Prince charming.. Prince charming ko? Ilang segundo rin ako bago nahimasmasan kaya kaagad akong tumingala kay Dr. Clemente ngunit mukhang walang halong pag bibiro sa kaniyang sinabi dahil napaka seryoso ng kaniyang mukha habang nakatingin kay Ma'am Lorenzana. Si Ma'am naman ay katulad kong nagulat din. Takte, anong gagawin ko? Hindi naman sa ayaw kong maging prince charming ang isang katulad ni Dr. Clemente pero jusko, hindi kaya mapatawag ako sa guidance nito? Paano na ang pag aaral ko? Paano na ang mga pangarap ko sa buhay? Pangarap ko sa aking pamilya? Pangarap ko para sa'min ni doc? Papanagutan ba niya ako? Charot lang! Ano ba itong pinag sasabi ko.
"Well that's cute."
"I beg your pardon?"Mula kay Ma'am Lorenzana ay nalipat ang atensyon ni Dr. Clemente kay Dr. Williams at bakas din ang disgusto sa kaniyang boses kung kaya't bago pa lumala ang sitwasyon ay sumingit na ako sa pag uusap nilang dalawa lalo na't nandito pa ang mga bata na matamang pinapanood ang mga nangyayari sa'ming apat.
"Naku, salamat po Dr. Williams. Kayo naman, alam na po naming cute kami kaya huwag niyo na po masyadong ipahalata. Hehe!"
Kahit hindi ko feel na tumawa ay ginawa ko nalamang at mukhang effective naman dahil hindi lang si Dr. Williams ang natawa, maging si Ma'am Lorenzana rin ay ngumiti na kaya kahit papaano ay gumaan gaan ang atmosphere sa paligid pwera sa katabi kong nag sisimula na namang kumunot ang noo na sinabayan pa ng pag haba ng nguso kung kaya't ako naman ngayon ang humila sakaniya palabas ng hall. Narinig ko naman ang boses ni Ma'am Lorenzana na inutusan ang mga batang sumunod sa'min kung kaya't pinag buti ko ang pagkakahawak kay Dr. Clemente na siyang ikinalingon niya sa direksyon ko.
"Bakit po?"
"Nothing. I just find your grip too tight."
"Ay.. Sorry po."Babawiin ko na sana ang kamay ko nang bigla niya itong dinakip at sa isang iglap ay natagpuan ko nalamang na naka abrisyete na ako sakaniya. Kahit naka long sleeves siya ay ramdam ko pa rin ang biceps niya kaya pakiramdam ko tuloy inabsorb na ng mukha ko ang global warming lalo na ng sumulyap siya sa'kin at ngumiti.
"Thank you Candice."
"Y-you're welcome po? Pero ba't po kayo nagpapasalamat?"
"'Cause you're here. You just saved someone for the second time around."
"Po? Paano pong nangyari 'yun?"
"Wala. Kalimutan mo nalang ang sinabi ko. Anyway, we're here in the pantry so eat as you please. Nagugutom ka na diba?"Nang makapasok kami ng pantry ay saka lamang pinakawalan ni Dr. Clemente ang kamay ko dahil nag tulong tulong kaming lahat bigyan ng pagkain ang mga bata bago kami kumuha ng para sa'min. Bagama't wala ng bakanteng table para sa'min ni Dr. Clemente kung kaya't inaya niya akong kumain nalamang sa loob ng bar dahil marami raw doon mesa't upuan.
"I'll just get the keys from the office."
"Okay po doc. Akin na muna po 'yang pagkain niyo. Babantayan ko po."
"Bantayan mo lang talaga Candice ah."
"Oo naman po. Bakit? Sa tingin niyo kukuhaan ko ang pagkain niyo?"
"Who knows."
"Grabe naman doc. Stalker na nga ako sa paningin niyo tapos paparatangan niyo pa akong patay gutom. Nakakasobra na po kayo ah."Isang mapang asar na tawa lamang ang itinugon niya sa sinabi ko bago siya lumabas ng hall para kunin ang susi sa bar rito sa foundation.
"Candice."
"Ma'am, hello po."
"Mag isa ka ata. Nasaan na ang prince charming mo?" Pabirong tanong sa'kin ni Ma'am Lorenzana kaya naman natawa ako ng bahagya.
"May kinukuha lang po ma'am. Ma'am, alam niyo naman pong nag bibiro lang si doc kanina diba? Huwag niyo po sanang seryosohin."
"Sana nga nag bibiro lang ang batang 'yon, Candice."
"Po? Ano pong ibig niyong sabihin?"Magtatanong pa sana ako ngunit lumapit na rin sa'min si Dr. Williams kaya nalipat tuloy ang atensyon ko sa kaniya. Nawala na rin sa isip ko ang itatanong ko kay ma'am kaya naman nag focus nalamang ako sa sinasabi sa'kin ni Dr. Williams.
BINABASA MO ANG
Austin's Condition (COMPLETED)
Любовные романыInspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student Candice Rae Amorsolo is determined to become a nurse someday. Her student life is peaceful and norma...