Two Weeks Later..
"Oh, ikaw ng bahala sa bunso ko at mamamalengke muna ako. Kung pwedeng ayusin mo rin ang kilay pati pala tabas ng buhok dahil ako ang namomroblema sa mga split ends ng batang iyan."
"Surelaloo Madam. Ako ng bahala. Tingnan natin kung hindi mag laway ang mga kalalakihan sa anak mo."
"Naku Julio, bata pa 'yan kaya bawal pa. Magwawala ang tatay niyan kapag nagkataon. Light make up lang Julio ah. O siya, alis muna ako."
"Eh nay, hindi nga po ako pupunta."
"Anong hindi? Mahiya ka naman sa mga kaibigan mo, sagot na nga nila ang susuotin mo tapos hindi ka pupunta? At saka huwag ka ng mag maktol diyan. Ang tanda mo na."Ano ba talaga? Kanina sabi bata pa ako. Ngayon naman matanda na. Haay.. Mukhang hindi ko na talaga mababago ang desisyon ni nanay kaya heto't naglakad nalamang ako palapit sa mag aayos sa'kin.
"Ba't ayaw mong pumunta?" Usisa ni Julio habang abala sa pag sha-shampoo ng aking buhok.
"May iniiwasan lang po."
"Jowa mo?"
"Naku hindi po. Napakalabong maging jowa ko 'yon."Matapos kong mag walk out sa klase ni Dr. Clemente dalawang linggo ang makalipas ay naging usap-usapan ang sinabi kong pag alis niya sa Saint Agatha kung kaya't mabilis pa sa diarrheang kumalat ang balitang iyon. As expected ay maraming nalungkot lalo na't hindi lang sa school aalis si doc., aalis na siya ng Pilipinas at wala kaming idea kung babalik pa ba siya rito o hindi na. Kahit ganoon din ang ginawa ko kay Dr. Clemente na parang.. Hindi pala parang dahil pinahiya ko talaga siya sa harap ng klase namin ay malaki pa rin ang pasasalamat kong hindi niya ako isinumbong sa guidance kahit hanggang ngayon ay hindi pa ako humihingi ng tawad sa kaniya. Mukhang wala namang epekto sa kaniya ang nangyari base sa reaction niya. Mabuti nga 'yon dahil bukod sa pareho kaming umiiwas sa isa't isa ay unti unti ko na ring nakokondisyon ang utak kong iiwan niya na kami.. Ako. Ewan ko kung defense mechanism ba ito pero para sa'kin ay effective ito sapagkat noong last day niya ay parang normal na araw nalamang iyon sa'kin samantalang sa iba kong kamag aral ay may pa farewell tribute at gifts pa silang inihanda kay doc.
"Aysus, LQ kayo noh? Huwag ka ng mahiya, hindi ko naman sasabihin sa nanay mo eh."
"Wala pong LQ at wala rin pong kailangang sabihin kay nanay. Single po ako since birth at wala rin po akong balak mag jowa hangga't wala pa akong napapatunayan sa sarili at sa pamilya ko."
"Sabagay. Tama nga naman 'yan. Sa hirap ba naman ng buhay ngayon kailangan talagang mag sumikap dahil kung hindi bukod sa mababaon sa utang, kumakalam rin na sikmura ang mapapala mo."
"Diba po? Kaya nga mabuti nalang at aalis na ang topakin kong professor."
"Oh.. Professor mo pala ang iniiwasan mo. Pinag iinitan ka?"
"Hindi naman po sa pinag iinitan. Hindi ko po kasi alam kung paano ko i-explain. Para po siyang hot and then cold, yes and then no, in and then out, up and then down. Wrong and then right."
"Pero walang kiss then make up? Babae ba ang professor mo?"
"K-kiss? W-wala pong ganun. Lalaki po siya."
"Ah.. Ba't parang kinabahan ka?"
"Hindi po ah." Sunod sunod pa akong umiling kay Julio lalo na't nag sisimulang mag replay na naman sa utak ko ang nangyari sa'min noon sa UFMC.
"Ang lakas maka Katy Perry pala ng professor mo. Lalaki ba talaga 'yan?"
"'Yun nga po eh, lalaking lalaki pero daig pa ang mood swing ng babae."
"Wirdo pala. Ganoon din ba siya sa iba mong kaklase?"
"Hmm.. Pansin ko po hindi. Sa'kin lang siya ganoon. Kung ganoon po siya sa mga kaklase ko malamang may simpatiya akong makukuha sa kanila kaso wala. Mahal na mahal nila ang McYummy nila."
"Haha! McYummy. Yummy nga ba talaga?"
"Ayaw ko man aminin pero opo, yummy po si professor."
"Naku, parang gusto ko tuloy bumalik sa pag aaral. Charing! Alam mo neng, kung ganiyan siya sa'yo 'di kaya type ka ng professor mo?"
"Po? Naku, malabo rin po 'yan. Ang dami pong magagandang babae riyan na pwedeng pwede at babagay sa kaniya. Wala akong panama sa level nila."
"Neng, hindi naman lahat puro pisikal na katangian lang ang hinahanap. Oo, una talaga nating mapapansin ang kagandahan panlabas pero aanhin naman ang pisikal na kagandahan kung nuknukan naman ng baho ang pagkatao ng taong iyon? Kaya huwag kang nega neng. Malakas ang paniniwala kong type ka ng professor mo. Hindi mo man nakikita ang dahilan pero sa kaniya malinaw na malinaw iyon."
BINABASA MO ANG
Austin's Condition (COMPLETED)
RomanceInspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student Candice Rae Amorsolo is determined to become a nurse someday. Her student life is peaceful and norma...