CHAPTER 40:

78 7 4
                                    

Alas otso palang ng gabi ay handa na akong pumasok sa trabaho kung kaya't nag paalam na ako kila nanay at tatay. Dapat ihahatid sana ako ngayon ni tatay ngunit sinisipon at inuubo siya kung kaya't pinagsabihan ko nalamang siyang manatili rito sa bahay at mag pagaling.

"Huwag mo 'tay kakalimutan yung gamot mo bago matulog. Sigurado ka po bang dito ka sa sala matutulog? Hindi kaya sumakit naman ang likod mo niyan?"
"Oo, dito muna ako pansamantala kesa naman mahawaan ko kayo ng nanay mo. Mag sige ka na habang marami pang tao sa labas. Ingat ka."
"Sige 'tay, itext niyo nalang po ako kapag may kailangan kayong ipabili."

Kumaway nalamang ako kay tatay bago humalik sa pisnge ni nanay at nag paalam. Bago rin lumabas ng gate ay isinuot ko muna ang aking earphones at hinanap sa aking cellphone ang kantang nirecord ni Austin. Parte na ng daily routine ko kasi ang pakinggan ang boses niya bago pumasok ng ospital at mag simula ng trabaho. Ewan ko ba kung anong meron sa boses niya at nakakatunaw ng puso at nakakawala ng stress kaya naman bukod sa aking cellphone ay may copy din ako nito sa aking laptop.

"..Take my hand
Let's see where we wake up tomorrow
Best laid plans
Sometimes are just a one night stand.. "

( B.M: Lost Stars by Jeon Jungkook)

Mula sa bahay ay nag simula akong mag lakad papuntang sakayan ng tricycle. Habang nag lalakad ay hindi ko rin maiwasang tumingala at pag masdan ang kalangitang punong puno ng mga bituin na nag mistulang mga perlas sa kinang kasama ang bilog na buwan. Ganitong ganito rin ang kalangitan noong nasa Batangas kami ni Austin bago siya lumipad patungong New York dalawang taon ang makalipas. Sa New York ang pinili niyang lugar para sa kaniyang surgery dahil 'yun ang kondisyon niya kung mag papaopera raw siya. Nang tanungin siya nila sir Jonah at ma'am Amber kung bakit ayaw niya sa UFMC ay ito lamang ang sagot niya:

"Candice doesn't want to become my girlfriend so babalik nalang ako ng New York."

Ngumisi pa siya sa'kin matapos mag sumbong sa kaniyang mga magulang kaya naman nagkatinginan muna ang mag asawa bago sila natuon sa'kin. Harujusko! Kung pwede lang mag evaporate ng mga oras na 'yun ay ginawa ko na lalo na't ngumisi rin si sir Jonah sa sagot ng kaniyang anak at may pa 'that's my boy' pang sinabi. Napailing na natatawa naman si ma'am Amber at pinag sabihan ang dalawang 'mag ama talaga kayo' bago siya ngumiti sa'kin. Alam niyo yung mula sa seryoso at makapag damdaming usapan sa hospital room ay sa isang iglap nagbago ng dahil lang sa kalokohan ng McYummy ninyo? Hindi pa nga siya gaanong nakakabawi ng lakas sa mga oras na 'yun ay nagawa niya pang mang asar.

Anyway, so yun na nga. Bago siya pumunta ng New York ay nagkaroon kami ng 24 hours jowa challenge. Ako na ang nag initiate dahil bukod sa pareho kaming walang trabaho ng araw na iyon ay ginawa ko na rin iyon opportunity para magkakilala pa lalo kaming dalawa. Well, better late than never nga sabi nila.

Hirap pa nga ako noon mag paalam kila nanay at tatay dahil hindi ko alam ang sasabihin ko hanggang sa sinabi ni McYummy na sabihin ko nalang raw na may team-building kami kaya 'yun din ang paalam ko sa mga magulang ko. Ang galint ng team-building diba? Dalawang participants lang. Ala sinko palang noon ng umaga ay sinundo niya na ako sa'min kasama ang kaniyang driver ( bawal muna kasi siyang mag drive at hindi ko rin siya papayagan mag drive ). Mula sa Metro Manila ay bumyahe kami patungong Batangas kung saan dinala niya ako sa isang private beach resort na pag aari raw ni Miss Pacheco. Nakapag asawa na raw kasi si Miss Pacheco ng foreigner at dahil mahilig si Miss Pacheco at ang asawa nitong mag beach kung kaya't bumili sila ng resort sa Batangas. Nang madako ang usapin kung kaano ano niya si Miss Pacheco ay sinabi niya lamang sa'kin na regular customer daw si Miss Pacheco sa bar ni ma'am Amber kung kaya't doon sila nagkakilala. Itatanong ko rin sana kung naging friends with benefits din sila pero naunahan niya na ako at nilinaw na wala raw sa kanilang nangyari.

Austin's Condition (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon