Sa isang suite ko naabutang nag papahinga si ate Candy. Katatapos palang ng training kaya kararating ko palang rito sa hospital room niya at sa awa ng Diyos ay nasa maayos ng kondisyon ngayon sila ate at ang kaniyang baby.
"Aside from bruises, the patient got a low-grade sprained ankle also so hindi muna makakalakad ng maayos pansamantala si misis."
"Ah. Ang importante walang nabaling buto sa kaniya o major injury siyang natamo."
"Thankfully talaga lalo na't buntis si misis. Mag pasalamat din tayo na hindi siya nakunan. Unang anak niyo po, Mr. Ildefonso?"Habang nakikipag usap si kuya Mason sa doktor ni ate ay pasimple namang tinawag ako ni Doc Austin at inayang lumabas kung kaya't pansamantala ko munang iniwan sila at sumunod kay doc. Pagkalabas ng hospital room ay magsasalita na sana ako para mag pasalamat ngunit sinabi niya lang sa'kin na huwag daw kami sa labas mag usap. Nag simula siyang mag lakad kaya naman sumunod ulit ako sa kaniya hanggang sa nakarating kami ng cardiothoracic ward at pumasok sa isang kwarto kung saan nalaman kong opisina pala niya. Itinuro niya rin sa'kin ang isang single sofa chair na katapat ng kaniyang office table bago siya pumwesto sa harapan ng mesa at itinukod ang kaniyang dalawang kamay.
"Maraming salamat po doc sa tulong niyo."
Panimula ko matapos makaupo ngunit nanatili lamang tahimik si Doc Austin habang matamang nakatitig sa'kin. Hindi ko tuloy maiwasang maconscious lalo na ng gumuhit muli ang isang pilyong ngiti sa kaniya kaya para mag tigil siya ay sinamantala ko na ang pagkakataong makausap siya tungkol sa kung paano niya ako itrato.
"M-mabuti nalang po at pinatawag niyo ako rito. Gusto ko rin po talaga kayong makausap."
"Oh yeah? Why is that?"
"Ano po.. Una po sa lahat, salamat po ulit dahil tinanggap niyo ako rito sa UFMC. Utang na loob ko po sa inyo ang trabaho ko ngayon bukod sa tulong na ibinigay niyo sa pamilya ko. Pero po kasi.."
"Pero?"
"Huwag niyo po sanang masamain ang sasabihin ko sa inyo pero kung pwede po sana doc layuan niyo po ako."Ang ngiting kaninang nag bibigay sa mukha niya ng liwanag ay unti unting nag laho matapos kong sabihin ang dapat kong sabihin. Hindi man niya ako nilulubayan ng tingin ngunit nakita ko naman ang pamumuti ng kaniyang mga daliri ng humigpit ang pagkaka hawak niya sa kanto ng mesa. Sapagkat inabot na rin ako ng hiya at konting takot kung kaya't yumuko nalamang ako dahil hindi ko kayang salubungin ang kaniyang mga titig.
"Ayoko lang po ng gulo sa trabaho ko't kay Elijah. Bukod sa pinag seselosan ka ni Elijah, pinag uusapan na rin po tayong dalawa ng mga katrabaho ko at ayoko po ng ganoon."
"And you think I fucking care about that?"
"Doc Austin.."Napatalon ang aking kaluluwa ng biglang ihampas ni doc ang kaniyang kamay sa mesa kaya naman automatic akong napatayo ngunit tinapunan niya ako ng matalim na tingin rason para mestatwa ako sa kinatatayuan ko. Mula sa mesa ay agad din siyang nag lakad patungo sa'kin at sa hindi inaasahan ay hinapit niya ako't kinuyomos ng halik. Nang una'y gulat ang rumehistro sa aking sistema ngunit ng mapagtantong mali ang ginagawa niya.. Namin.. ay pinilit kong manlaban ngunit napakalakas niya at hindi niya rin tinatantanan ang aking labi hanggang sa nararamdaman ko na itong nangangapal.
"Hmm.. D-doc."
Sa kasamaang palad ay naibukas ko ang aking mga labi kung kaya't malayang malaya niya ng sinakop ito hanggang sa naramdaman ko na ang kaniyang dilang tinutukso ang aking dilang lumaban. Hindi lamang ang kaniyang bibig ang gumagalaw dahil maging ang kaniyang mga kamay ay nag sisimula na ring mag lakbay mula sa aking baywang pababa sa aking pwet kung kaya't nagulat nalamang ako ng bigla niya akong buhatin rason para ipulupot ko ang aking binti sa kaniyang baywang at ang aking braso naman sa kaniyang leeg.
"Now we're talking."
Nanumbalik ang ngiti sa kaniyang bibig bago niya muling binalikan ang aking mga labi and this time.. Hindi ko alam kung anong espirito ang sumapi sa'kin pero unti unti na akong tumutugon sa kaniya. Alam kong sinasabi ng aking isipang maling mali ang ginagawa namin pero mismong katawan ko na ang tumutugon kay Doc Austin hanggang sa napapikit nalamang ako ng malipat ang kaniyang labi sa aking tenga at paulit ulit itong hinalikan bago bumaba sa aking leeg.
BINABASA MO ANG
Austin's Condition (COMPLETED)
RomanceInspired by the exemplary battle of the frontliners against the 2020 Pandemic and her sister being a survivor from the deadly virus, college student Candice Rae Amorsolo is determined to become a nurse someday. Her student life is peaceful and norma...