sa mga nakasulat sa white board.
"Wala pa rin balita kung kailan ang balik ni Austin?"
Kapapasok lamang ni doc Sandy sa aming quarters pagkatapos ang isang minor operation ng maabutan niya kaming morning shift na nag hahanda na para umuwi. Si sir Serge na ang sumagot sa tanong niya kung kaya't isang tango lamang ang isinagot niya.
"Let me know kapag pumasok na siya ah."
"Yes, doc."
"Alright, ingat kayo sa pag uwi. Sana all nakaka uwi."Matipid na ngiti lamang ang ibinigay niya sa'min saka humikab at nag lakad palabas ng aming quarters. Sa dalawang araw kasing wala si doc Austin ay dalawang araw ding hindi pa nakakauwi si doc Sandy. Bukod sa mismong trabaho niya ay siya rin ang pansamantalang sumalo sa mga naiwang trabaho ni doc Austin dito sa operating room kung kaya't dinadaan nalamang ni doc Sandy sa biro ang kaniyang 'staycation' kung kaniyang tawagin.
"Bye everyone. See you tomorrow."
Nag paalam na kami sa mga katrabaho namin sa midshift at sabay sabay na kinuha ang aming mga gamit sa locker room bago bumaba para mag time out. Nagkayayaan pa ngang kumain sa fast food pero agad na akong tumanggi dahil gusto ko ng matulog. Ilang gabi na rin kasi akong hindi makatulog kakaisip kay doc Austin at ngayon lang ako tinablan ng antok. Mabuti na nga lang at malapit ng mag uwian ng nakaramdam ako ng antok kaya hindi ito naka apekto sa buong araw kong pagtatrabaho.
"Sigurado kang hindi ka sasama?"
"Pass muna talaga mga sir at ma'am. Baka bumagsak ang mukha ko sa pagkain kapag hindi ko pa ito itutulog."Isang kaway ang pabaon ko sa kanila bago kami nag hiwalay ng landas at naiwan akong mag isa sa entrance ng UFMC. Akmang mag lalakad na rin sana ako papunta sa bus stop ng may tumawag sa pangalan ko kaya nagulat ako ng makalapit sa'kin ang babae at bineso beso ako.
"Thank god I made it on time. I thought you already went home. Let's go shopping, Candice."
"Hala. Agad agad? Bakit pala ako kasama sa pag sho-shopping mo, Janessa?"
"You see, daddy will be celebrating his birthday this coming weekend and I would like to invite you. I mean, Kuya and I would like to invite you that's why we'll go shopping for our attire. Don't worry about the bill. Kuya lend me his credit card, so shall we go now?"
"Naku, nakakahiya naman. Salamat sa invitation pero pakisabi nalang kay sir Jonah na happy birthday."
"Aww. Please Candice. This is the first time I'll be using Kuya's credit card. I've always wanted to have a black card but mommy won't allow me. I'm quite an impulsive buyer kasi that's why I only have the standard credit card. Hihi!"Hindi pa man tapos ang pangungumbinsi ni Janessa sa'kin ay naramdaman kong nag va-vibrate ang aking cellphone kaya agad ko itong kinuha sa aking bulsa. Isang unknown number ang naka display sa screen ng phone kung kaya't nireject ko ito. Ngunit muli ay tumatawag ito kaya napilitan akong mag excuse pansamantala kay Janessa para sagutin ang tawag.
BINABASA MO ANG
Austin's Condition (COMPLETED)
RomanceInspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student Candice Rae Amorsolo is determined to become a nurse someday. Her student life is peaceful and norma...