Ilang segundo na nga ba kaming nagtititigan lamang ni Dr. Clemente? Wala ni isa sa'ming gustong bumitaw kung kaya't si Elijah na ang naunang bumasag sa katahimikan namin ni doc at doon ay pareho kaming natauhan na animo'y kagigising lang mula sa isang hipnotismo.
"May kailangan kayo doc. Kay Candice?"
Pansamantalang inalis ni Elijah ang suot niyang sunglasses at tinitigan si Dr. Clemente bago kinuha ang aking kamay at hinawakan na siyang ikinagulat ko. Hindi rin ata inaasahan ni doc ang ginawa ni Elijah kung kaya't kita ko ang pag igting ng kaniyang panga habang nakatutok sa magkasalikop naming kamay ni Elijah. Dahan dahan kong binabawi sana ang kamay ko kaso lalong hinawakan lamang iyon ni Elijah.
"Nothing. I just want to say you.. You both look great."
"Thanks doc. Sige po, maiwan ka na namin. Let's go Candice."Bagama't magka holding hands kami ni Elijah kaya naman pareho na naming iniwan si Dr. Clemente at nag simulang mag lakad patungo sa pwesto kung saan ang mga kaklase namin. Nandoon din sila Alyson at Cholo na parehong kumakain ng tornado potato ngunit pansamantala silang tumigil para salubungin ako with all smiles dahil bagay na bagay daw sa'kin ang napili nilang damit. Naging tampulan din kami ni Elijah ng tukso lalo na't hindi pa rin binibitawan ni Elijah ang kamay ko.
"Don't mind them Candice. Anyway, kumain ka na?"
"Hindi pa nga. Ayaw akong pakainin nila nanay kanina. Natakot silang hindi magkasya itong damit sa'kin."
"Haha! Sila tita talaga. Tara, kain na tuloy tayo. Hindi pa rin ako kumakain. Sagot kita."
"Na naman?"
"Naman. Ako ang partner mo ngayong gabi diba kaya dapat lang na ilibre kita."
"Naku, salamat Elijah ah. Hayaan mo, balang araw makakabawi rin ako sa'yo."
"Looking forward. So, tara?"
"Yep, tara na't mahirap himatayin dito ng dahil sa gutom."Kagaya ng napagkasunduan namin ni Elijah ay pinili naming kumain muna habang ang ibang kaklase namin ay abala sa iba't ibang activities dito sa party. May ibang nag tungo sa haunted classrooms, may ibang nakapila sa photo booth, may iba ring nag sasayaw, at kung ano ano pa. Sa isang maid cafe napili ni Elijah na kumain kung kaya't sinalubong kami ng isang maid na naka lolita costume at iginiya sa isang table.
"One black spaghetti, chipotle burger, red velvet cake, and cranberry juice. Sa'yo Candice?"
"Doblehin mo na. Mukhang masarap ang mga inorder mo."
"Then double the order please. Thank you."Matapos makuha ng maid ang order namin ay agad na niya na itong inasikaso kung kaya't habang nag hihintay ay panay kwentuhan naman kami ni Elijah tungkol sa mga ganap sa'min dito sa Saint Agatha at sa ospital.
"Alam mo bang doon sa floor mo ay merong white lady?"
"H-haah? S-saan mo naman nalaman 'yan?"
"Usap usapan ang mga kababalaghan last week sa recovery room kaya doon ko nalaman. Mas nakakatakot nga raw yung sa inyo kumpara sa'min although wala pa naman akong nakikita so far."
"Bakit mas nakakatakot?"
"Sabi nila bukod sa mapaglaro si ate white, maririnig mo rin minsang umiiyak o tumatawa."
"Ano ba 'yan. Tama na Elijah. Baka hindi ako makatulog niyan mamaya eh. Araw pa naman na ng mga patay sa susunod na araw."
"Matatakutin ka pala."
"Medyo. Yung horror movie nga na pinanuod namin noon ni doc.."
"Doc?"Patay! Mukhang hindi na ata makapag hihintay ang araw ng mga patay sa'kin lalo na't naging curious na si Elijah. Mag fo-follow up question na sana siya ng biglang sumulpot naman sila Alyson at Cholo kaya nakahinga ako ng maluwag ng naupo at nakisali na rin sila sa table namin.
"Kayo ah. 'Di niyo naman sinabing date pala 'to at hindi Halloween party." Ani ni Alyson na kasalukuyang nag hahanap ng ma-oorder sa menu ng cafe."
"Hindi naman kami nag de-date. Nagkataon lang pareho kami ni Elijah na hindi pa nag hahapunan kaya andito kami. Kayo? Kumain na ba kayo?"
"Oo na at kakain ulit kami. Kanina pa kami nag lilibot at panay food trip lang ang ginawa namin. Mamaya pagkatapos natin dito manuod tayo ng live band." Ani naman ni Cholo.
"Talaga? Anong banda?" Tanong ni Elijah. Haay salamat at mukhang nakalimutan niya na ang sinabi ko kanina.
"Walang sinabi kung anong banda eh. Surprise raw." Sagot ulit ni Cholo at ngayo'y pumipili naman ng kaniyang kakainin.
BINABASA MO ANG
Austin's Condition (COMPLETED)
RomanceInspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student Candice Rae Amorsolo is determined to become a nurse someday. Her student life is peaceful and norma...